Desyembre ng ikalima taong 1889 sinama ako ng aking Ina na mamili sa bayan ng mga sangkap na gagamitin niya sa kakanin na ibebenta niya mamaya,
madaling araw pa lamang sa bayan ngunit napaka ingay na nito puno ng mga magaganda at makukulay na dekorasyong pampasko ang mga bahay,poste at pamilihan kahit saan ka tumingin ay damang dama mo na ang kapaskuhan, marami rin ang kagagaling lang sa simbang gabi Kaya’y halos siksikan at puno ang bayan.
Ngayon na lamang ulit ako nagkaroon ng tsansa na makapunta ng bayan ang huli ko kasing punta dito ay nung ako ay labing limang taong gulang pa ako ayaw naman ako isama ni nanay sapagkat napakapilya at pasaway ko raw baka ay mamaya maiwala niya raw ako sa bayan pero ngayong ako’y labing siyam na taong gulang na ay isinama niya na ako upang makatulomg din ako sa kaniyang pamimili
“Nay napaka ganda na po dito sa bayan!!” Natutuwang sigaw ko Kay nanay
“Ano ba naman yan esmeralda! Aba’y kay ingay mo naman parang hindi ka dalaga kung umasta!!”
“Pasensya na po masyado lamang akong natuwa”
“Ay sus nagdadalihan ka pa halikana’t baka matanghalian tayo sa pamimili”
“Opo!!” Masiglang ani ko kay nanay
Lumakad kami papunta sa nagbebenta ng mga niyog at iba’t iba pang sangkap na ihinahalo sa kakanin
Habang namimili si nanay ay nililibot ko ng aking dalawang mata ang bayan hanggang sa maka agaw ng pansin saakin ang napaka garbong karwahe at nagbibigay daan dito ang mga gabundok na tao sa bayan
“déjalo a un lado, el capitán pasará”(magsitabi kayo,dadaan ang kapitan) Sigaw ng isang gwardiya sibil na armado at nagsitabi nga ang bawat tao na makakasalubong ang karwahe
Bumaba sa isang tindahan ang tao sa loob ng karwahe at bigla na lamang niyang pinagtutumba at itinatapon sa daanan ang paninda sa tindahang kanyang binabaan
“por favor capitán no me hagas esto”(pakiusap kapitan wag ninyong gawin saakin ito)
Pagmamakaawa ng tindera sa lalaki at lumuhod pa ito sa lupa ngunit tiningnan lamang siya ng tinatawag nila g kapitan at sinabing
“esa es tu penalidad por no pagar impuestos”(yan ang parusa mo sa hindi pagbabayad ng buwis)
awa ang naramdaman ko para sa nagtitinda nang bigla na lamang akong hinablot ni nanay
“Halika na at tayo’y umuwi na esme!” Nagmamadali na hinila ako ni nanay pauwi
Habang naglalakad kami ay tinanong ko si nanay”bakit po ganoon ang kapitan nay?bakit napaka sama niya?”madamdaming pagtatanong ko sa kanya
“Ganoon talaga ang mga espanyol anak napaka lupit nila,lalo na kung may nagawa kang masama sa kanila”
“Pero hindi po makatarungan ang ginawa nila nanay! Diba dapat ay mabuti siya sapagkat siya ang kapitan ng bayang ito?”
“Hay nako esmeralda ganun talaga sila ay nako apo!!napaka dami mong tanong kaya ayaw kita isama sa bayan eh”
Nanahimik na lamang ako dahil baka kurutin pa ako sa singit ni nanay kapag tuluyan pa akong nag ingay
nang mag aala sais na ng umaga ay nagsimula na akong lumibot sa para mag benta ng kakanin.
“Esme!pabili nga ako!”
“Ilan po aling maria?”
“Aba’y dalawang piraso la ang”
“Heto po sampung piso lang”
“Salamat”
“Esmeralda!!”may tumawag saakin kaya ay napalingon ako sa kaliwa’t kanan ngunit hindi ko siya makita
"nandito ako hihihi”
Tumingala ako sa malaking puno na nasa aking harapan at doon ay nakita ko ang pinangalingan ng boses
“Minda!kumusta kana?at teka anong ginagawa mo diyan?”
“Maayos lang ako esme” sagot ni minda habang pababa siya ng puno”napadpad kasi ang laruang saranggola ng kapatid ko sa puno Kaya’y kinuha ko ito”
“Nasaan pala ang nanay mo minda?magbebenta ako ng kakanin”
“Ay nako umalis siya at pumunta ng hacienda ng mga del Rosario upang hatdan ng pagkain si tatay”
“Kung gayon ay magkasama pala sila ni nanay sapagkat naghatid rin Ito ng pagkain kay tatay at kuya”
“Sigurado nga,teka at hintayin mo ako ibenta natin ang mga kakanin na iyan sa bundok ng sagana”
“Sige,ako’y maghihintay”Pumaroon kami ni luzviminda sa bundok ng sagana at naubos naming mabenta ang kakanin sapagkat napaka daming tao sa bundok karamihan ay magkasintahan
Maganda ang bundok sagana dito lagi pumapasyal ang magkasintahan at mag asawa upang magtanim ng puno dahil may kasabihan ang matatanda na kapag lumago at gumanda ang puno o bulaklak na itinanim nila sasagana ang pagsasama at tatagal ito.
“Doon muna ako sa mga bulaklak esme”
“Sige minda ako’y aakyat rin sa puno”
Napailing na lamang si minda”paniguradong kagagalitan ka nanaman ng iyong nanay esme,mag iingat ka sa pag akyat”
Lumapit ako sa paboritong puno ko rito sa bundok ng sagana at nagsimulang umakyat
Simula bata pa lamang ay umaakyat na ako dito mula kasi sa tuktok ng puno na ito ay nakikita ko ang buong bayan at pakiramdam ko malapit ako sa langit kapag ako’y umaakyat dito,nag umpisa na akong mag muni muni at dinarama ang ganda ng paligid
“Binibini anong ginagawa mo riyan?” Napakapit ako ng mahigpit sa puno at malalaking matang tumingin sa baba
“Sino ka?umalis ka riyan sinisilipan mo siguro ako ano?!!” Natatarantang sabi ko at bumaba sa puno
Natigilan ako ng tumawa ang ginoo, napaka ganda ng kanyang mga ngiti at mayroon siyang dalawang biloy sa magkabilang gilid ng kaniyang labi at matangos ang kaniyang ilong,mestizo ang kanyang balat na animoy hindi nag trabaho at bagsak ang kanyang buhok.
“Bakit naman kita sisilipan eh wala namang masisilip sa iyo”
^_^ - siya
o_O - ako
aba?!!anong sinabi ng lalaking ito?! barumbado pala ito eh sayang lamang ang kagandahang lalaki niya!
| Jorij Vieno |
BINABASA MO ANG
BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)
Historical FictionAng wagas na pag mamahalan nina Eliaz at Esme na kanyang hamakin ang lahat makapiling lamang ang isa't isa......