"You okay?" Tumingin ito sa akin at naramdaman ko ang pagaalala niya. "O-Oo." Kahit na hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya ay nagawa kong sumagot. "Those bitches-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya at hinilot na lang ang kaniyang sentido. Umandar na ang kotseng sinasakyan namin habang nakabunton ang dalawa pang kotse sa amin.
Tahimik lamang ang buong byahe namin, at feeling ko ayun ang pinaka mahabang oras sa tanang buhay ko. Nakatanaw lang ako sa bintana para hindi maramdaman ang ka-awkwardan sa loob ng kotse.
Tanging tunog lang ng hangin na nanggagaling sa aircon ang maririnig mo. Nabasag ang katahimikan namin ng tumunog ang cellphone ni Leonardo. "What the fuck do you want?" Iritado nitong tanong. "What?!" Nilingon ko siya ng konti para makita ang pagmumukha niya. Nakakunot ang kaniyang noo at umiigting ang kanuyang panga.
"I'm coming over there! Wait for me!" May sariling pagiisip ata ang kamay ko at kusang inabot ang mukha niya, ang isa ko naman kamay at tinrace ang kaniyang jawline. Natauhan na lang ako ng tignan ko ang mga mata niya. Agad akong pumormal ng upo at tumingin sa bintana.
Ano bang pinagga-ga-gawa ko? Letse! Nakakahiya. "S-Sorry." Baka magalit lalo siya sa ginawa ko. "It's okay." Naramdaman ko ang lalong pagbilis ng kotse.
Sa kalagitnaan ng mabilis na patakbo ng kotse ay bigla itong huminto. At napaabante ako mula sa upuan at nauntog sa kaharap na upuan. "Fuck! Slow fucking down!" Iniangat ko ang ulo ko at hinaplos haplos ang noo ko. "Okay ka lang ba? Let me see." Sinapo niya ang mukha ko at hinaplos haplos ang pisnge ko. Inangat niya ang mata niya at nilagay ang kamay niya sa noo ko. "Buti naman wala." Bumalik siya sa kinauupuan niya at tinignan ng masama ang driver. "The next time you did it again, you're fired!" Singhal nito sa lalaki.
"Wag m-mo na siyang pagalitan. A-Ayos lang ako." Tumingin ako sa bintana para hindi mahalata ang pagkahiya sa mukha ko. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik lang kami. Walang imikan. Walang boses na maririnig.
"Andito ka na pala anak! Ano? Nakuha mo ba yung gamit mo? Ay sigurado ako kaya ka natagaln dahil sa mga pesteng kapitbahay natin?" Narinig kong timikhim ang isang pamilyar na boses. Hindi ko na siya nilingon dahil baka balutin na naman ako ng kahihiyan.
"M-Ma, akyat na ako sa taas gagawin ko na po ito tapos aayusin ko na rin po yung gamit ko, ilalagay ko sa cabinet." Ngumti at tumango si Mama sa akin. Dali dali akong umakyat sa third floor at nilock agad ang pinto. "Nakakahiya!" Sigaw ko!
Mabilis akong tumakbo papuntang kama at dumapa doon. Sumigaw sigaw pa ako habang nakatakip ang unan sa mukha ko. Kaya naman nang mailabas ko ang lahat ng kahihiyan sa buong katawan ko ay una kong inayos ang damit ko. Napanganga ako sa nakita ko.
Puro branded na damit ang nandito. Yung mga damit na ito ay nakikita ko lang sa magazine na hiniram ko sa mga kaklase ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isa mga damit na limited edition at marami pang iba ditong damit na limited edition. Parang binilan niya ako ng buong store. Wow!
Nilagay ko sa isang cabinet na walang laman ang mga damit ko. Napansin ko din ang dalawang pinto kaya pumasok ako doon at bumungad sa akin ang kubeta at shower. Nkakahiyang tapakan yung tiles dahil baka pati eto ay branded din. Mahihiya kang umupo sa kubeta kase baka halagang gintong trono 'yon. Lumabas ako sa CR at pumasok ako sa isang pintuan.
Napnganga ako ng biglang bumukas ang pinto kahit di ko pa pinipindot ang switch. Pero hindi lang ito ang nagpamangha sa akin lalo. Madaming mga sapatos, bag, coat, relo, damit, at mga make up. NA BRANDED DIN! Inikot ko ang buong paligid gamit ang mata ko. Wow! Nilakad ko ang pagitan namin at hinawakan ko ang bawat lagay nito. Ngayon ko lang naranasan ang mga ito sa buong buhay ko. Parang nasa paraiso kung saan modernong paraiso. Napakaganda sa lugar na ito.
Yung CR nila bahay na namin-mas malaki pa sa bahay namin. Lumabas ako ng pintuan na 'yon at nagulat ako ng makita ko si Leonardo na nakupo sa kama at nakatingin sa akin. "You like it?" Nalilito akong tumitig sa kaniya. "Paano ka nakapasok dito? Nilock ko yun ah!" Nagulat ako ng pumalakpak siya.
"There you go! Nakapagsalita ka na din ng hindi nauutal sa harap ko! And to answer your question, I'm the owner of this house so I have 3 duplicate keys. So lahat ng kwarto pwede kong bisitahin anytime." Akala ko naisigaw ko na ang lahat ng hiya sa katawan ko pero heto na naman at unti unting bumabalik ang ispirito ng kahihiyan sa katawan ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Sorry." Pero nakatulong pa rin pala ito para hindi ako mautal magsalita kapag kaharap ko siya.
"What's your relationship with sorry?" Sorry? Wala naman kaming relasyon ni sorry ah? "Huh? Eh wala naman akong jowa na ngangangalang sorry ah?" Tumawa ito sa akin. "So adorable. Of course not. Ako lang dapat ang jowa mo. But what I mean is bakit palagi kang nagsosorry?" Kahit sa tanong niya napatanong din ako sa sarili ko. Bakit nga ba ako palaging nagsosorry?
Then suddenly nagflashback lahat ng nangyari sa akin kaya napabalikwas ako at tumagilid. "Ayos ka lang ba? Are you offended with my words? Tell me." Tumayo ito sa kama at lalapit sa akin ng bigla kong sinagot ang tanong niya. "Ewan ko. Hindi ko din alam kung bakit ako nagsosorry. Atsaka hindi, hindi ako naoffend. Sorry nagalala ka pa tuloy."
"It's okay. Basta 'wag ka lang magsasabi ng sorry kung wala ka namang ginawang mali." Tumayo siya at labas ng kwarto. Nang lumabas siya ng kwarto ay nanghina ako at napabagsak sa sahig at niyakap ang sarili ko, kasabay nito ang sabay sabay na pagtulo ng luha ko.
God, deserve ko ba ang mga nangyaring 'yon sa akin? Ano bang nagawa kong mali para maranasan 'yon? God, minsan gusto ko na lang sumuko, kase hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko.
BINABASA MO ANG
Judgemental Society #1: My Hot Sugar Daddy
DiversosPaano aalis sa nakaraan? Paano tatakas sa humahabol na nakaraan? Paano siya tatanggapin? Paano paniniwalaan? Parehong may madilim na sikreto. Parehong hustisya. Pareho ng gustong makamit. Ngunit magkaiba ng pangyayari. Parehas na kalaban. Par...