Chapter 13(Nicole’s POV)
“I’m sorry nung nakaraan. I wasn’t supposed to say that.” She said to Cas. Lumingon din siya kay Candice.” Yeah but I’m not gonna say I’m sorry for what I feel, because it feels like I am losing my best friend to you.”
Nakangiting tumango ito. “Yeah it’s ok. Ganyan din naman ako sa iba kong kaibigan.”
Nakangiting tumango sa kanya si Cas. “It’s ok. I know sometimes you are hot headed. Nauuna ang bibig kesa sa isip.”
Tumatawa pa ito habang nakatingin sa kanya. Napasimangot siya. “Grabe ka ha? Parang sinabi mo na taklesa ako. I’m not!”
“Sus Defensive mo Jung!”
Tumingin siya kay Tiff. “Am I?”
Nakangiting tumango tango ito. “Yes you are.”
Tawa pa din ito ng tawa. Namumula na ang mukha niya kaya naman kumain na lang siya ng kumain kesa ang tuksuhin pa ng mga kasama niya. Nahihiya na din siya dahil nakangiti habang nakatingin sa kanya si Frenzy. Baka isipin nitong kinakaya kaya lang siya ng mga kaibigan niya.
Parang sumasama ata ang maganda niyang image kay Bata! Sinungitan niya din tuloy si Frenzy pero pa ngiti ngiti lang ito sa kanya. Natapos ang lunch na parang malapit ng mapunta ang mata niya sa likod ng ulo niya. Panay irap siya kay Frenzy na hagikgik ng hagikgik.
-------------------------------
Uwian. She was getting ready to work in her part time job as a waitress in a restaurant owned by Tiffany’s parents.Nitong nakaraan siya nag umpisa sa part time job niya dahil kailangan niyang mag ipon para sa kursong kukunin niya sa college. Alam niya kasing hindi siya bibigyan ng pera ng mga magulang niya kapag kumuha siya ng kursong engineering. Ang gusto kasi ng mga ito ay kumuha siya ng business management. Isa pa hindi naman sasapat ang ipon niya mula sa allowance kahit ipunin niya ang mga iyon pagka tapos ng senior high.
“Hey.” Binati niya agad ang kasamahan niya pagkapasok niya sa backdoor ng restaurant.
Tumango naman ang binati niya. “Buti andito ka na Nics. Hanap ka na nung mga estudyante sa River High gustong gusto na ikaw ang kumuha ng order nila.”
Nanunukso ang mga ngiti nito.
Napangiti na lang siya dito. Sinuot niya na agad ang uniform. Pagkalabas niya sa bandang kusina, she was stunned when she saw Frenzy. Nakangiti ito habang kumakaway sa kanya. Nakasuot din ito ng pang waitress na uniform. Hindi niya maiwasang hindi humanga. Kahit kasi simpleng waitress ang uniform nito, mukha lang itong nag c cosplay. Kaso lang mukhang marami ng nakakapansin dito. And she doesn’t like it.
Kumunot ang noo niya. She strides towards Frenzy with a determined step. “Anong ginagawa mo dito?”
“Mag p part time.” Painosente itong ngumiti sa kanya but she knew better. Tiffany must have said to Frenzy what she was doing after class every Friday and Saturday.
Napatapik siya sa noo.” Tiffany! Masasakal talaga kita pag nag kita tayo!” Buong gigil na bulong niya sa sarili. Ngumiti siya dito ng pilit. “Alam mo ba kung anong pinasok mo?”
“Yes babe.” Kumindat pa ito sa kanya may kasama pang turo sa kanya na parang bumabaril.
Napasinghap siya dito. Ang pilya kasi ng pag kakangiti nito sa kanya. And those gestures are so damn cute!
Nag mamadaling tumalikod siya dito. Her face aflame with reddish hues. Hindi dapat nito malaman na naapektuhan siya ng mga cute nitong ngiti! “M-Mag serve ka na nga dun!”
Agad niya na lang kinuha ang order na nasa papel para ibigay iyon sa counter papasok sa loob ng kusina ng restaurant. Tumambay na din siya doon para antayin ang mga pagkain at drinks. Ayaw niya lang talaga itong makasama sa iisang lugar dahil hindi niya na maintindihan ang sarili niya sa tuwing makakasama ito. She felt like she wants Frenzy so close and she was beginning to get bothered by her presence a lot!
“Hi Babe!” Nanlaki ang mga mata at napaatras siya ng makita si Frenzy sa harap niya. May inabot din ito sa counter saka ulit kumindat sa kanya. She felt her heart pound. Nakakabingi ang lakas ng tibok nun!
Nag antay din ito doon kaya wala siyang choice kundi tiisin ang presensiya nito. She looked at anything except Frenzy’s cute face.
“Babe! Psst!”
Pero hindi niya ito nilingon pa. Kasi baka lalong lumakas ang tibok ng puso niya. Nakahinga siya ng maluwag ng sa wakas sa tagal tagal ng minuto na inantay niya doon. Dumating na din ang in-order niya. Kaya naman kinuha niya na iyon agad at nag tungo sa table 10. Tila habol ng kung ano sa bilis niyang umalis sa counter!
“Babe! I love you!”
Nakasimangot na nilingon niya ito. Ngiting ngiti ito. Samantalang tila kinikilig naman ang iba nilang mga kasamahan. Yung mga lalake naman kitang kita sa mga mukha ang pang hihinayang.
Iniwasan niyang ngumiti habang nakaharap dito dahil baka iba pa ang isipin nito sa gagawin niya. Pagkatalikod niya ay agad din naman siyang napangiti. Tila nasasanay na siya sa makulit na batang iyon.
Ibinalik niya na lang ang tingin sa table 10 para iwasan na din na tumagal ang pag titig niya sa maganda nitong mukha. Hindi nga nag kamali and kasamahan niya na mga estudyante na taga River High and nag hahanap sa kanya. Limang babae na laging andito sa restaurant sa tuwing andito din siya.
“Hi Girls.” Magiliw na bati niya sa mga ito.
“Hi Nics! Ka gwapa sa imo!” Kinikilig na turan ng isa sa mga ito. Yung babaeng maikli ang buhok na hanggang balikat ang nag sabi nun.
Nginitian niya ito pero nakakunot ng bahagya ang noo niya. “What is the meaning of that?” Hindi niya kasi alam ang lenggwahe na ginamit nito but she like it because it has a certain soothing effect to it. Malambing ang pagkakasabi nito. And it’s also the first time na nag salita ito ng ganun.
“Pasensiya ka na kay Reed. Ilongga kasi yan.” Tumawa ang babaeng medyo boyish ang gupit ng buhok. “She said that you are so pretty.”
“Ay Haze naman eh! Wag mo akong ibuking sa ginaluyag ko!” pinag hahampas ito nung Reed.
“Ah you mean crush?” Haze said smiling. Teasing Reed.
Mula sa pag kakakunot ng noo ay unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Crush pala siya nito pero bakit kailangan pang gumamit ng ibang lenggwahe para sabihin sa kanyang crush siya nito? And before she knew it napatawa na talaga siya sa kulitan ng dalawa.
Yung isa pang kasama ng mga ito ay nailing na lang sa kalokohan nina Reed at Haze. The girl with the bangs rolled her eyes. But the leader of the group got her attention. Hindi dahil sa maganda ito but the way she looked at the other side of the table. Tulalang nakatingin sa kabilang mesa ang babae. Kaya napatingin din siya sa tinitingnan nito. Kumunot ulit ang noo niya ng makitang si Frenzy ang tinitingnan nito, na abalang abala din makipag harutan dun sa kabilang mesa na puro lalake.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nainis. Kahit hindi niya sabihin sa sarili kung ano ang dahilan. She knew it already, and she doesn’t like where this is going.
BINABASA MO ANG
Chasing Nicollete Jung - Completed
Fiksi RemajaAno nga ba ang mapapala ni Frenzy Asistores sa paghabol habol niya kay Nic? Asungot lang naman ang tingin nito sa kanya. Wala na daw siyang ibang ginawa kundi ang bwisitin ito araw araw. Pero kahit ganun she would always show up with a smiling face...