CHAPTER 34

1.2K 47 1
                                    


(Frenzy's POV)

"Waaah! Bestfriend! She told me she's already falling for me!"

Inalog alog ni Frenzy si Mellisa habang nakahiga sila sa picnic matress na nilatag nila sa parke.

Mellisa shook her hand off. Saka ulit ito sumilip sa telescope. "Shut up ka nga muna bestfriend busy ako."

Nicole looked in her eyes and it was the most intense stare she ever seen in those brown eyes.

"So baliktarin na natin ang lahat. Ako na ang mag hihintay sayo hanggang sa dumating ka sa tamang edad at ako pa rin ang gusto mo."

Pagkatapos nun ay sabay silang bumalik sa gym ng may ngiti sa labi ng isa't isa. Her babe also threatened her ate Tiff dahil sa mga ginawa nitong kalokohan. She found out na sinabi pala ng ate Tiff niya na may gusto siya dito dahil gusto nitong umamin na ang babe Nicole niya.

"Makinig ka muna kasi nga!" Muli niyang inalog ang kaibigan.

Nakasimangot na humarap ito sa kanya. "O ito na makikinig na."

"Fajardo I think I need to grow up fast para dumating na yung panahon na yun na maging kami na ni Babe."

Sa sinabi niya ay sumeryoso ang mukha ng kaibigan. Tumagilid pa ito para lalong makita ang mukha niya.

"Matanong nga kita Frenzy. Wala ka na bang ibang pangarap maliban sa maging girlfriend o asawa ang babe Nicole mo?" Tumingin ito saglit sa gilid nito. "I think it's not healthy to fixate your dreams around someone. Parang ang nangyayari, you are molding your dreams around her."

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan niya. Wala nga ba siyang ibang pangarap?

"M-Meron naman." Umiwas siya ng tingin kay Mellisa at humiga paharap sa langit. She put both of her hands in her stomach. "Gusto kong maging ina ng mga anak namin ni Babe. Tapos Mag a-architect din ako."

"Bata ka pa nga, bestfriend."

Kumunot ang noo niya at tinaasan ito ng kilay. "Ikaw di ka bata?"

"Bata din ako pero mas matured ako sayo mag isip. Tamo. Kaya nag aalinlangan sayo si Ate Nics dahil baka balang araw mag bago pa ang pangarap mo. Ma-realize mong may gusto ka pang gawin maliban sa maging girlfriend at asawa niya, dahil si ate Nics meron din siyang pangarap."

Napatango siya sa sinabi ni Mellisa. Totoo ang sinasabi nito dahil hindi naman mag sisikap na mag practice ng mag practice ang babe niya sa cheerdance kung hindi lang daw dahil sa scholarship na naipangako dito ni ate Cas.

Isa pa susupportahan niya talaga ang babe niya sa cheerdance competition. Isisigaw niya talaga ang pangalan nito sa buong gym.

"Tapos mag hihiwalay din kayo dahil doon. Sabi nga nila. Right love at the wrong time."

Humaba ang nguso niya sa sinabi ng kaibigan. "May nalalaman ka pang right love at the wrong time. Ikaw ba anong gusto mong gawin balang araw?"

"Well ako, I will be a super model."

Humagalpak siya ng tawa sa sinabi ng kaibigan. "Ikaw model? Baka mowdel!"

Nilingon siya nito ng nakasimangot. "Tse. Pag ako talaga naging super model di kita papansinin. Who you ka talaga bestfriend!"

"Eh ang liit ng biyas mo."

"Antayin mo lang. Pag itong mga biyas ko humaba naku naku. Kukutungan kita lagi."

Bumangon siya at bahagya itong sinuntok sa tiyan. "Tara na at malapit ng gumabi. Baka mapagalitan tayo ni Babe niyan."

"Speaking of." Bumangon na din si Mellisa at siniko siya sa tagiliran habang papalapit sa kanila ang babe Nicole niya.

Frenzy was once again mesmerized. Bakit ba kasi ang ganda ganda nito? Masama ba talagang maging sentro ng mundo niya ang babe niya?

"Uwi na tayo?"

"Tara babe." Tumayo siya at nakangiting lumapit dito.

"Tulungan ko muna kayo mag ligpit niyan."

Frenzy looked back at Mellissa na nag liligpit na ng mga ginamit nila habang nag s stargazing. Nahiya tuloy siya sa kaibigan. Lumapit din siya dito at nag ligpit na din ng mga ginamit nila. Nagkatinginan sila ng babe niya at sabay na ngumiti.

"Hatid ko na kayo?" Pagkatapos nilang ilagay ang mga gamit sa likod ng sasakyan ng babe niya ay tinanong agad sila nito.

"Yeah sure babe." Nakangiting tumango siya dito.

"Uy grabe di na kayo nahiya sa mga single!"

Sabay silang napalingon ng babe niya kay Mellisa na nag dadabog pa ng makapasook sa back seat ng sasakyan. Nagkatinginan sila and they both laughed.

"Ang kulit ni Mellisa." Napailing ang babe niya. "Ano tara na?"

Tumango siya dito. "Thank you sa pag antay babe."

Pinagbuksan siya nito ng pinto ng passenger seat. "After you my lady."

Frenzy felt giddy sa mga ginagawa ng babe niya. Napaka gentle woman talaga nito. Mellisa rolled her eyes at her ng mag katinginan sila sa rearview mirror. Dumila naman siya dito na nakita pala ng babe niya.

Her babe Nicole threw her head back laughing bago nito paandarin ang sasakyan palayo ng parke.

-----------------------

Pagkahatid nila kay Mellisa ay siya na lang ang last nitong ihahatid ng gabing iyon.

"Thank you sa pag hatid sakin babe." Frenzy played with the neck tie of her uniform.

Ngumiti ang babe niya at ginulo nito ang buhok niya. "Ayaw ko lang na mapahamak kayo ni Fajardo dahil gabi na rin naman. Delikado na sa daan."

Frenzy looked at the time in her watch. Malapit na ring mag hapunan at napapansin niya minsan na ang payat ng babe niya. Baka hindi ito masyadong kumakain sa bahay ng mga ito dahil nga sa sitwasyon ng magulang nito.

"Babe." Baba na sana siya but she looked at her babe's face first. "D-Do you want to eat dinner with us."

Natigilan ang babe niya sa tanong niya pero mamaya maya pa ay umiling ito. "N-Nakakahiya sa magulang mo Frenzy."

Ngumiti siya dito. "Hindi naman. My parents want to meet you too. Matagal na. Simula nung niligtas mo ako. Gusto ka na nilang makilala."

"O-Ok."

"Tsaka napapansin kong pumapayat ka." Hinawakan niya ang kamay nito. It't the warmth that made her smile again. "Tara na babe?"

Sumabay ito sa kanya sa pag pasok sa gate nila ng iwan nito na nakaparada sa labas ng bahay nila ang kotse nito.

"Sigurado ka bang ok lang sa magulang mo?"

Tumango siya dito. Saka pinindot ang doorbell.

"Anak?"

"Ma pabukas po ng gate."

Lumabas ang mama niya at nanlaki ang mga mata nito ng makita sa tabi niya ang babe Nicole niya. Nakilala siguro ng mama niya ang mukha nito dahil sa lagi niyang pinapakita sa mga magulang ang picture nito. May naka display pa sa loob ng kwarto niya.

"Aba anak may bisita ka." Ngumiti ang mama niya sa babe Nicole niya na bahagyang yumuko at nag mano dito.

"H-Hello po tita."

"Pasok pasok. Kain ka muna ng hapunan samin."

"Tara babe." Sumunod silang dalawa sa mama niya ng pumasok na ito sa loob ng bahay.

Agad niyang naramdaman ang panlalamig ng kamay ng babe niya pag hawak pa lang niya sa kamay nito.

"Hindi naman mangangain sina mama."

"But they might ask me what I'm doing with you."

Frenzy threw her head back laughing. "Eh di sagutin mo babe."

Chasing Nicollete Jung - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon