7

139 2 0
                                    

"Andito na po ako." Pagpasok ko sa loob ng bahay. Kakauwi ko lang galing sa eskuwelahan, wala naman kaming masyadong ginawa dahil nagbigay lang ng announcement, tapos nagbigay ng ilang mga assignment kaya maaga kaming pinauwi. "Ang aga mo naman anak? Hindi ko pa nga  nasusundo ang kapatid mo. Teka nga! Bakit ang aga niyong pinauwi? Nauna ka pa sa kinder mong kapatid. Teka lang asan si Bria?" Nameywang sa akin si mama na parang may kasalanan akong ginawa.

"Andito na po ako Ma!" Nakauniporme din ito at halatang kakagaling lang din sa eskuwela. "Ang aaga niyong umuwi? Nagcutting ba kayong dalawa ha?! Hay nako! Wala akong tinuro sa inyo na ganiyan ah!" Agad namang nagreact si Bria sa sinabi ni Mama. "Grabe naman Ma! Tamang hinala agad! Kase ma! May bagyo ngayon at signal number 3 tayo kahit na hangin hangin pa lang kaya nagannounce yung school namin na  suspended muna ang klase ng mahigit isang linggo." Kumunot ang noo ni mama. "Eh bakit di pa kayo nagsabay ng uwi?"

"Yun na nga ma, kase magkaiba kami ng kotseng sinakyan tapos madami din saming binigay na assignments kaya natagalan ako." Pagpapaintindi ni Bria. "Hala, eh susunduin ko na si Phoebe, baka mapaano yun!" Hindi pa nakkalabas ng tuluyan si mama ng bumukas ang pinto at sumigaw si Phoebe.

"Andito na ato! Mama!" Tumakbo si phoebe sa kaniya at niyakap siya. "May tutwento ato sayo mama." Nagkaniya kaniya na kaming daan papunta sa kwarto namin. Nagbihis na ako ng damit pambahay at inayos ang gamit ko sa bag.

Pagkababa ko sa hagdan ay may napansin akong kakaiba. Iba yung feeling ko ngayon, medyo hindi ako komportable, parang may kung ano sa akin n agusting hanapin yung bagay na 'yon.

"Don't let her know this side of mine, I'm afraid that because of this I might lose her." I'm a mafia boss, and my other friends are also mafia. "Damn boy! Cupid really hit you hard!" Pangaasar sa akin ni Zach. Fuck all of them, this is the reason why I don't want them to know what is my condition right now. "Ayokong mabaliw at maging katulad mo. Fuck! Iniisip ko pa lang na mababaliw ako sa babae parang di na kapani-paniwala." He shook his head while smiling like a fool. "Hoy! 'Wag kang magsalita ng tapos Benson! Baka mamaya mas malala pa ang maranasan mo kesa kay Leo." Saad naman ni Dyn. "Ienjoy mo lang ang buhay mo ngayon. Kase sigurado ako kung anong asar mo kay Leo ngayon mas malala ang babalik sayo, it's like Cupid and Karma will have a collaboration when it comes to you! Special 'yon!" Tumawa naman ng nakkaaloko si Dynielle.

"By the way man, paano kapag nalaman niyang boss ka ng Mafia? What will you do?" Biglang seryoso ji Dyn. "I don't know. Pero alam kong darating ang panahon na malalaman niyang parte ako ng mafia, at di na ako magugulat kung magagalit man siya." I stare at window for a while  "Man, hindi pa ba nahuhulog ang puso niya para sayo?" I just shrugged my shoulder. "I don't know, but I'm willing to do everything for her."

"Boy, ipaalam mo na kaya sa kaniya? Atleast sayo na mismo manggagaling, atleast hindi na siya masyadong masasaktan kapag nalaman niya." I didn't expect that to come out from Zach. "I mean kapag kase siya pa ang nakadiskubre nito mas mas mahaba haba pa ang ipapaliwanag mo. Mas maganda ng isang bagsakan lang yun." Napahilot ako sa sintido ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. But I need to decide not only just for me but also for her.

"Pull your self man!" They're trying to cheer me up. "Yeah!" Tumayo ako at iniwan muna sila at pumasok sa loob ng bahay. "Mga kaibigan mo sila? Dapat pinapasok mo na lang sila para hindi sila nakatambay sa initan." I feel her softness in her voice. "They don't want to." She juat nod her head to me.

I already know that I fall for her really really hard, damn you cupid.

Parang may mga paru paro sa tiyan ko habang kausap ko siya. Parang gusto ko na lang siyang makausap at parang gusto ko na lang din na dito siya tabi ko palagi. "Ganoon ba? Sige, mauuna na ako sa taas may gagawin pa ako." May parte sa puso ko na parnag nalungkot, pero nakapagpaalam naman na ako kaya tumalikod na ako sa kaniya.

Ngunit nagulat ako ng hatakin niya at ito ang maging dahilan para mapayakap ako sa kaniya ba dinaluhan naman niya. "Let's stay like this for a while." Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang init sa pisnge ko. Nagwawala ang puso ko at ang tiyan ko naman ay parang nagkaroon ng party ang mga butterflies.

Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko pero yung puso ko ang saya saya habang kayakap ko siya. "One day, you'll know the truth and the other side of me, but please don't leave me." May problema kaya siya? "A-Ano bang nangyari? May problema ba?" Ramdam na ramdam ko ang takot na nadarama niya, dahil naramdaman ko rin yan..... Noon...

Hinaplos ko ang buhok niya para kahit papaano ay huminahon siya, kapag ang takot na ang umatake sayo wala itong sinasanto kahit pa babae ko o lalaki. "Please stay with me no matter what you'll know." Tumango ako kahit alam kong hindi niya 'yon makikita. "Oo, mananatili ako." Kahit hindi pa kami ganon katagal, mabilis niyang napaamo ang puso ko.

Humiwalay siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "Para saan 'yon?" Nginitian niya lang ako. At hinalikan naman ako sa pisnge. "Para san 'yon, ulit?" Hindi pa rin ako makapaniwala na dalawang beses niya akong hinalikan sa mukha. "Let me kiss you." Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi niya ay naramdaman ko ng dumampi ang labi niya sa mga labi ko na kinatulos ko sa kinatatayuan namin.



Sa tingin ko ay alam ko na ang nararamdaman ko. Sana lang 'wag niyang masamain.

Judgemental Society #1: My Hot Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon