Chapter 11

2.7K 120 0
                                    

"Anong gusto mong kainin?" her babe Nicole asked her while eyeing the menu above the fast food's counter.

She squinted her eyes. Favorite niya ang spaghetti pero mukhang marami talagang masasarap na pwedeng kainin ngayon dito.

"Gusto ko ng Sakura McFloat, Fries, Cheese burger, spaghetti, tsaka fried chicken with rice Babe."

Napakamot ito sa ulo saka siya tiningnan mula baba hanggang taas with really trouble expression on her face. Siguro nag tatataka ito na sa payat niyang ito ay mauubos niyang lahat iyon.

"S-Sure ka diyan?"

"Yes babe!" she replied chirpily.

Masarap kaya ang pagkain dito sa fastfood na 'to.

Nakita niya ang saglit nitong pagkaputla saka umiling iling. Tiningnan din nito saglit ang pitaka nito.

"I'm going to spend my allowance again" her babe said under her breath.

Mahina lang iyon pero dahil halos magkatabi lang sila ay dinig na dinig niya.

She felt guilty all of a sudden dahil parehas lang din naman silang estudyante at umaasa din siya sa allowance sa magulang niya pero mukhang may problema kasi ang babe niya sa magulang nito. Kaya siguro tinitipid din nito ang allowance.

"Don't worry babe!" her voice is too cheerful for her liking. Masaya lang talaga siya na kasama niya itong kumain. "I will pay for what I ordered. Kung gusto mo ako na lang sasagot sa kakainin----"

Umiling ito at matiim siyang tinitigan. "I won't do that, isa pa kabayaran na din to sa pag alaga sakin kanina."

"Uh---ok babe."

"Go and find us a seat here. Ako na o order."

Ngumiti siya dito. Showing her dimples. "Sure babe!"

Saglit niyang nakita ang pag sungaw ng ngiti nito na agad nitong pinigilan. Saka umiling iling. Tinulak pa nito noo niya palayo dito. "Go."

She pouted but followed what her Babe said. Naghanap siya ng mauupuan with a cheerful pacing of her feet.

Tsaka mukha siyang tanga na pangiti ngiti sa kawalan at parang walang pakialam sa paligid niya.
Kaya naman hindi niya napansin ng may mabangga siya.

The woman immediately gasp in shock ng matapunan ito ng sariling Royal Mcfloat sa suot nitong pink na sunny dress.

"Uh-"

Napatingin siya sa paligid niya dahil sa nangyari. Nakakahiya. Ang dami ng tao na nakatingin sa kanila.

She abruptly looked at the counter. Baka nakita ng babe Nicole niya. Baka hindi na siya nito samahan sa susunod dahil nakakahiya siyang kasama. Pero mukhang nag aalala lang ito dahil agad itong pumunta sa pwesto nila.

"Look what you did!"

Doon siya ulit napatingin sa babaeng nakabangga niya. Mukhang kaedaran ito ng babe Nicole niya. Maganda din sana ang babae kaso lang sa sobrang kunot ng noo nito parang pumapangit ito sa paningin niya.

"I'm sorry----"

"No! Di sapat ang sorry mo. See!" Itinuro nito ang damit. "Nakakahiya na lumabas akong ganito!"

She winced. Ang lakas ng boses nito at halatang galit na galit ito.

"Hey. That's enough she already said her sorry."

Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang babe Nicole niya. Nasa gilid niya ito at masuyo siyang kinabig sa gilid ito.

"Babe---"

Chasing Nicollete Jung - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon