chapter 9

19 5 3
                                    

Zach pov

Nakaupo lang ako dito sa swivel chair ko at tinititigan ang oras damn!Alauna na wala ba silang balak magpakita?!

Bumukas ang pinto kaya tinignan ko iyon.Pumasok si Jareine at dere-deretsong naupo sa swivel chair niya.Sumunod na lumabas sa pinto ay si Chan pero mukhang malalim ang iniisip niya.Hayaan na basta ang importante ay nakarating na din si Jareine at Chan.

"san ka nagpunta bro?"tanong ko bilang pambasag ng nakakabinging katahimikan

"you don't care."sabi niya kaya napakamot nalang ako sa ulo ko

"Nilagnat ka ba Chan?Namumutla ka oh?"baling ko kay Chan pero parang walang narinig si Chan dahil nakayuko lang ito at malalim ang iniisip.Mukhang may nangyari ah?!

Tumayo ang priest at inilapit kay Jareine ang mga papel.Tumayo din si Jareine kaya sumunod sa kaniya ang priest papasok sa conference room

Nang wala na sila ay tsaka ako nagdesisyon na lapitan si Chan at tanungin.Naupo ako sa tabi niya at akmang magsasalita na ako pero naunahan niya ko

"marunong ka bang bumaril?" tanong niya na ikinagulat ko.Shit hindi pwedeng malaman niya na mafia boss kami ni Jareine

                       ~flashback~

"Walang ibang makakaalam na mafia's tayo.Hindi pwede hangga't hindi ko pa naipaghihiganti ang mga magulang ko."sabi niya sabay paputok ng baril sa ulo ng bihag namin dahil nahuli namin itong nag mamasid sa amin.

Namatay ang mga magulang namin ni Jareine dahil may pumatay sa kanila. Isinanla ng mga magulang namin ang buhay nila kapalit ng katahimikan ng mga buhay namin.Pina-imbestigahan ni Jareine ang pumatay sa mga magulang namin dahil desidido na siyang maghiganti

Napag-alaman namin na isang babae ang pumatay sa mga magulang namin.Tama ng baril ang ikinamatay ng mga magulang namin kung kaya nag aral kami ni Jareine ng baril. Nagtayo si Jareine ng mafia group namin para maghiganti.Pero hanggang ngayon ay hindi pa namin nalalaman ang babaeng iyon.

                ~end of flashback~

"hindi"pagsisinungaling ko

"great liar"sambit niya na nag palaglag ng panga ko.Posible kayang alam na niya?Siguro nga kaya sasabihin ko nalang ang totoo.Pero kalahati lang baka malagot ako kay boss tss

"oo"pagbawi ko sa kasinungalingan ko

"mahirap bang bumaril at pag aralan iyon?"tanong niya

"Sa totoo lang oo.Inabot ako ng limang taon para lang pag aralan yon."sagot ko pero hindi na siya sumagot.Mukhang may iniisip to tsk!

Sa gitna ng pag uusap namin ay bumukas ang pinto at iniluwa non si Jareine.As usual no expression pa rin ang datingin ni bro

Inalis niya ang isang kamay sa bulsa niya at inilahad iyon kay Chan.Pero sadyang lutang nga talaga to hahaha

Sa pikon ay inalis niya nalang ang kamay niyang nag aabang sa kamay ni Chan at nagsalita.

"come inside the conference room" sambit niya kaya natigilan sandali si Chan at napasigaw

"waaa ano kaba naman nang gugulat ka tss"sambit niya kaya napakagat ako sa labi ko sa sobrang pagpipigil ng tawa hahahaha

Hindi na sinagot pa ni Jareine si Chan at hinila ito papasok at dahil ayaw kong maiwan dito dahil tahimik masyado,sumunod nalang ako sa kanila kahit walang sinabi si Jareine

Pagkapasok ko ay nakita kong nakasandal sa tabi ng pintong 'to si Jareine at masama ang tingin sakin.

"hinay lang bro may kukunin lang ako"pagsisinungaling ko.Kingina kasi bakit ba bawal pumasok?!Tsk!

Kinuha ko nalang ang cue stick ko sa likod ng isang upuan sa dulo tss. Makapag bilyar na nga lang

Pagkakuha ko noon ay nagulat ako sa pagharap ko.Nasa harap kona si Chan at tinitingnan ako.

"marunong ka niyan?"tanong niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman kung ano tsk!

"ahh oo,ikaw?gusto mo turuan kita?"

"Hindi na marunong nako niyan." sambit niya ng nakangiti at kinuha pa ang isang cue stick sa likod ng upuan. "tara laro?"tanong niya

Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon na ako ng tyansa na makita ang priest at ang mga ginagawa nila pero wala na yung priest damn!Tinitrip mo na naman ako Jareine tsk...tsk...tsk!

Tumango nalang ako bilang sagot sa kaniya.Bago lumabas ng conference room ay tumingin muna ako sa wall clock na nasa taas ng pintuan.1:30 pm palang kaya binalingan ko si Jareine at nagulat ako ng kumuha din siya ng cue stick.Tsk jealous boy hahaha

Pagkatapos niyang kumuha ay nauna na siya saming lumabas.Nako naman Jareine napakatorpe at halata mo naman tsk!Sumunod nalang ako at ako na ang nag ayos ng table.

"sasali ka?"tanong ni Chan kay Jareine

"Nah I'm gonna watch both of you. Whoever wins,will fight me"sambit ni Jareine ng nakangisi tsk!Halimaw pa naman mag bilyar yan

"okay"sagot ni Chan ng nakanguso

"bakit?takot ka bang matalo Chan?"tanong ko ng natatawa dahil baka iyon ang iniisip niya

"hindi kase dapat may excuse ako kasi may paso ako"sagot niya ng nakanguso

"hahaha kaya mo yan handang magpatalo si boss para sayo."sabi ko ng nakakindat at aakbay sa kaniya

"talaga!?"excited na tanong niya

"get your fucking hands off to my girl."singit ni Jareine kaya tinanggal ko na ang mga braso ko sa balikat niya

"easy bro"sambit ko nang nakataas ang mga braso

"game na!"excited na sigaw ni Chan kaya napatingin ako sa kanya.Naka ayos na agad ang mga bola sa lamesa at nilalagyan niya na ng chalk ang dulo ng cue stick niya

Hindi ko na siya sinagot at sinipat ang bola.Hulog ang isa my baby.Nag paikot ikot pako at naghahanap ng magandang prepa.Muli akong pumostura at sinipat muli ang bola. Hulog!Nagpaikot ikot muli ako sa table at sinipat ang isa pang bola pero hindi iyon nahulog dammit!

"my turn!"sabi niya sabay lapit sa table at inilapag ang chalk.Nagpaikot ikot lang siya sandali at pumostura na.Sinipat niya ang bola at dalawa ang hulog!

"nice one"nakangiting sabi ni Jareine na nanonood ng pagsipat ni Chan

Nagpaikot ikot muli si Chan habang nilalagyan ng chalk ang cue stick. Pumostura siya at sisipat na ng bola. Ang akala ko ay isa lang ang hulog pero dammit nag draw shot siya at dalawa na naman ang hulog. Tiningnan ko si Jareine at nakangiti lang siyang pinapanood ang pagpapahulog ni Chan sa mga bola. Natapos ang laro at hindi man lang ako nakatayo.Ang galing din pala niya mag bilyar.Nang mag 6-3 na ang score ay binigay na niya ang sarili niya.Race to seven ang score at siya na ang titira.

Apat na lang ang bola sa table kaya alam kong hindi niya na papalampasin iyon dahil dalawang tira lang niya,hulog na ang mga bola tsk!

Pero halos mahulog ang panga ko ng pagkatapos tamaan ng bola ang isang bola ay tinamaan non ang isa pa at natamaan non ang dalawa pa dammit!Sa isang tira,apat ang hulog! Shet halimaw!

'til the sun met the moonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon