Magtanan

0 0 0
                                    

Alas tres pa lamang ay pumunta na ako sa bundok sagana at diniligan ko ang mga tanim na aming inaalagaan ng ginoo kahit naman masama ang loob ko kay eliaz ay minahal ko narin ang mga bulaklak na ito

Nakatayo lamang ako sa ilalim ng paboritong naming puno tinatanaw ang papalubog na araw alas kuatro pa lamang ngunit sandyang kaybilis lamang dumilim

"Sinta ko" limang segundo bago ko nilingon si eliaz akmang yayakapin niya ako pero umiwas ako sa kanya at nakita ko ang dumaan na sakit sa kanyang mga mata

"Pakiusap ginoo wag mo akong yayakapin sapagkat may asawa kana"mahinang wika ko pinipigilan ang ma utal upang mag mukhang matapang

"Pakiusap binibini ako'y nangungulila lamang sa iyo" nadudurog ang puso ko ng marinig ko ang pagkabasag sa kanyang boses

"Hindi maari,nakipagkita ako sayo upang alamin ang rason mo"

"Nagawa ko lamang iyon sapagkat nagbanta si ama na gagawing miserable ang buhay ng iyong pamilya"lumuhod siya sa harap ko na ikinagulat ko"patawad Mahal ko kung nasaktan kita ngunit Wala na akong maisip na paraan,patawarin mo ako kung pinaiyak kita hindi ko gusto ang lahat ng ito maniwala ka,hindi ko iniibig si Helena ikaw lamang ang nais ko kahit sa huling hininga ng aking buhay"

"Pakiusap ginoo tumayo ka riyan,huwag kang lumuhod saakin lalo na't hindi naman ako ang iyong dinala sa altar"mapait na wika ko sa kanya

"Patawad Mahal ko,patawad..."

"Tumayo ka na riyan,naiitindihan na kita"tumayo ang ginoo at niyakap ako ng mahigpit

"Maari na ba tayong bumalik sa dati sinta ko?"

"Alam mong hindi pwede ginoo lalo na ngayong may asawa kana"

"Per--"

"Tanggapin na lamang natin"

"Magtanan tayo binibini"nagulat ako sa suhestyon niya

"Elia-"

*BANGG

Nagulat ako sa putok ng baril....

_________
A/N:

🥺

                   

                     | Jorij Vieno |

BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon