MagkaIBIG-AN

0 0 0
                                    


“Tuwang tuwa kanaman?!,bahala ka riyan at ayaw ko mag aksaya ng oras sa isang barumbado”

“Teka binibini sandali lamang, ang bilis mo namang mapikon biro lamang iyon”

“Hindi nakakatuwa ang iyong biro ginoo

“Pasensya kana nais lamang kitang patawanin ako nga pala Eliazar de los santos anong pangalan mo binibini?”

“Esmeralda Ibañez ang aking ngalan”

“Nagagalak akong makilala ka binibini”

“Ako’y hindi nagagalak na makilala ka ginoo”

Magsasalita pa sana ang ginoo ngunit tinawag na ako ni minda “esme tara na’t baka hinahanap na tayo nila nanay”

Umuwi na kami ni minda ngunit may ngiti sa aking mga labi at natutuwa ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan,dapat nga ay kainis ako dahil sa masamang biro ng ginoo ngunit parang natuwa pa ako

“Alam mo bang anak ng kapitan ang iyong kinausap kanina esme?”

“Talaga ba?”

“Oo nabalitaan ko na iyon ang pangalawang anak ng kapitan at magpapakasal na ata iyon sa susunod na taon,ipinakasundo raw siya ng kapitan sa isang mayaman na binibini ngunit hindi naman daw niya iniibig ang binibini ako nga ay naawa napaka walang puso talaga ng kapitan

“Ganun ba” yun na lamang ang nasabi ko dahil ang saya ko kanina ay bigla na lamang naglaho

Nang makarating sa bahay ay nakita namin ang si nanay at si aling lita na naguusap

“Mano po” sabay na wika namin ni minda

“Sa wakas at nakarating narin kayong dalawa”sabi ng nanay ni minda na si aling luzmelita”o sya mare uuwi na kami ni minda maglilinis pa ako sa bahay”

“Sige mare” sagot ni nanay”bakit napaka dumi na naman ng pang upo mo esme?!! Umakyat ka nanaman ba ng puno?”

“O....po”

“Naku halika nga ditong bata ka!!kukurutin ko yang singit mo!!!napakapilya mo talaga!!”

“Wahh!! Nanay hindi na po” Sigaw ko at kumaripas ng takbo sa aking kwarto

Lumipas ang mga araw at pa ulit ulit lamang ang nangyayari saaking buhay,pupunta kami ng madaling araw sa bayan at ibebenta namin ni minda ang kakanin simula rin nang magpakilala saakin ang ginoo ay lagi ko na siyang namamataan sa paanan ng aking paboritong puno,naging magkaibigan kaming dalawa ngunit ako yata ay mas higit pa sa kaibigan ang turing sa kanya

“Binibining esmeralda!!”salubong na tawag niya saakin isang araw nang papunta pa lamang ako sa pwesto niya

Ano’t sumisigaw ka ginoong eliaz?”nalilitong tanong ko

“May nais akong ibigay sayo binibini”anito na malapad ang ngiti inilabas niya ang dalawang nakakuyom na palad na janina ay nakatago sa kanyang likuran”pumili ka kung alin sa dalawa ang unang ibibigay ko sa iyo”

Ang nasa kaliwa”sabi ko at inilahad ang aking mga palad sa kanya

“Sigurado ka na?”sabi pa nito na mas lalong lumawak ang ngiti kaya naman ay labis ang pagtataka ko

“Ibibigay mo ba o hindi ginoo?”

“Eto na nagmamadali ka naman masyado binibini”anito at muntik na akong mamatay sa gulat dahil isang bulate ang kanyang ibinigay

“Ahhh!!!ginoo nais mo ba akong patayin sa gulat?!!”sumisigaw na palahaw ko sa kanya at ang loko ay nagpagulong gulong lamang sa lupa dahil sa sobrang tuwa

“Bahala ka na riyan ayaw na kitang kaibigan!!”ani ko sa sobrang inis at nagmamartsang umalis ngunit bago pa ako umalis ay hinila niya na ang aking mga braso at iniharap ako sa kanya

“Eto talaga ang nais ko ibigay binibini”nagulat ako dahil seryoso siya habang iniabot saakin ang isang...

...kwintas?

“Ano ito ginoo?”

>_<  - siya

•_•   - ako

“Nais kong ibigay sayo yan dahil…” Kinakamot niya pa ang likod ng kanyang batok at parang naghahanap ng sasabihin

“Dahil ano?!”naiinip na sabi ko

“Ano....Te” eh???

“Anong te?!!”

“T-Te quiero!!”sigaw nito at nag madaling tumakbo sa kung saan

“Ginoo!!”sigaw ko ngunit hindi man lang lumingon ang loko aba sa tingin niya ba’y naiintindihan ko ang kanyang winika?!!barumbado talaga!!!!

-_-

__________

A/N:
kaya mo yan ginoong eliaz,
XD


                       | Jorij Vieno |


BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon