Mga Rason

0 0 0
                                    

"Esme!!sandali lamang!"paghabol ni minda saakin ngunit hindi ko siya pinagtuunan ng pansin dumiretso ako ng bahay at nagkulong sa kwarto namin ni ate

Narinig ko pa na isiniwalat ni minda ang mga nangyari kila nanay at tatay pero hindi ko na sila pinakealaman pa ang iniisip ko ngayon ay ang mga nangyari kanina lamang sumapit ang gabi at kinailangan kung lumabas kahit Kasi umiiyak ako baka hatawin pa ako ni nanay kapag hindi ako kumain

"Alam niyo ba ito?"binasag ko ang katahimikan sa hapag

"Esme,pasensya kana"sabi ni ate

"bakit naman hindi niyo sinabi saakin?!"naiiyak na naman na wika ko

"Esme nakiusap saakin si eliaz sabi niya ay siya raw ang magpapaliwanag sayo"dagdag ni kuya

"Alam niyo naman pala ngunit nagmukha pa akong hangal sa kaiisip kung bakit hindi kami nag uusap sana ay pinag bigay alam niyo saakin!!"

"Esme nangako kami sa ginoo alam mo namang mahalaga sa pamilya na ito ang salitang pangako hindi ba?" Mahinahong sabi ni tatay

"Isa pa may magandang rason ang ginoo esme!!"mahinahon, (Oo  mahinahon na yan) na sabi ni nanay saakin

Natapos ang araw na iyon at lumipas ang mga araw palaging nagpupunta si eliaz sa bahay naghihintay ng pagkakataon na makausap ako at humihingi ng ikalawang pagkakataon ngunit hindi ko siya nilalabas ng bahay dahil buong araw at nasa kwarto lamang ako

"Esmeralda!!!hindi na ako natutuwa sa mga gawain mo!kausapin mo ang ginoo nang malaman mo ang kanyang dahilan!!!dahil para saatin rin ang kanyang ginawa!!"

"Huminahon ka naman sa pagkausap sa bunso natin langga"

"Aba ako'y punong puno na Augustine sa batang iyan hindi niya alam na malaki ang sakripisyo ng ginoo sa kanya aba!!!"galit na ani ni nanay at nagmamartsang umalis

"Pagpasensyahan mo na ang iyong nanay esme anak,mas mabuti pa sigurong magusap na kayo ni ginoong eliaz anak"tango na lamang ang aking sinagot kay tatay

Nagbigay ako ng liham kay eliaz na nagsasabing magkita kami sa bundok sagana sa dapit alas kuatro ng hapon

_________
A/N:

Ano na kayang susunod na mangyayari sa kanila?

                   

                     | Jorij Vieno |

BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon