Chapter 2

4.3K 217 62
                                    

(Frenzy POV)

"Hi Mom! Hi Dad!" humalik siya sa pisngi ng mga ito.

"So kamusta na yung panliligaw mo kay Ate Nicole mo?" natatawang biniro siya ng papa niya habang nag babasa ito ng dyaryo.

"Dad! Babe Nicole ko yun."

Kumuha siya ng tinapay sa lamesa at pinalamanan iyon ng peanut butter. Saka iyon kinagat.

"Remember you are still young. Wag kang masyadong mag madali. Malay mo naman anak may iba pang babae na mag papatibok ng puso mo." her mother also said to her. Nag aayos ito ng lamesa para sa hapunan.

"Mom. Wala na pong makakapag pabago ng isip ko. I love Babe Nicole. Ang astig niya po."

"We are grateful to her anak at inuwi ka niya ng araw na yun but you've been courting her since 7th grade di ka pa ba napapagod 'nak?" her dad said again.

"I'm grateful too dad." dahil kung hindi. Hindi na daw sana siya makikita ng mga magulang niya. At mas gusto ng mga ito na buhay siya kesa naman mawalan ang mga ito ng nag iisang anak.

Kaya naman unti unti siyang natanggap ng mga magulang niya. Sa totoo lang wala pa kasi siyang ibang inuuwing babae. It's because isa lang naman ang gusto niyang ipakilala sa mga magulang niya. Her knight in shing armor.

Lahat ng nangyayaring maganda ngayon sa buhay niya ay dahil na rin sa pagligtas nito sa buhay niya.

"Mom, Dad. Akyat na po muna ako pahinga lang." but the truth is she will just stalk Nicole on facebook, instagram and twitter. Ganun siya ka de dedicated. Well liking her posts too.

Tumango ang mga ito. At saglit siyang hinalikan ng mama niya sa ulo.

Agad siyang nag log in sa facebook account niya at hinanap ang pangalan nito sa facebook.

Hindi sila friends dahil nga sa hindi nito tinatanggap ang friend request niya. Madalas niyang ikalungkot iyon but her Ate Tiff is her friend in FB. Lagi siya nitong tina tag sa post ng babe niya.

She was scrolling through her babe Nicole's profile when the latest news feed pop up.

Ouch naman! Gumuhit ang kirot sa dibdib niya. Napahawak siya sa bandang puso niya sa nakitang post nito. May kasama itong babae sa picture at hinalikan pa nito sa noo.

"Hmph! Ako pa din ang nakatadhana sa babe ko. Even if we are an opposite sign. I'll make sure that I will be her ideal type."
.......

"Ate Tiff!" kumaway siya agad pagkakita sa Ate Tiff niya na papasok ng quizzer's room. May meeting kasi silang lahat para sa gaganapin na next quiz bee.

4 na kasi ng hapon at tapos na din naman ang klase ng mga junior High. Ang mga senior na lang ang 6 ng gabi umuuwi.

Ngumiti ito agad at tumabi sa kanya.

"Uy Baby Frenzy." Agad nitong pinanggigilan ang pisngi niya. "Ang cute cute mo na naman!"

Napapangiwi siya sa ginagawa nito kaya siguro binitawan na rin nito ang pisngi niya. Siya naman todo kusot ng mukha para mawala yung hapdi.

"Nasobrahan naman ata ate Tiff yung pag pisil niyo sa pisngi ko."

Tumawa lang ito saka ginulo ang buhok niya.

"So. This year. Quizzers should do their best to enter the preliminary. Ang ilalaban sa math ay si Frenzy at sa History and Lit ay si Tiff. Alfred, ikaw naman sa English and last sa Science. Si Melody ang ilalaban."

Isa isa silang tinitigan ng teacher-slash-coach nilang si Miss Ryle.

"Ate Tiff. Sino yung babae na kasama ni Babe ko?"

"Yung babae na yun. Flavor of the month niya. Alam mo namang playgirl yang babe mo."

Nalungkot naman siya bigla." Eh sabi mo gusto niya yung sexy, yung may woman's abs, yung medyo malaki ang pwet at syempre matalino at maganda. Pero ni hindi nga ina accept ang friend request ko."

"As I was saying-----Mababato ko kayong dalawa Miss Asistores at Miss Alba. Nakikinig ba kayo?"

Patay! Galit si Miss Ryle.

"Ah eh. Yes Miss!" her ate Tiff said."You said na ako po sa history at lit. And baby Frenzy is for mathematics."

Umiling ito. "Naku kayong dalawa talaga. May sinabi pa ako bukod diyan. As I was saying re-group next Thursday. Mag o observe tayo sa Engineering major, English Major, Science Major and History major. Nagkakaintindihan?"

"Yes Miss!" sabay sabay nilang sabi.

"Good.Dismissed"

Magkasabay silang nag lakad ng ate Tiff niya.

"Hoy Asistores. Wag ka munang mag basa ng horoscope mo baka madistract ka."

She rolled her eyes. Alfred again? Yes the Alfred Hermano who is always teasing her from the class. Lagi itong pangalawa sa kanya. Pero pasaway din ito sa klase.

Bored na nilingon niya ito. "Hindi mo ba talaga ako titigilan Hermano?"

"Hindi Asistores. Nag e enjoy ako pag naaasar ka."

"Mukha ba akong naaasar Alfred?"

"Uy kayong dalawa. Team mates tayo Ok? Kailan ba kayo mag kakasundo?" sumabat na si Tiff.

"Never!" sabay na pagkakasabi nila.

Umingos pa siya dito. Saka niya hinila ang kamay ng ate Tiff niya.

"Hey that was rude."

"Eh ate Tiff.....lagi akong inaasar ni Alfred!"

"Hayaan mo na yun."

"Pero sa tingin mo ate Tiff. Papansinin kaya ako ni Babe ko?"

Tumawa ito at ginulo ang buhok niya. "Maybe when you get older. Maiisip mong hindi lang si Nics ang babae sa mundo. Maganda ka at matalino. Eh yung kaibigan ko na yun ang tamad nun mag aral."

Ngumiti siya dito. "Eh di perfect po kami. Matalino ako so tuturuan ko si Babe."

Natawa na lang ito. "Such optimism from you huh?"

Kipkip nito ang mga librong lagi nitong binabasa. Hindi niya alam kung bakit ang hilig ng ate Tiff niya sa History at Literature.

"Amina na ate Tiff. Ako na po mag dadala ng iba. Sasamahan ko na po kayo sa building niyo."

"Ay sus." Tiff messes up her hair. "Siguraduhin mo lang na tutulungan mo ako kaya ka pupunta sa Senior high building ha?"

Napakamot siya sa ulo niya. Mukhang alam nito ang hidden agenda niya.

"Kahit isang sulyap lang ate Tiff."

Nakarating sila sa classroom ng mga ito. And she saw the object of her affection admiring the playground below. Nakapangalumbaba ito malapit sa bintana.

"Hi!" lumapit siya dito na agad na ikinakunot nito ng noo.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"Tinulungan ko si Ate Tiff sa libro niya."

"Kung ganun. Shoo. Tapos na yung pag tulong mo di ba? Bakit ka pa lumalapit sakin?"

Aray! Ang harsh naman nitong mag salita. Hindi ba talaga siya nito naaalala? Should she just say it?

"Uhmm Babe---"

"Stop calling me that."

"Eh di Honey----"

"And that too." sabay turo nito sa kanya.

Ngumiti lang siya dito. "Eh di Mahal---"

Hinila nito ang necktie niya. Saka inilapit ang mukha sa kanya.

"Not another endearment. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Napalunok siya. Ang lapit ng mukha nito. Argh! Those soft and petite nose. And those long eyelashes with a sultry brown eyes.

Pwede na siyang himatayin ngayon pa lang.

Chasing Nicollete Jung - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon