(Frenzys POV)
"Babe gumising ka na please. Paano na ako kapag nawala ka na? I cant live. If living is without you." Talagang ikinanta pa niya ang dalawang huling sentence.
She heard a chuckle from the nurse.
Tila nahiya naman siya sa inasal niya. Kaya naman napakamot pa siya sa ulo niya. Ang tagal naman kasi magising ng babe niya. Kanina pa sila andito sa clinic ng gym halos isang oras na din.
"Uy bestfriend OA ka ha?" Fajardo rolled her eyes at her. "Isa pa sure ka bang aantayin mo pang magising yang babe Nicole mo bago ka kumain?"
Tinitigan niya ang babe niya. Naaawa siya dito. Ngayong napag masdan niya itong maigi ay lalong kapansin pansin ang pamumutla nito.
"Yes. Mamaya na gusto ko talgang kasabay si Babe."
"Haist Bahala ka ng------------------"
Natigilan si Fajardo ng biglang tumunog ang phone nito. Nakangiwing itong tumingin sa kanya matapos sagutin ang tawag.
"Sorry bestfriend. Tinatawag na ako ng mama ko. Umuwi na daw ako kung hindi mapapalo ako sa pwet."
Natawa siya dito. "Uso pa ba ang pamamalo sa pwet sa edad nating to Fajardo?"
"Sa amin oo. Malungkot mang isipin."Tumayo na ito. "O siya maiwan na kita sa Babe mo. But be sure to eat ok? Baka mag alala ako kung kong malalaman ko na parehas na kayong nakahiga diyan."
Nakita niya ang sincerity sa mga mata nito. And for the first time she saw that someone truly do care for her aside from her parents and her Ate Tiff.
Napangiti siya pero agad niya iyong itinago dito. "Yeah yeah whatever. Magpapalo ka na sa bahay niyo. Uwi na"
"Tumawa lang ito at nginusuan siya. What? Wala lang ba yung effort ko? Di man lang ba naantig ang iyong damdamin?"
Tinulak niya ang mukha nito ng akmang I k kiss pa siya sa cheeks.
"Hindi!"
Umalog ang balikat nito sa kakatawa. Saka siya kinawayan na lang paglabas nito.
Mapang asar pang gumawa ito ng kissing gesture sa kanya.
Inambahan niya na ito ng suntok kaya naman tatawa tawang ngumisi ito at tuluyan na ngang umalis.
Napailing na lang siya ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya. Ang kulit din pala ni Fajardo mas malala pa ata sa kanya.
That is when she heard a chuckle. Namilog ang mga mata na nilingon niya ang Babe niya. Gising na ito at mukhang nakita ang nangyari sa pagitan nila ni Fajardo.
Napapikit siya ng mariin. 'Argh! Fajardo lagot ka sakin sa lunes. Nasisira ang image ko sa babe Nicole ko'
"She's a good friend you know. Mahirap makahanap ng mabubuting kaibigan and you should really treasure them."
"She's not my friend she's just annoying." Labas sa ilong na sabi niya. She was beginning to consider Mellisa as her friend, pero hindi na nito dapat malaman pa iyon.
"As you say." Umupo ito. "Anong nangyari kanina?"
"You fainted in front of me"
Saglit itong napailing saka siya nginitian. Yung ngiti na tila hindi umaabot sa mga mata nito.
She wants to make that sadness from her eyes disappear. Pero kailangan niya munang malaman ang dahilan.
"Why did you try to exhaust yourself babe? Maraming mag aalala sayo. Ako, mga magulang mo."
"No they wont" Mabilis na sagot nito
Kumunot na ang noo niya. "Why would your parents not worry about you? Mahal ka nila at kahit anong pag kakamali mo siguradong mapapatawad ka nila-------"
Hindi pa siya tapos sa sasabihin niya ng sumigaw ito.
"Shut up! Tinitigan siya nito ng puno ng galit sa mga mata nito. You dont know anything about me! So just shut up!"
She flinched. Sa sobrang lakas ng boses nito. She was surprised the nurse hadn't come rushing in by now. Ngayon niya lang nakita na nag kakaganito ang babe niya. Madalas inaasar din siya nito o kaya she would be brushed off. But seeing her seething in anger just made her sad.
"Im sorry if I dont know enough about you Babe. But if you allow me, if you tell me about it maybe I can help and lessen the burden you feel."
Hinawakan niya ito sa balikat. Saglit itong napatingin sa kamay niya sa balikat nito. Saka ito napatingin sa mga mata niya. She never saw her Babe Nicole so vulnerable before. It was like she was baring her soul to her and only her.
Isang patak ng luha ang naglandas sa kaliwa nitong mata.
Umangat ang kamay niya para yakapin ito. She hesitated for a moment dahil nga baka itulak siya nito. But seeing that her Babe Nicole is just waiting for her to embrace her. Tuluyan niya na itong kinabig papalapit sa kanya.
Hinimas niya ang likod nito. "It will be alright babe. Whatever you are going through right now. Its ok. You can talk or you cant talk about it. Its ok with me but please dont beat yourself up over it."
"I----I never felt the love of parents simula ng....simula ng-----"
Tila hirap itong banggitin ang nangyari dito. Kaya naman kinabig niya na ang ulo nito para ilagay sa balikat niya.
"Its ok babe.Kahit di mo sabihin."
She smiled softly. Her babe is opening up to her. Sisiguraduhin niya din na hindi na nito mararamdaman na nag iisa ito. She will annoy her babe Nicole for the rest of her life. Isa pa. Its her turn to save her from whatever was haunting her.
Ilang minute ata silang magkayakap bago nakakahiyang tumunog ng malakas ang tiyan niya. She realizes na gutom na gutom na rin pala talaga siya.
Naramdaman niya ang pag alog ng balikat nito sa kanya habang nakasandal ito sa kanya.
Napasimangot siya. "Sige tuwang tuwa ka pa eh no?"
"Im just----"
Another interruption from her stomach and her babe Nicole burst out laughing
"Why didnt you tell me?" Nakabukas ang isang mata nito habang tawa ng tawa sa kanya.
"Paano ko sasabihin aber? Pagkagising mo you tried to shout at me." Masungit na umirap siya dito.
"Im sorry." Nakangiti na ito. "So tara, kain tayo? My treat."
"Is it a date?" Bigla atang lumundag ang puso niya sa sinabi nito. Para siyang sinilihan sa pwet. Yes! A date with her Babe Nicole!
"It's not a date. Ok? Im just treating you to lunch because I owe you."
"Nope its a date." Masiglang tumayo na siya. "Tara na babe!"
Talagang hinawakan niya pa ito sa kamay.
Nicole groaned. "Ugh! Why am I stuck with a brat like you again?"
Ngumiti lang siya dito. Showing her most dashing smile with her dimples.
"Dahil cute ako?"
She heard another heartfelt laughter from her again. Umiiling iling pa ito habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing Nicollete Jung - Completed
Teen FictionAno nga ba ang mapapala ni Frenzy Asistores sa paghabol habol niya kay Nic? Asungot lang naman ang tingin nito sa kanya. Wala na daw siyang ibang ginawa kundi ang bwisitin ito araw araw. Pero kahit ganun she would always show up with a smiling face...