8

134 2 0
                                    

Ilang araw na rin ng malaman ko ang tunay kong nararamdaman. At siguradong sigurado na ako don, pero may mga takot pa din ako syempre. Eto ang unang beses ko na makaramdam ng ganito sa isang lalaki, kaya normal lang na matakot, siguro.

"Ay! Andito ka pala Phae!" Tawag sa akin ni Ate Belinda, nung nkaraang araw ko lang nalaman na mas matanda siya sa akin ng tatlong taon at may anak siya. "Ay napakalalim naman ata nang 'yong iniisip, nako iwas iwasan mo yan at baka diyan tumanda ang mukha mo!" Wala naman akong iniisip eh nakatingin lang naman ako sa swimming pool ah. "Wala akong iniisip Ate Belinda tsaka alam ko namang tatanda din ako."

"Ay nako! Alam mo, ienjoy mo lang buhay mo dito at sagot ka na ni Sir! Mabait 'yon! Alam mo ba ay binigyan ako non ng bahay para daw eh hindi kami nangungupahan at nagbabayad ng pagkalakilaki kada buwan. At sinama ko ang buong pamilya ko eh dahil maluwag naman!" Madaldal si Ate Belinda pero nakakagaan ng loob kapag siya ang nagkukwento, parang ang lakas lang ng tading niya, kase parang nawawala ang problema mo kapag nagkukwento siya. "Yung kapatid ko? Pinagaral niya 'yon sa Ateneo, at sagot pa ang allowance niya kada buwan, kaya nga ako'y hiyang hiya kay Sir magsabi ng kailangan namin minsan lalo na kapag walang wala eh. Dahil baka isipin ni Sir eh umaasa na lang ako sa kaniya."

Patuloy lang si Ate Belinda sa pagkukwento sa akin habang ako ay nakikinig lang sa sinasabi niya. "Eh kaso lang eh yun nga, masungit si Sir tsaka madalas siyang magaalis alis para matugis ang masasamang nilalang." Matugis ang masasamang nilalang?! "Ho? Ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi niyo?"

"Ah-eh 'wag mo na lang pansinin 'yon pasensiya na. Kalimutan mo na 'yon. Oo nga pala hindi mo pa alam." Pabulong lang ang huling sinabi niya pero narinig ko yon. "Ano pong hindi ko alam?" Tumingin sa akin ng deretso si Ate. "May mga bagay na hindi ka pa alam kay Sir kaya ikaw ng bahalang dumiskubre ha!" Tumayo ito at iniwan ako. Ang gulo naman kausap ni Ate.

"Wan, tu ,twi!" Nawala ang iniisip ko ng matalsikan ako ng malamig na tubig. "Ate! Swimming ako!" Umakyat ulit si Phoebe at tumalon. "Baka madulas ka!" Saway ko sa kaniya. Tumigil siya sa kaktalon ng dumatin si Mama. Pumasok ako sa loob at nakita kong naguusap usap sa living room sila Leonardo kasama ang kaibigan niya. Lumapit ako ng onti para marinig ang usapan nila. "Paano natin Papatyin si Su? Malagaling ang tsinong 'yon. Hindi yon pumipirmi sa isang lugar." Natulala ako sa kinatatayuan ko. Papatayin?

"Malolocate natin siya pero makalipas lang ang 3 oras lilipatan na naman siya." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "That motherfucker. We need to move faster, dapat pagisipan nating mabuti kung paano tatapusin ang buhay ng lalaking yon." Parang nawalan ako ng hininga ng marinig ang mga salitang yon na nanggaling mismo sa bibig ni Leonardo. "Kailangan nating malaman ang susunod niyang pupuntahan. We need to have a plan. Gustong gusto ko ng patayin yung lalaking yon, and I can't wait to see him suffering." Hindi ko na alam kung ano na ang sumunod na nangyari basta natauhan na lang ako ng marinig ko ang pagkabasag ng vase.

Nakita kong lumingon sila sa gawi ko kaya nagpanic ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Ang ending ay lahat sila nakita ako doon nakatayo at nakatingin sa nabasag na vase. Hindi naman siguro nila mahahalata na kinakabahn ako sa mga oras na 'to. "Phaedra? What happened?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat, nawalan ata ako ng dugo sa katawan nung hinawakan niya ako. Gusto kong umalis sa pagkakahawak niya. "Are you okay?" Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata at kumalma ang puso ko.

"Dude sa tingin ko narinig niya tayo, you need to explain to her evrything." Bigla na lang akong tumalikod at mabilis na umakyat sa kwarto ko.

Sana hindi totoo ang narinig ko. Sana hindi totoo.

Paulit ulit kong sinasabi yon sa isip ko hanggang sa pumatak na ang mga luha sa mata ko.

"Sana hindi 'yon totoo. Sana hindi 'yon totoo." Patuloy ko pa ring binibigkas ang mga katagang iyon hanggang sa pinikit ko ang mata ko at nakatulog.

"Hindi ka makakatakas sa akin ngayon, naiintindihan mo? Kahit sumigaw ka pa at mawalan ka ng boses walang manibiwala sayo. Kahit magsumbong ka pa sa pulis hindi ka rin nila paniniwalaan, alam mo kung bakit? Kase wala kang pera!"

Inilapit niya ang kaniyang mukha at pilit akong hinahalikan ngunit pumapalag ako para hindi matuloy. Namanhid ang pisnge ko dahil sa lakas ng kaniyang pagkakasampal.

Naramdaman kong dumampi ang kaniyang mga labi sa aking leeg. At parang wala akong boses sa mga oras na 'yon. Hinawakan niya ang dibdib ko at pinisil iyon. Pinipigilan ko ang kamay niya pero huli na ang lahat.

"Wala kang magagawa, wala kang mapagsusumbungan dahil oras na malaman kong magsumbong ko ay papatayin kita. Papatayin ko ang kapatid mo, at ang nanay mo." 

Kakatukin ko na ang kwarto ni Madam Phaedra. Nakarinig ako ng parang humahagulgol at sumisigaw kaya kahit nakalock ay binuksan ko iyon. Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Madam Phaedra habang natutulog, kaya mabilis akong lumapit sa kaniya tinapik tapik ko muna siya kaso sumigaw siya na parang ayaw niya at nasasaktan siya. Mas lalong lumakas ang iyak niya kaya nataranta ako at bumaba. Hinanap ko si Sir sa living room kaso wala siya doon pumunta ako kusina at wala rin siya roon, baka nasa ibabang kwarto siya. Pumunta ako sa kaniyang sikretong kwarto, kung saan lahat ng nambababoy na tao ay andirito.

Hindi ako nabigo at nakita ko siya kaya tumakbo ako papunta sa kanila. "Sir! Sir!" Hinihingal pa akong nagsalita. "Why?" Malamig ang boses nito. "Madam Phaedra po! Umiiyak habang natutulog at sumisigaw Sie! Tinry kong gising kaso lalong lumakas yung sigaw niya para siyang nasasaktan Sir tapos-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang itong tumakbo papaakyat.

"You should tell this to her Mom baka magalala yon." Bilin ni Sir Zach. Pumunta ako sa likod pool at andoon sila Señorita. "Señorita, si Madam Phaedra mo, binabangungot po ata-" hindi pa ako ntatapos magaalita at umakyat agad ito sa pool. "May! Bantayan mo muna itong si Phoebe ha!" Nagmamdali ito, kahit pa basa ang kaniyang short. "Ano bang nangyayari at parang tarantang taranta naman sila?" Tanong ko sa sarili ko.

"Yaya May!" Lumapit naman sa akin ang pinacute kong alaga. "Hayaan mo po si Mama ganoon po talaga 'yon tapag umiiyak at sumisigaw si Ate to ng tulog, tase daw naalala daw ni ate yung satit niya kay tito. Lagi yayakap ni Mama si Ate to!" Kinunutan ko lang siya ng noo. Ano kayang nangyari don?

Nakatingin lang ako sa kanila habang pinapatahan niya si Phaedra. What's wrong? Is this because of what she heard? I knew it, sasabihin ko din ito sa kaniya para malaman na niya ang totoo, I don't want to keep secrets anymore.

"Mama si tito!" Saad ni Phaedra, bakas ang takot at sakit sa boses niyang namamaos. "Shh. Hindi ka sasaktan ni tito mo, wala si tito mo dito, wala siya dito." Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon.

What happened to her? Is this all about her past? What happened to her past?

Judgemental Society #1: My Hot Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon