*BANGG
Nagulat ako sa putok ng baril at nakita kong may tama ng baril si eliaz sa kanyang braso ng lumingon ako sa likod ay nakita ko ang kapitan
"tu terquedad eliaz!"(ang tigas ng ulo mo eliaz!)galit na galit ito at may hawak na baril mayroon rin siyang kasamang guwardiya sibil nangilabot ako sa nasasaksihan"incluso lograste arruinarme con la familia de Helena"(nagawa mo pa akong siraan sa pamilya ni Helena)
"No me gusta Helena padre tu lo sabes"(ayaw ko kay Helena ama alam mo yan)
"y ahora seguirás lidiando con ese pobre"(at ngayon makikipagtanan ka pa sa dukhang iyan)
"Lo amo padre y no me puedes detener"(mahal ko siya ama at hindi mo na ako mapipigilan) sagot ni eliaz sa ama"hanggang sa huling hininga ay siya ang aking mamahalin
Nasa likod na ako ngayon ni eliaz at pilit na tinatago sa kanyang ama upang ma protektahan ako
"Si a ti tampoco te preocupas por mí, será mejor que mueras también!!!"(kung wala ka rin namang kwenta saakin ay mas mabuti pang mamatay kana rin)
Pinutok niya ang baril at siya namang pag yakap saakin ng mahigpit ni eliaz
"Pakiusap huwag!!!...eliaz!!!!"
Nakarinig naman ulit ako ng Isa pang putok ng baril kaya ay lumingon ako sa gawi ng kapitan at nakahandusay na ito sa sahig naliligo sa sarili nitong dugo hinanap ng aking mga mata kung sino ang may sala si.....tatay Binaril niya ang kapitan
"Sumusobra na ang kalupitan mo sa bayang ito hangal ka na kapitan!!"galit na sigaw ni tatay ngunit Wala pang ilang segundo ay pinaputukan na rin ito ng mga guwardiya sibil
"Tay..."mahinang pag tawag ko dito at lumingon ulit kay eliaz
"E-esmeralda... ikaw lamang ang aking iibigin palagi mong katatandaan iyan b-binibini,ikaw ang una at huling pag ibig ko oh s-sinta ko"
Hinaplos nito ang aking mukha at inilapat ang labi sa aking labi sa una at huling pagkakataon
"P-pakiusap eliaz huwag mo akong iiwanan,iniibig kita sinta ko"
"Haggang s-sa muli nating pagkikita sinta ko,te quiero" ang huling salita na sinambit nito at tuluyan ng binawian ng buhay saaking mga bisig
"ELIAZZZ!!!!!"
"AUGUSTINE!!!"
magkasabay na palahaw namin na iyak namin ni nanay, magkasabay rin na iyak ng dalawang pusong sawi
At nang araw na iyon magkasabay na nawala saakin ang dalawang lalaking minamahal ko sa aking buhay
Ang araw ng desyembre ikawalo taong 1890 saktong araw nang unang taon na pagkakakilala namin ni eliaz sa isa't isa at hindi ko akalain na huling araw rin nang pagkikita namin.
_________
A/N:May prologo pa po tayo kaya't sumubaybay lamang kayo😊
| Jorij Vieno |
BINABASA MO ANG
BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)
Ficção HistóricaAng wagas na pag mamahalan nina Eliaz at Esme na kanyang hamakin ang lahat makapiling lamang ang isa't isa......