Sumapit ang mga araw na lagi kong kasama si eliaz sa aking pagtitinda at bawat araw at hindi siya pumalyang iparamdam saakin na ako ay mahalaga sa kanyang buhay,kahit kami ay magkasintahan niya ay palagi niya parin akong sinusuyu at nililigawan
napakabait niya at napaka maginoo nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ng mga binibini, siguro nga ay dagdag nalang sa kanyang pag katao ang kanyang kagandahang lalaki,nagpapasalamat ako sa diyos sapagkat pinagkalooban niya ako ng ginoo katulan ni eliazar
Isang umaga ay hindi siya nakasama sa akin sa paglalako at noong nakaraang araw pa ay hindi rin kami nakakapag usap na siyang labis na ipinagtataka ko
"Esme kumusta kayo ng ginoo?"tanong minda
"Ayos naman kami ngunit ang aking ipinagtataka lamang minda ay hindi kami nakapag usap nitong mga nakaraang araw"
"Baka naman ay abala lamang esme,Isa pa malapit na kayong mag isang taon siguro ay mayroong surpresa sa iyo"kinikilig pa na sabi nito kaya ay yun na lamang ang aking inisip upang hindi na ako mag alala pa
Habang naglalakad na kami papunta sa bundok sagana ay nakasalubong namin ang nagkukumpulang tao na para bang mayroong kasiyahan
"Ahh esme mabuti pa sigurong umuwi na lamang tayo"
"Huh?bakit naman sayang ang nilakad natin malapit na tayo sa bundok sagana"
"Ah eh kasi masama ang pakiramdam ko...Oo tama masama ang pakiramdam ko halika na"
"Teka ayos ka lang naman kanina minda ahh"
"Hindi na ako ayos ngayon esme halika na!!"nagulat ako nang bigla siyang sumigaw
"Bakit bigla ka namang sumisigaw ngayon?ano bang mayroon tara pumunta muna tayo soon mukhang may kasiyahan"
"Naku hindi esme sobrang sama na nang pakiramdam ko"
"Mamaya na teka muna mukhang masaya do--" napatigil ako sa pagsasalita ng matanaw ko si eliaz at may kasama siyang binibini nakasuot sila ng pormal na damit
may ngiti sa labi ang lahat ng taong naroroon halos lahat sila ay mukhang masaya mayroong nag iinuman at may sumasayaw rin nangunguna na roon ang kapitan na may malaking ngiti sa kanyang labi na animo'y nagtagumpay sa laban,hindi ako hangal para hindi malamang kasal iyon...
At ang pinaka nagpadurog sa puso ko ay ang isiping kasal ito ng taong lubos kong minamahal,hindi ko maintindihan ang mga nangyayari hindi ma proseso ng utak ko ang nagaganap ngayon nang akmang pipihit na ako patalikod ay nagtama ang mga mata naming dalawa ni eliaz at nakita ko pa kung papaano siya magulat ng makita ako ngunit hindi ko na siya hinintay pa at tumakbo ako ng napakabilis......
Yun lang ang tanging magagawa ko upang takasan ang sakit na aking nararamdaman.
_________
A/N:Kaya mo yan esme🥺✊
| Jorij Vieno |
BINABASA MO ANG
BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)
Historical FictionAng wagas na pag mamahalan nina Eliaz at Esme na kanyang hamakin ang lahat makapiling lamang ang isa't isa......