After 1 year......
"Why do we have to be here?" Kunot na kunot ang noo ng babe niya ng lingunin siya. Frenzy smoothen it out.
"Kasi po. Gusto kong dalhin ka dito. I want to experience Baguio with you. Isa pa nung nasa ibang bansa ka di mo man lang naranasan ito."
Pinigilan ni Frenzy na matawa dahil nakasuot ito ng off shoulders na dress. Akala siguro nito ay sa kung saan lang sila mag d-date. She put a hand to her mouth to stop her giggles pero nakita nito iyon at pinandilatan siya ng mata.
"Kung sinabi mo sana nung una pa lang na dito pala tayo pupunta. I should have dressed appropriately, bata."
Humatsing ito at dumaan naman ang awa sa mata ni Frenzy. She took off her jacket and offered it to her babe. Gusto niya sanang surpresahin ito pero ito nga at mukhang palpak na naman siya. She should have brought another jacket with her too.
Tumitig ito sa hawak niyang jacket. Saka iyon inangat sa mukha niya. "You are seriously going to give me that?"
Napangiti ito at umiling ng makitang nanginig siya sa lamig.
"See ikaw nga di mo kaya ang lamig naka t-shirt ka pa niyan."
Gabi na kasi sila dumating at kasalukuyang papasok palang sa hotel na pag-s-stay-han nila. They were walking inside the building at ng makita niya ang reception area ay halos takbuhin niya iyon. But she didn't dahil sa kasama niya.
"P-Pero babe....baka magkasakit ka."
Her teetch chatters inside her mouth. Nicole threw her head back laughing. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang jacket niya. Frenzy almost feel sorry for herself dahil siguradong mag kakasipon siya sa hina ng resistensiya niya. But to her surprise. Her babe Nicole put the jacket around her.
"Suotin mo na yan bata. Wag na matigas ang ulo mo. Ayaw kong magkasakit ka habang gumagala tayo bukas."
Lumiwanag ang mukha ni Frenzy sa sinabi nito. Hindi niya maiwasang hindi maalala ang mga panahong habol siya ng habol dito. At ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon noon. Her babe is really her savior.
"I love you, babe."
"I love you too. So please can we go in our room?"
Nakangiting hinawakan niya ang kamay nito. She breathed on her babe's cold hands. Pinagkiskis niya din ang mga kamay niya para uminit iyon at ipinatong niya sa kamay ng babe Nicole niya.
"Thank you."
Pagkagaling nila sa reception ay agad silang pumasok sa loob ng kwarto nila. Inilibot ni Frenzy ang tingin sa buong paligid and when her eyes landed on her babe ay nakita niya ang pag baba at pag taas ng kilay nito.
Agad nitong isinara ang pintuan ng kwarto nila at nilock iyon. Bago siya kargahin patungo sa higaan nila. Napatili si Frenzy sa ginawa nito but she started laughing as soon as her body hit the soft matress.
-------------------------
"Babe. Try this!"
Excited na pinakita ni Frenzy ang dala dala niyang plastic cup na may lamang strawberry taho.
"Wow. I never seen something like this. Ito ba yung strawberry taho?"
Mabilis siyang tumango. "Try it."
Inabangan niya ang reaksiyon nito habang sinisimsim ang strawberry taho. Nanlaki ang mga mata nito at tiningnan siya ng nakangiti. Frenzy smiled.
"Wow. First time ko natikman ito. Thank you, Bata"
Frenzy puffed up her chest. "Aba babe. Ito ang purpose ng pag punta natin dito. I want to bring you to places in the Philippines na hindi mo pa na-e-experience to make up for lost time."
"Thank you, Frenzy." Hindi inaasahan ni Frenzy ng hapitin nito ang bewang niya at halikan siya sa labi. Nalasahan niya pa ang tamis ng strawberry sa labi nito.
Sumunod naman nilang pinuntahan ay ang strawberry picking sa La Trinidad. Masyadong nag enjoy ang babe niya sa strawberry taho at bili lang ito ng bili at inom lang ng inom nun habang nag lalakad sila papunta sa strawberry picking.
Pagkatapos nilang mag bayad ay nauna pa itong pumunta sa mga strawberries. May dala dala silang tig isang basket at iuuwi nila iyon sa mga kaibigan nila. Mellissa specifically wants to eat it. Nag lilihi na kasi ito dahil magkakababy na.
"Frenzy! Dali! I want to pick this!"
Natatawang pumunta siya sa pwesto nito at nakita niyang tuwang tuwa ito sa isang white strawberry. Frenzy tilted her head.
"Babe, eh baka hilaw pa yan."
"No. That's far sweeter than the red ones." One of the tourist smiled and pick one of the white strawberries.
Tiningnan siya ng babe niya. Nicole threw her head back laughing. Napasimangot naman siya. "Yeah. I don't know that but if that is sweeter than the red ones then I'll help you pick the whites."
Tumayo ang babe Nicole niya at inakbayan siya. "Thank you for bringing me here. Kahit hindi mo alam ang lahat ng bagay tungkol sa Baguio ang mahalaga ay dinala mo ako dito. And I am enjoying it."
Frenzy smiled and she suddenly felt shy. She buried her face on her babe's clothes. "You are?"
"Yes, bata."
Hinalikan nito ang noo niya. "Thank you. Frenzy."
Sumunod naman nilang ginawa ay mag horseback riding. Every activity they could do dahil uuwi na rin sila kinabukasan. Ang huli nilang pupuntahan ay ang activity na bicycle and boats sa Burnham Park. They rented a bicycle and started to ride around the park.
A smile appeared on Frenzy's lips ng makitang nag papakitang gilas pa ang babe Nicole niya sa pag b-bike. Nakangiti ito habang nag p-pedal ng hindi nakahawak sa manibela ng bike. And she was worried for a second pero ibinabalik naman nito ang kamay kapag feeling nito ay unstable na ito.
"I'm going to have a heart attack sa pinag gagagawa mo, babe."
Frenzy put a hand to her heart habang nag lalakad sila papunta naman sa mga boats. Her babe laughed and bumped her shoulders. "I was just having fun, bata."
"Well. Gusto mo pa bang mag boating?" Frenzy looked up. Madilim na din kasi ang paligid at lagpas 7 o'clock na. She put a hand to her pocket dahil nilalamig na din siya. Her babe Nicole noticed it and held her left hand. Ipinasok nito iyon sa binili nitong jacket nung nakaraang araw.
Frenzy smiled and there was a tickle in her heart ng pag masdan niya ang mukha ng taong mahal niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na pwede na silang mag hawak kamay. Nahahalikan niya na din ito and they even made love multiple times.
"What's on your mind?" Her babe whipped her head towards her direction.
Ngumiti dito si Frenzy at marahang umiling. "It's just that...akala ko dati hanggang pangarap ka na lang. Lalo na nung umalis ka papunta sa Canada. I was just thinking that what if I gave up. What if hindi kita inantay. What if may nahanap kang iba sa Canada. I was just happy you get to be with me babe."
Natigilan ito ngunit agad ding ngumiti. Inalis nito ang tingin sa kanya at tumingin sa paligid. "I was thinking the same exact thing Frenzy."
Humarap ito sa kanya. Saka hinawakan ang pisngi niya gamit ang kaliwa nitong kamay. "So from now on. You can stop chasing me dahil hindi mo na kailangang gawin yun. Sinasagot na kita."
Kasabay ng pag sabi nito nun ay biglang lumiwanag ang buong paligid sa sindi ng mga fireworks. Frenzy looked up ng hawakan ng babe niya ang ulo niya at patingalain siya sa kalangitan.
"I love you Frenzy Asistores."
Maluha luhang tinitigan niya ang mga letrang nag kislapan sa asul na langit. Saka niya tinitigan ang babaeng mahal niya. Her savior and her lover.
"I love you too, Nicollette Howard Jung."
Fin.......
BINABASA MO ANG
Chasing Nicollete Jung - Completed
Teen FictionAno nga ba ang mapapala ni Frenzy Asistores sa paghabol habol niya kay Nic? Asungot lang naman ang tingin nito sa kanya. Wala na daw siyang ibang ginawa kundi ang bwisitin ito araw araw. Pero kahit ganun she would always show up with a smiling face...