4

173 5 0
                                    

Bumaba ang isa pang napakagwapong lalaki mula sa hagdanan. "Welcome to my house Phaedra." Ang gwapo niya. Matangos ang ilong, magagandang mata, at mga labing kulay pula. "Eat all you can. After you eat sasamahan ko kayo sa kwarto niyo. Starting from today dito na kayo titira. Enjoy your stay." Lumapit ito sa amin at umupo sa tabi harap ko.

Lahat sila ay kumakain na pero ako ay hindi pa rin. Kase hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ngayon lang naman ako nakakakita ng ganito karaming pagkain. "Come on! Eat." Kinuha ko yung kutsara at nagsimula na akong kumain. "Tsarap tsarap!" Nakangiting usal ng kapatid ko. "Go on! Just eat!" Para kaming bibitayin sa sobrang dami ng pagkain. Fiesta ba?
Nilingon ko ang ilabg mga katulong at ang iba ay nagpapasok ng aming mga gamit.

Ngayon ko lang tuluyang nasilayan ang buong kabahayan. Masyadong malaki ang bahay na 'to. Mansyon na 'to eh, hindi naman na 'to bahay eh. "S-Sayong bahay 'to?" Tumango tango naman ang lalaking kaharap ko. "I'm Leonardo Gabrielle by the way." Nagabot siya ng kamay sa akin. Kaya binigay ko ang kamay ko. "Ako si P-Phaedra Castillo."

Pinagpatuloy ko ang aking pagkain. Masyadong masarap ang mga pagkaing nasa harapan ko. Ilang beses ko na nga bang nasabi na masarap ang pagkain na 'to? Hindi ko na rin mabilang. 

Matapos naming kumain ay kinuha rin ng mga maids ang pinagkainan namin at dinala kung saan. "Rest for a while and then we'll tour my house." Malamig na usal ni Leonardo. Nakakakilabot ang lalim ng boses niya sa totoo lang. Parang nagtatayuan ang balahibo ko tuwing bubuka ang bibig niya at magsasalita. Powerful yung boses niya.

"Should we start?" Mawtoridad niyang sabi. Tumango naman kami. Nagsimula kami sa pinaka labas. Kaya lumabas muna kami. Ngayon ko lang napansin na may swimming pool. "You can swim here whenever you want."

"Wow! Laki twiming powl! Mama usto ko na twiming!" Tumitili tili pang nagsalita si Phoebe. "Mamaya na baby girl nageexplain pa ang asawa ni Ate Phaedra mo." Saway ni Bria. Asawa? Ano bang nasa isip nitong babae- "Asawa? Tasal na ate ko?" Tumingin ito ng makahulugan kay Bria. "Soon, little angel." Si Leonardo ang sumagot kaya nanlaki ang mata ko. Anong ibig niyang sabihin sa soon?  Papakasalan niya ako? Sa itsura kong to?! "Yiee! Tapos magkakababy tila tapos lalaro tame!" Tinignan ko ng matalim ang kapatid ko. "Shh. Anak 'wag ka na maingay, mamaya pwede na tayong magswimming. Diba?" Tumingin si Mama kay Leonardo. Tinanguan lang nito si Mama. "Let's proceed, shall we?" Nanguna siyang maglakad papunta sa loob ng bahay-kung saan kami pumasok kanina. Pumasok kami kung saan kami umupo.

"This is the sala. Mostly, andito yung mga butlers ko nanonood sila ng kung ano ano, but well your already here, pwede niyo silang paalasin and psede niyo rin silang utos utosan. And also the maids, lahat pwede niyong gawin sa bahay na ito. But well I just have some rules. First, don't go outside without telling or informing me. Second, kailangan lagi kayong may kasamang body guards or atleast my butlers to acompany you. And third, when someone is sick inform me immediately. That's all." Wooh~ akala ko mabibigat ang rules niya.

"Now, let's go to the kitchen." Nadaanan namin ang isang mahabang hapag kainan at sa itaas nito ay may chandelier. May mga diyamante ito na talagang nagpamangha sa akin. "This it the the dining table. Pwede kayong kumain kahit kailan. And over there is the kitchen." Tinuro nito ang kusina sa kaliwa nito. Wow! May oven sila. Ibig sabihin pu-pwede akong magbake! Gustong gusto ko kasing magbake. "Now let's go to the second floor."

Hanggang sa matapos niya kaming ihouse tour. Masyadong malaki ang bahay na ito. Biruin mo ba naman merin itong limang swimming pool at may natural na batis pa ito at falls. Talagang nakakamangha. Kung ganito ba naman ako gigising araw araw lagi na akong masaya. "Tuya! Tuya! Pwede na ato twiming ta labas?" Tanong ng kapatid ko. "Sure you can little angel." Nagtatatalon ang kapatid ko sa saya.

Napansin ko lang na hindi pa kami nagtatagal sa bahay na ito pero masyado na agad kaming komportable. Ilang oras pa lang ang nakalipas pero napuno na agad ng saya ang dibdib namin. Ilang oras pa lang kaming magkasama pero napanatag na agad kami. Nagdere-deretso ang kapatid ko sa labas at bumaba ng pool. "Mama! Babaw lang! Tara na!" Nagtampisaw ang sila mama sa pool, bakas ang saya sa mukha nila. "You won't join them?" Nilingon ko ang nasa likuran ko.

"Hindi na." Maiksi lang ang sinagot ko sa kaniya. "Why not? They're having fun." Tanong na naman ulit niya. "Uhmm n-nahiya ako." Pumunta siya sa harapan ko at hinawakan ang baba ko saka inangat ito ng dahan dahan na para bang babasagin ang hawak hawak niya. "'Wag ka ng mahiya. Come on! Feel at home!" Pumunta ako kung nasaan sila mama. Umupo lang ako sa gilid habang ang paa ko ay nasa tubig. "Ate! Tara na!" Hinihila ni Phoebe ang paa ko. "Dito lang muna si ate." Sumimangot ang kapatid ko pero patuloy pa rin siya sa paghila sa paa ko. "Tara na kase sis!" Lumapit na sila sa akin at hinihila ang paa ko hanggang sa tuluyan na akong nabasa. Nagtawanan pa sila ng malaglag ako. "HAHAHHA! DULAS ATE!" Gilid gilid lang ako kase hindi naman ako marunong lumangoy. Bumaba lang ako sa tubig para kahit papaano ay mabasa ang buhok ko. "Ate! Takbo! Shark ti mama!" Naglakad lakad lang ako sa tubig papunta kila Bria ng mapansin ko ang tatlong lalaki doon na nakatingin sa amin. Andoon din ang lalaking sumundo sa amin. Lahat sila ay gwapo. Hindi man sila nakangiti pero ramdam na ramdam mo ang presensiya nila kahit nasa malayo pa lang. Ano kaya sila ni Leonardo. Hindi naman pwede bodyguards at butler kase masyado silang mga gwapo. Siguro kaibigan ni Leonardo.

Bigla na lang sumagi sa isip ko ang tanong na... 'Ano kaya ang dahilang kung bakit naghahanap siya ng sugar baby?' 'Madami namang ibang babae diyan na pwede niyang kunin, bakit ako pa?'

Judgemental Society #1: My Hot Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon