2

369 6 13
                                    

"Boss! Nahanap na namin si Ms. Phaedra. Nakatira sila sa isang skwater ngayon at nalaman ko din na marami silang utang." Tinignan ko ang tauhan ko ng marinig ang impormasyon na kaniyang sinabi. "Magkano ang utang nila? I'll pay them. Doble pa."

Ipinakita niya sa akin ang bill nila Phaedra. At umabot na ito sa dalawang libo. Ang upa naman nila ay umabot sa limang libo. Kinuha ko ang wallet ko at binigyan ang tauhan ko ng labing limang libo. "Make sure, na kapag naghanap siya ng sugar daddy, ako agad ang tatawagan mo. I'm willing to do everything just to have her."

I met her 1 year ago. I don't what happened to me and I got attracted to her, in just a short time. That's when I started searching about her. I ordered my men to keep an eye to her.

Nagdadalawang isip pa ako. Hindi ko alam kung susubukan ko bang maghanap ng sugar daddy na sinasabi nila. Gusto ko kaseng mabayaran ang mga utang namin at tsaka baka makatulong din yon para umunlad kami kahit konti pero kase nakakahiya naman kung gagamit ako ng ibang tao para yumaman, hindi kaya ng konsensiya ko. Humarap ako sa maliit naming salamin. Ano bang kaya kong gawin? Paano ko ba tutulungan si Mama, nahihirapan na si Mama, baon na rin kami sa utang.

"Presi! Presi!" Napalingon ako sa sigaw. Si Aling Krisel yon. Agad akong sumunod kay Mama. "Hay nako! Hulog talaga kayo ng langit! Bayad na kayo sa lahaaaat ng utang niyo!" Bigla akong napakunot sa sinabi niya. "Ha? Eh, wala naman kaming pera para mgabayad eh. Sino ang nagbayad?" Kinakabahan ako, baka biglang lumaki ang utang namin. Abot abot sa langit ang kaba ko. "Hay nako isang lalaki iyon, gwapo siya, matangkad, matangos ang ilong, basta gwapo! Ang sabi niya, pinapabayad daw yon ng boss niya, sa inyong bayad daw. Tapos pinapasabi niya na 'wag daw kayong magaalala kase bayad na ang utang niyo at wala na daw kayong babayaran sa kaniya. O sige na! Baka hanapin na ako ng anak ko doon mauna na ako sa inyo!" Si Bria kaya alam niya 'to?

"Bria?" Tawag ko. "Oh? May kailangan ka?" Tinignan ko muna siya bago ako tuluyang magsalita. "Kilala mo ba ang nagbayad ng utang natin?" Kumunot ang noo niya. "Ha? Hindi ko alam, malay ko naman kung sino sila. Pero dapat thankful tayo na binayaran nila." Tumingin ako kay Mama. Nagkibit balikat lang siya. "Baka si Phoebe alam niya." Dumeretso ako kung nasaan naparoon si Phoebe. "Phoebe, may kilala ka bang lalaki na mayaman?" Tinignan niya lang ako habang may hawak pa rin ang putol na Crayola. "Wala po ate." Deretsahan niyang sagot at bumalik sa pagkukulay.

"Phaedra, hayaan mo na yun, ang mahalaga nabayaran na ang utang natin. Diba? Kahit papaano ay mabait na taong tumulong sa atin." Ayos lang naman sakin 'yon Mama ang kaso baka sa susunod singilin naman tayo. Bulong ko sa isipan ko. Wala akong nagawa kundi tumango na lang.

Nakita ko ang lutong ulam na nasa maliit naming lamesa, si Bria ang bumili nito, sigurado. Kumain na lang ako, dahil nagbabakasakali ako na mawawala ang iniisip ko. Pero hindi pa rin pala.

Hanggang sa sumapit ang gabi. Hindi na mawala wala ang iniisip ko. Napagisipan kong matulog na lang. Ngunit matapos kong magdasal ay hindi ako dinalaw ng antok, pinikit ko ang mata ko at nagbilang ng mga tupa pero hindi pa rin talaga ako makatulog.

"Phoebe anak?" Napamulat ako ng mata ng biglang magsalita si Mama. Kinapa kapa niya ang leeg at noo ni Phoebe. Nakita ko ang pagbalot ng pagaalala sa kaniyang mukha. "Anak, Phoebe ayos ka lang ba ha?" Napabangon na ako ng tuluyan sa higaan ko. Habang mahimbing pa rin ang tulog ni Bria. "Anak, ang taas ng lagnat niya kailangan na natin siyang dalhin sa Ospital." Tumingin sa akin si Mama at nakita ko ang nangingilid ngilid na luha sa kaniyang mata. Agad kong dinampot ang kumot at pinalibot iyon sa kapatid kong nanginginig na dahil sa lamig, dahilan para magising si Bria. "Ano ba yan? Asan yung ku-" hindi na niya naituloy ang pagsasalita ng nakita niyang nanginginig si Bria. Agad din siyang tumayo at dinala ang ilang gamit ni Phoebe. "Tara na Mama dalhin na natin si Phoebe sa Ospital." Agad kong binuksan ang pintuan para makalabas agad sila. Sinarado ko rin ito at sumunod sa kanila.

Judgemental Society #1: My Hot Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon