Dapit hapon na ng dumating ang mga bata galing sa eskwelahan,hapong hapo ang mga ito dahil sila at naglakad lamang pauwi sa bahay ngunit may mga ngiti parin sa labi ng mga ito
“Mano po Lola Esme”ani ni criselda at inabot ang aking kamay
“Ako rin po Lola mano din po”saad ni Jerome at inabot rin ang kulubot ko nang kamay
“Pagpalain kayo ng panginoon mga apo,umakyat na kayo at nang makapagpalit ng inyong kasuotan”
“Opo Lola,nasaan po pala si nanay?”
“Naroon at gumagayak na ng panghapunan natin”
Sumasakit na naman ang aking likod at nararamdaman ko na unti unti na akong nanghihina na parang ano mang oras ay kukunin niya na ako.
Ako ay nakaupo malapit sa malaking bintana kung saan tanaw ang malawak na damuhan na sakop ng bahay at abot tanaw rin mula dito ang bundok ng sagana
Wala na ang dating napakagandang tanawin sa bundok ang mga makukulay na bulaklak ay tila nag laho na lamang na parang bula
kakaunti na lang ang mga puno dito mabibilang na lamang sa iyong mga daliri,tila ba galing sa isang malakas na bagyo ang bundok sa sobrang sagwa ng itsura nito
Sa paglipas ng panahon ay pa bawas ng pa bawas ang mga magkasintahang umaakyat sa bundok upang doon ay magpalipas ng oras at mag tanim ng bulaklak o di naman Kaya’y puno,
hanggang sa tuluyan na ngang walang umaakyat sa bundok dahil itinuturing na nila Ito ngayong malas na bundok lahat raw kasi ng umaakyat na magkasintahan dito ay nauuwi sa hiwalayan
Gayon pa man ay hindi ko parin makakalimutan at Hindi ko talaga kalilimutan ang mga ala-ala na iniwan saakin ng bundok na ito ang kakaibang saya,kilig,pagkasabik at higit sa lahat ang nakakamatay na sakit na idinulot saakin nito at sa puso ko
Nais niyo bang malaman ang kwento dito?
Kung nais niyo ay patuloy kayong mag basa.....
| Jorij Vieno |
BINABASA MO ANG
BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)
HistoryczneAng wagas na pag mamahalan nina Eliaz at Esme na kanyang hamakin ang lahat makapiling lamang ang isa't isa......