Gustong kong manatiling masaya. Gusto kong namnamin ang bawat minutong lumilipas kasama siya. "You can be happy anytime you want darling, you're free!" Paano ako magiging masaya kung bihag pa rin ako ng nakaraan? Paano ako magiging masaya kung di pa rin ako makatakas takas sa sakit na nayakap ako?
" Don't think to much about your past, cause it'll just haunt you down. Forget about your past, be happy with the present and be ready for the future." He hug me from behind. "Nasaktan ka man noon, pero ngayon, look, bumabangon ka." Then he kissed my shoulder. "Be free love." Unti unting lumuwag ang kaniyang pagkakayakap, hinarap niya ako sa kaniya at dahan dahang naglapat ang aming mga labi.
"Roam around." Harapan pa lang kase ang nakikita ko, pero sigurado ako na kapag nilibot ko ito sobrang ganda nito. "Malawak ang lupain na ito, pwede kang magrelax dito." Sinimulang ko ng ilakad ang paa ko.
Iba't ibang uri ng mga halaman, gulay, prutas, at bulaklak ang nakikita ko. Pero ang nakakuha ng pansin ko ay ang malalagong aloe vera. Alam kong malaki ang tulong non sa aking katawan. Sabi nga Bria na nilalagay daw ito sa mukha pampakinis, minsan din ay pinapanood niya ako sa mga youtube ng mga skincare at kadalasan ko ngang nakikita ang aloe vera na panglan at litrato nito.
Lumapit ako dito at hinawakan ang malapad na dahon nito. Nakita ko sa gilid nito ang maliliit na aloe vera, ang dami nilang anak. "Ay Ma'am! Huy bigyan niyo ng upuan si Ma'am!" Nagmamadali silang kumuha ng upuan para sa akin. "Ayos lang po! Kahit 'wag na po."
"Naku Ma'am baka pagalitan naman kami ni Sir." Wala akong nagawa dahil nakalapit naman na ang lalaki sa akin at inabot na ang upuan. Nilapag ko ito at doon umupo. "Ano pong pangalan niyo?" Tanong ko sa kanila. "Ay ako po Shella, Sheshe na lang itawag niyo Ma'am, tapos eto po si Junio, tawag namin sa kaniya Ma'am Jojo." Malaki ang ngiti sa kanilang labi. "Ilang taon na po ba kayong nangangalaga dito?"
"Matagal na ho, bago pa po mabili ni Sir ang lupang ito dito na kami nagtatrabaho, ay alam mo ba Ma'am na laking tulong sa amin nung binili ito ni Sir, kase lumaki ang sahod namin, dati kase sa isang araw hindi pa umaabot ng isang daan ang sahod namin ngayon sa isang araw mahigit dalawang libo ang sahod namin." Halatang alagang alaga nila ang malawak na hardin na ito. "Saan po ba kayo nakatira?"
"Malapit lapit lang dito Ma'am sa baba ho nito kase may malaking lupain pa doon, lalagpas po doon tapos po liliko tapos po papasok po kayo doon sa masikip na eskinita tapos doon na po ang bahay namin."
"Edi nahihirapan pa kayong umakyat dito?" Pwede ko naman siguro irequest na bilhin yung lupain sa baba at lagyan yon bahay para sa kanila para hindi na sila mahirapan. "Hindi naman po Ma'am, siguro po mahirap kapag di po sanay."
"Paano po kayo kapag umuulan edi maputik yung daan."
"Kaya naman namin Ma'am 'wag kayong magaalala sa amin. Tsaka sanay naman na po kami dito, may ilan din pong mga kabayo dito na sinasakyan namin kapag umuulan."
"Andito ka lang pala, kanina pakita hinahanap." Nilingon ko ang boses na nariinig ko, si Leonardo. "Ah pasensiya na nagandahan kase ako sa halamang ito tapos binigyan nila ako ng upuan kaya kinumusta ko na rin sila." tumango tango naman siya sa akin. "Ah L-Leonardo, pwede ba akong humiling sayo?" Nangunot ang kaniyang noo bago sumagot. "Of course. What is it?" Yumuko ako dahil sa hiyang bumabalot sa akin. "P-Pwede mo bang bilhin ang lupain sa baba at p-patayuan ng bahay para sana kila ate Sheshe, para di sila mahirapang umakyat pa?"
"Naku si Ma'am, ayos lang Ma'am!" Nakita ko ang malaking ngisi sa labi ni Leonardo. "So innocent, of course. Sheshe antayin niyo na lang ang abiso ko kapag pwede niyo ng tirhan ang ipapagawa kong bahay para sa inyo. Ibigay mo din ang lahat ng listahan ng pangalan ng mga nangangalaga dito." Bakas ang gulat sa mata ni Sheshe. "S-Sige Sir!"
"Naku salamat po Ma'am! Ibibigay ko kaagad sa inyo sir ngayun din po." Agad na umalis si Sheshe sa harap namin. "You're friendly, you know." Namula ako sa narinig ko mula sa kaniya. "Cute." Isang salita lang dinagdag niya pero parang tinutusta na ang pisnge ko. "After this where do you want to eat?"
"Kahit saan naman ayos lang." Sabi ko sa kaniya. "Okay." Hindi na muli nadugtungan ang paguusap namin dahil may kausap na siya sa kaniyang cellphone. Nilibot ko ang paningin ko at di sa kalayuan ay merong sunflower doon. Malalaki ang bulaklak nito. Lumapit ako dito at hinawakan mga petals nito. Labis akong namamangha sa ganda ng lugar na ito. Umalis din ako sa sa lugar na iyon dahil may iilang bubuyog na ang dumadapo doon.
"Ma'am gusto niyo bang ipitas ko kayo ng mga bulaklak? Dahil sabi ni sir gandang ganda ka daw sa mga sunflower, kaya inutusan akong tanungin ka kung gusto mong ipagpitas po kita."
"Hala, naku 'wag na, ayos lang, maganda nga na hindi muna pitasin yan para mas lumago pa sila."
"Ang iba po kase diyan Ma'am ay nalalanta kahit na nasa tamang oras naman ng pagdilig. Kaya ayos lang Ma'am kase mapapalitan naman 'yan ng panibago."
"O sige, p-pwede ba ako maguwi ng ilang buto ng ibang bulaklak para maitanim ko sa bahay?"
"Pwede naman po Ma'am tapos po bibigyan na lang din po naming kayo ng mga bulaklak na itatanim nalang po sa lupa."
"Sige salamat."
"Ipaabot ko na lang po kay Sir ang mga pipitasin kong bulaklak para sa inyo po."
"Salamat." Isang matamis na ngiti ang ginawad ko sa kaniya.
Nagtingin tingin pa ako sa paligid ko at nakita ko sa di kalayuan na may iba pang tanim doon. Talaga namang napaka ganda sa lugar na 'to. Napakayaman sa halaman. May puno doon at sa ilalim nito ay may iilang upuan at doon ko nakikita ang ibangtauhan na inaayos ang ilang mga gulay at prutas na iiaangkat nila sa palengke at sa mga grocery store.
"Hi Ma'am!" Sabay sabay nilang kaway sa akin. Na ikinangiti ko.
BINABASA MO ANG
Judgemental Society #1: My Hot Sugar Daddy
RandomPaano aalis sa nakaraan? Paano tatakas sa humahabol na nakaraan? Paano siya tatanggapin? Paano paniniwalaan? Parehong may madilim na sikreto. Parehong hustisya. Pareho ng gustong makamit. Ngunit magkaiba ng pangyayari. Parehas na kalaban. Par...