17

80 1 0
                                    

"Bakit hindi mo na  lang ako patayin ng deretso?" Narinig ko ang malakas na pagsigaw ng tiyuhin niya sa akin. "Sa tingin mo ba-mali, hindi sa tingin mo kundi, hindi lang sapat ang kamatayan para pagbayaran mo ang lahat. Inosente yung taong binaboy mo, may anak yung magulang na pinatay mo, hindi ko lang alam kung sino sino pa ang pinatay mo at binaboy mo. Baka nga mas masahol pa sa pagpatay at pambababoy ang ginawa mo."

Isang nakakalokong tingin ang binigay ko sa kaniya. "Bakit pagkatapos ba ng kamatayan ko paparusahan pa ulit ako sa impyerno?" Malakas na halakhak ang ginawad niya. Hindi ko sinagot ang katanungan niyang iyon. Ang gusto ko lang ay pagbayaran niya lahat ng ginawa niya. Nilapitan ko ang selda niya, hindi masyadong malapit dahil may tamang espasyo para hindi niya ako maabot. "I wonder, ano kayang mangyayari sa grupo niyo kapag nalaman nilang nagdudusa ang kanilang leader?" 

"Wala na siguro silang pake sayo ngayon, wala ka na kaseng kwenta." Bigla na lang siyang sumugod sa akin, ngunit hindi ako umabante o umatras man lang. "I'm not sorry, did I offend you?" Ngumisi ako sa kaniya. "Fuck you!" He even lifted his middle finger. "It's good that you don't have wife or even a children at your own. Atleast walang masasaktan kung may mangyari man sa'yong masama." Ngumiti siya sa akin na parang nangaasar. "Sa tingin mo ba tatanggapin ka pa ng pamangkin ko kapag nalaman niyang pinatay mo ko?" 

"Baka nakakalimutan mo ang sinabi sa'yo ng pamangkin mo kahapon? Ano nga ulit 'yon? Hindi pa daw sapat ang pagbaril sayo para pagbayaran ang lahat." Nalukot ang ngiti sa mukha niya. "Nakita mo ba kung paanong magningas ang mata niya sa galit sa'yo? Naramdaman mo bang hindi ka na niya tinuring na pamilya habang nagbibitaw siya ng mga salita?" 

Bakas na sa kaniyang mukha ang pagkaasar sa akin. "Sa tingin mo ba may respeto pa siya sa'yo?" Nangangasar akong tumawa sa kaniya, hindi nakatakas sa paningin ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya. "Malaki siguro ang paghanga sa'yo ni Phaedra, but everything has end." Nararamdaman ko ang pagpipigil niya ng kaniyang galit. Isang malalim na hininga ang nilabas niya.

"I deserve this. I deserve more than this." Niyuko niya ang ulo niya at naupo. "Go on, punish me. I'll accept everything that you'll do."  Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. "Masyado akong nagpasilaw sa yaman ng kapatid ko. Masyado akong naging ganid sa pera, kaya pati pamangkin ko ay naghihirap sa ginawa ko." Isang takas na luha ang kumawala sa kaniyang mga mata. Napahilamos siya sa kaniyang mukha. "I regret everything. I regret doing it to my niece. Punish me Leonardo. Pahirapan mo na ako. My niece was right." 

"Ready yourself." I walk out in front of his cell and drive my car to our house. 

Magkasama na si Phaedra at ang mama niya maging ang dalawa niyang kapatid. Noong nakaraang araw ay napagpasiyahan namin na umuwi na dahil namimiss niya ang magulang niya. Halata naman sa mukha niya na gustong gusto niya ng makasama ang mama niya. 

"Mama alam mo ba pumunta kami sa isang malawak na hardin!" Masaya ako habang kinukwento sa kanila ang nangyari habang hindi kami magkasama. "Mukhang talagang naenjoy niyong magkasamang dalawa ah. Sigurado akong maganda 'yon, kahit hindi ko pa man nakikita." 

"Mama punta ayo don, abi ate!" May bakas pa ng tsokolate ang labi ni Phoebe. "Sa susunod ah." Lumaki ang ngiti ni  Phoebe. "Kelan ang kasal?" Tanong ni Bria. Pinamulahan ako sa sinabi niya.  "Oh, tinatanong lang kita tapos namumula ka na diyan! Kilig! Yiee!" Pangaasar niya sa akin. HIndi ko na lang sinagot ang tanong niya dahil lalo lang niya akong aasarin. 

"Bria, malay mo wala pa sa isip nila na magpakasal. Malay mo ineenjoy lang muna nila nilang magsyota diba?" Bumusangot ang mukha ni Bria. "Mama, sayang ang pagkakataon, bagay na bagay pa naman sila!" 

"Asus! Humanap ka na rin ng iyo, Bria." pinilit mang itago ni Bria ang ngiti pero hindi niya na napigilan. "O baka naman may nahanap ka na at di mo lang sinasabi ha? 'Yang ngitian na yan ha! Kabisado ko yan!" Kunwari pa itong sumimangot ngunit ngumiti rin.  "Ih, si mama nangaasar!" Tinawanan lang ni Mama si Bria. 

"Wala pa ma! Chill ka lang, makakahanap din si me! Malapit na ma!" Lumapit si Bria kay mama at naglalambing na niyakap si Mama. Dumatin si Phoebe at tumingin kila Mama na magkayakap. "Gup hug!" Sigaw niya at tumakbo kila mama. Lumapit ako sa kanila at nakiyakap na rin. "Tiss!" Hinalikan ni Phoebe ang pisnge ni mama. "Anak, ang lagkit mo. Maligo na tayo, bago natin itanim ang mga bulaklak na ito." 

Nginusuan lang ni Phoebe si Mama. "Timing pul! Usto ko timing!" Tumawa naman kami sa pagbikas niya. "Anong timing? Sabihin mo Swi-mming." Pagtatama ni Bria. "Timing." Tumawa ulit kami, nang narinig iyon ng ilang kasambahay ay nakitawa rin. "Timing pul nga! Ti-ming!" 

"Hindi ka magsiswimming kapag di mo binigkas ng maayos." Pananakot ni Mama. "Ti-ming pul! Tama naman eh! Ti-ming pul!" Tawa kami ng tawa sa pinagsasabi ni Phoebe. "Galit na ato! Timing pul nga 'yon!" 

"O sige na, magtitiming na tayo, ay swimming pala." Walang pakundangang naghubad kaagad si Phoebe at tinambol tambol ang tiyan. "Psst, hoy, bad 'yan anak ha! Magshort ka, nakikita yung pepe mo oh!" Nakinig naman si Phoebe at nagshort na siya. "Rita, pakuha naman ng tuwalya ni Phoebe sa kwarto niya, makikisuyo lang." 

"Sige po Ma'am, kukuhanin ko na rin po ang ibang laruin niya para iakyat na po." Ngumiti si Mama. "Salamat." Si Ate Rita ang bantay ni Phoebe. "Mama pede ko lagay toys don?" Tinuro niya ang swimming pool na babaw lang. Wala pa sa tuhod ko ang lalim non. Tumango lang si Mama at nagtatalon na sa tuwa ang kapatdid ko. "Hyper na naman ang bata, dahil kakakain lang ng chocolate." 

"Mama kulet ba ato?" Sabay sabay kaming nagsabi ng- "Oo makulit kang bata ka." Sumimangot naman ang batang batuta. "Kulet pala ato." Binuhat siya ni Mama at naglakad na sila papunta sa pool. Malaki ang ngiting nakaukit sa labi ni Phoebe habang lumalangoy.

Judgemental Society #1: My Hot Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon