Kani-kanina lang ay umahon na kami. Sa kasalukuyan ay nagaayos na lang kami ng gamit namin. Bigla kong naalala ang mga homeworks ko. Naku! Nasa kabilang bahay pala yung mga gamit ko sa school. Kailangan kong kunin yon kase kung hindi lagot ako bukas kay Ma'am!
Mabilis kong inayos ang gamit ko at dali daling nagpunta sa baba nagbabaka sakali na ando-doon siya. Ngunit nabigo ako. "Nako, Ma'am si Sir ho ba ang hanap ninyo? Ay naku Ma'am wala ho dito si Sir, asa opisina niya. Gusto niyo po samahan po kayo ng isang katulong dito kase pupunta din siya sa office ni Sir eh." Hindi pa ako nakakasagot ng tawagin niya na ang isa pang katulong. "Belinda! Ay! Bilisan mo na diyaan! Samahan mo itong si Ma'am sa kwarto ni Sir."
"Ay tapos na ho ako Ma'am! Tara na ho sa opisina ni Sir!" Umakyat kami patungo sa kung saang floor ang kwarto ko, nagulat ako ng huminto kami sa malapit na kwarto sa akin. Bakit di ko kaagad naalala na dito pala yung opisina niya?
Kumatok muna si Belinda at inantay ang isasagot ni Leonardo sa kaniya. "Come in!" Ano ba dapat itawag ko sa kaniya kapag kaharap ko siya? Sir? Boss? Master? Ano ba? Inihakbang ko ang paa ko papasok sa opisina niya at doon tuluyang umangat ang kaniyang ulo at dineretso ang tingin sa akin. "Just leave it here Belinda, thanks you can go now." Yumuko si Belinda bago siya huminto sa tabi ko. "Go Ma'am 'wag kang mahiya. Hihi." Bulong pa nito sa akin bago tuluyang mawala sa kwarto na ito. "Uhmm. A-Ano... K-Kase."
"Come on! Don't be shy." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagkapahiya na nararamdaman ko. "Uh... Sir.." Nangunot ang noo niya na para bang may masama akong nasabi. "You call me Sir? I'm your Sugar Daddy, Don't call me Sir, Boss or anything that is connected to that. Just call me by my name, or you can create any nickname for me." Huminga ako ng malalim kasabay ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib.
"Uhmm.. Kase Leonardo... Uhmm. Pwede ba akong lumabas para kunin yung mga gamit ko sa bahay? N-Namin?" Umistraight siya ng upo. "What things?" Deretso niyang tanong habang nakatingin ng mariin sa akin. Kainin na sana ako ng lupa. Nakakapanginit ang titig niya. "Y-Yung gamit ko sa s-school kase m-may assignment pa akong d-di ko natapos." Yumuko ako dahil di ko na kayang tagalan pa ang titig niya sa akin.
"It's okay, basta may kasama kang bodyguards." Bakit ba kailangan may bodyguard pa? Pwede namang ako na lang. Para namang may mangyaysri sa aking masama. Well oo nga pala kasama yun sa rules niya, so no choice. "S-Sige. S-Salamat! Aalis na ako para mabilis akong m-makabalik." Tumango lang siya sa akin kaya malalaking hakbang ang ginawa ko para mabilis akong makaalis sa opisina niya. Napatalong pa ako ng makita kong may mga kalalakihan na nakatayo sa dingding ng opisina at parang nakikinig sa usapan. Kaya nang makita nila ako ay agad silang umayos ng tayo na para bang walang nangyari at ang isa ay sisipol sipol pa.
"Uh.. K-Kanina pa ba kayo nandiyaan? Inaantay kami matapos mag-usap para kausapin niyo din siya?" Nagpalitan ng tingin ang tatlo. "Ah-Ah! Oo! Kase i-inaantay namin si Boss eh, k-kase may m-meeting kami eh! Diba? May meeting?" Tumango tango ang dalawang kasama nito. "Kami yung butlers ni Boss, A-Ako si Flynn. Tapos etong lalaking 'to si Dean 'to!", Inakbayan niya ang lalaking kulay brown ang mata. Ang mata naman ng Flynn ay kulay itim. "Eto naman si Cipher." Tinapik niya ang nagngangalang Cipher na kulay dark brown ang mata. "O-Okay, mauna na ako." Nginitian nila ako na parang bata.
Dumeretso ako kila Mama para magpaalam, binilin niya na rin sa akin na 'wag ko ng kunin ang ibang gamit. Di ko pa tuluyang nalalagay ang mga gamit ko sa Cabinet, nakapatong lang ito sa malambot kong higaan. Sobrang lambot ng kama ko. Yung tipong itatapak mo pa lang yung paa mo mararamdaman mo na yung lambot at kapag hihiga kana para kang nasa mga ulap sa sobrang lambot nito.
Nagayos lang ako ng konti bago tuluyang lumabas ng bahay. Sa labas ng bahay ay biglang pumarada sa harap ko ang isangkotse. Ford ang tatak nito, kulay itim ito at kitang kita mo ang repleksyon mo sa sobrang linis nito. Binuksan ng isang lalaki ang pangalawang pintuan sa likod. Sumakay na ako kaagad para hindi na siya masyadong magantay pa. Deretso kaming umalis, mabilis lang ang byahe dahil walang traffic na nagaganap.
BINABASA MO ANG
Judgemental Society #1: My Hot Sugar Daddy
De TodoPaano aalis sa nakaraan? Paano tatakas sa humahabol na nakaraan? Paano siya tatanggapin? Paano paniniwalaan? Parehong may madilim na sikreto. Parehong hustisya. Pareho ng gustong makamit. Ngunit magkaiba ng pangyayari. Parehas na kalaban. Par...