15

95 2 0
                                    

Nararamdaman ko ang kabang bumabalot sa akin. Maging ang takot ay nagpapalamig sa aking katawan. Para akong pinutulan ng dila at hindi makapagsalita sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko.

After so many years. Ngayon ko na lang ulit siya haharapin. Matapos ang ilang taon na pinipilit ko ang sarili ko na kalimutan ang lahat. Ilang taon kong ininda ang sakit na dinulot niya. Ilang taon akong nagdusa sa ginawa niyang pambababoy sa katawan ko.

Tahimik akong pumasok sa loob ng sasakyan ni Leonardo. Habang siya naman ay pumwesto sa driver's seat. "Uhmm. Your uncle. Hindi ko na sana sasabihin sayo, pero ayokong magtago ng lihim sayo. Your uncle is also the one who killed my parents. Siya ang boss ng kalaman naming mafia."

Kung kanina ay para akong tatakasan ng dugo, ngayon parang kumawala na lahat ng dugo at maging ang kaluluwa ko sa katawan ko. "Ginawa niya yon?" Nangilid ang luha sa mata ko. He nodded. Pinunasan ko ang takas na luha sa mula sa mga mata ko. "Sorry. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa ng tiyuhin ko. Patawad."

Hinawakan niya ang kamay ko. "No, don't say sorry for the mistake that you didn't do." Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito. "Haharapin natin 'to ng sabay." Hinigpitan niya muna ang hawak sa kamay ko bago ito binitiwan upang istart ang kotse.

Habang nasa byahe kami hindi ako mapakali. Pabalik balik ang lingon ko sa harap ng bintana at sa gilid kong bintana. "Calm down love." Huminga ako ng malalim bago ako humilig sa backrest. Pinikit ko ang mata ko. Naiisip ko na ang mangyayari kapag nagkita kami. Napabukas na lang ako ng mga mata ko dahil hindi ko kayong makita ang naiimagine ko.

"It's gonna be fine." Pagpapkalma niya sa akin. Huminga ako ng malalim at dahan dahang binuga iyon.

Huminto kami sa isang mapunong lugar. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Dahan dahan akong lumabas. Sabay kaming naglakad at sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang batis.

Maganda ang lugar na ito, tahimik at payapa. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa isang malaking pinto. May kung anong ginawa siya doon para bumukas ito. Siya ang unang pumasok. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba ko. Kinuha niya ang kamay ko at dahan dahang naglakad papasok. May mga taong nakakulong doon at tumitingin sa amin habang naglalakad.  Huminto kami sa tapat ng upuan. "Ilabas niyo siya."

Ilang minuto lang ang inantay namin at lumabas ang lalaking may kadena sa paa at sa kamay.

Napatakip ako sa aking mga bibig ng nagangat siya ng kaniyang ulo at ngumiti sa akin. Pinaupo siya sa upuan at walang kahit sino ang umiimik sa amin. "Miss me my dear niece?" Kusang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigil. "Bakit?" Isang salita lang binaggit ko at mukhang alam niya na kung para saan ang tanong ko. Tumawa siya ng napakalakas. "Napakainosente mo pa ring bata ka."

"Bakit mo ginawa?! Napakababoy mo!" Kulang na lang ay magwala ako sa sobrang galit ko. Lumapit ako sa kaniya at sinampal siya. Isang sampal pang muli ang ginawad ko sa kaniya. "Is thay all you can do?" Hamon niya sa akin.

"Napakababoy mo!"

"Bakit?! Anong ginawa ko sayo para babuyin ako?! Anong atraso ko sayo?! Sagutin mo ko!"

Isang malakas na halakhak ang narinig ko sa kaniya. "Sa tingin mo bakit kayo naghirap? Oh. Bakit kayo mahirap? Mayaman naman talaga kayo. Kaso yung yaman niya gusto niyang ipamana sayo at sa inyo ng dalawa mo pang kapatid. Habang nasa ospital ang tatay mo, hindi pa talaga dapat siya mamatay. Plinano namin ng isa mo pang tiyuhin na patayin siya kaso dumating ka. Kaya yon. Ang sarap mo pala."

Nanlambot ang tuhod ko sa narinig ko sa kaniya. Isang sapak lang ni Leonardo at nakahiga na siya sa sahig. Bakas sa mukha niya ang galit. "I remember how your parents beg." Mabinigat ang hiningang pinapakawalan niya. "Walang hiya ka!"

"Wag kang mangengealam dito!" Sigaw sa akin ng tiyo ko. In a blink of eye, I saw a gun, hawak hawak ni Leonardo.

He pull the trigger. Natamaan sa balikat si tito. "Hindi ako katulad mo. Pero alam kong kulang pa ang isang bala para pagbayaran mo ang lahat ng ginawa mo." Lumuluha kong sabi. "Wala kang respeto-"

"Matagal na akong nawalan ng respeto sayo simula ng babuyin mo ko! Matagal na rin kitang hindi tinuring na tiyuhin! Sa tingin mo ba rerespetuhin pa kita kung lahat ginawa mo sa akin ay kasamaan?! Naiinis ako kase napakawalang kwenta mong tiyuhin! Imbis na ikaw ang magalaga sa amin habang nasa ospital si papa ikaw pa ang nanakit sa amin!"

"Ipasok niyo na siya." Hinila nila ang tito ko papasok sa selda.

"Ang sakit Leonardo." He hug me. "I know." Hinaplos haplos niya ang buhok ko para pahupain ang iyak ko.

"Tahan na. Ako na ang bahala sa kaniya."

Nilisan namin ang lugar na iyon at dinala niya ako sa kung saan.

Habang nag dadrive siya ay tahimik lamang ako. Hindi alam kung paano iintindihin ang lahat ng nangyayari ngayon. Natagpuan ko na lamang ang aming mga paa sa isang harding.

Malawak. May mga strawberry, may iba't ibang prutas at gulay. May magagandang mga bulaklak. "You liked it?" Umiling ako. "I love it!" Niyakap ko siya ng mahigpit. "Binili ko 'to kase alam kong magugustuhan mo." Napangiti ako sa sinabi niya. "Gusto mo bang dito tayo tumira?"

Umiling ako. "Gusto ko doon sa dating bahay." Tumango naman siya. "Pero gusto ko palagi ko 'tong bibisitahin."

"Sigurado akong matutuwa sila kapag nakita din nila 'to." Tumango tango siya bilang pagsangayon sa sinabi ko. "Pwede ba akong mamitas ng mga bulaklak dito?"

"Of course. Sa'yo naman 'to." Lumapit ako sa mga bulaklak. Kahit tianong ko siya kung pwedeng pumitas hindi ko magawang pumitas dahil baka kapag ginawa ko iyon ay masira ito. Linapit ko na lamang ang mukha ko at inamoy ang mga ito. Nangingibabaw ang bango ng kulay dilaw na bulaklak

"Gusto kong maging masaya na lang katulad ngayon."

Judgemental Society #1: My Hot Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon