chapter 10

14 5 0
                                    

Jareine pov

Hindi na ako nagulat ng maihulog niya ang apat na bola sa isang tira. Binasa ko lahat ng tungkol sa kaniya kahapon at napag alaman kong halimaw siya magbilyar.Iyon ang practice niyang ina-attend-an tuwing alas kwatro.Bukod kasi sa nakakapag practice siya ng bilyar sa bilyaran, kumikita rin siya

Nalaman ko rin na inabandona si Chan ng mga magulang niyang nag ampon sa kaniya.Ampon si Chan at dahil ampon nga siya sa pamilya ng mga Ferris ay inabandona nila ito

Walang nakapagbigay sa akin ng impormasyon tungkol sa kaniyang tunay na magulang

Pero hanggang ngayon ay gusto kong humingi ng tawad kay Chan dahil sa pagpapatakbo ko ng sasakyan kanina ng mabilis

                    ~flashback~

Pinatakbo ko ang sasakyan ko ng mabilis dahil pakiramdam ko lahat kasalanan ko.Kung hindi ako sumigaw kagabi ay hindi siya mag kakapaso at kung hindi ko siya hinila sa braso ay hindi sasakit ang paso niya dammit!

Bukod don,n-nag seselos ako sa lalaking kasama niya.Nagawa niyang tumakas sa akin para lang sa lalaking yon?Humigpit ang hawak ko sa manibela dahil sa inis

Hindi naman kasi aalis si Chan ng bahay kung binabantayan ko siya damn!

"b-bagalan mo lang"sambit niya ng natatakot pero naiinis pa rin ako fck!

"b-bagalan mo lang pakiusap,n-natatakot ako"aniya pa niya na nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa sistema ko dahil sa paghawak niya sa braso ko

Dali dali kong pinahinto ang sasakyan ko at niluwagan ang hawak sa steering wheel

"sorry"sambit ko at pinaandar ang sasakyang muli.Gusto ko siyang tanungin kung nasaktan ba siya o ano damn!

Itinutok ko nalang ang mga paningin ko sa daan at nagmaneho ng mabuti. Pero yung mata ko pilit hinahanap si Chan shit!Tinignan ko siya sa rear mirror at tahimik lang siyang nakasandal sa katabi niyang bintana habang pinagmamasdan ang mga dadaanan namin.Pero yung paningin niya tagos pa ron ang nakikita niya

Pasimple ko siyang tinitingnan sa rear mirror dahil gusto ko siyang pagmasdan.Lagi akong nagnanakaw tingin sa kaniya kapag hindi siya nakatingin

Nakaramdam ako nang kaba na gulat ng makita kong hawakan niya ang ulo niya.Marahil ay kumirot iyon. Minabuti ko nalang na medyo bilisan ang pagmamaneho at makapag pahinga na siya

                ~end of flashback~

Natinag lang ako ng iayos niyang muli ang mga bola sa table ng tahimik at maingat na kilos.Kung ako ang tatanungin,siguradong hindi iyon mapapansin ni Zach dahil sa maingat niyang kilos

Pagkatapos niyang ayusin ang mga bola ay tumayo na siya ng maayos at inaantay akong tumira

Napangisi ako dahil ang cute niya at angas at the same time dahil sa pag bibilyar at pagmotor.This girl makes me crazy like shit!

Tumayo ako at pumostura na para tumira.Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa pagtira ng bola.Hininaan ko ang pagsipat dahilan para dalawang bola ang mahulog

Nakangisi ko siyang tiningnan at nilalagyan ng chalk ang tako ko.Inalis ko na sa kaniya nag paningin ko at sinipat muli ang bola.Dalawa na naman ang hulog.Nagtuloy tuloy ang laro ko at 1-0 na ang score.

Lumapit sa table si Chan at inayos muli ang bola.Naglagay ng chalk at sinipat ang bola.Tatlo ang hulog damn!I'm slowly falling tsk!

Sinipat niyang muli ang bola at dalawa naman ang hulog.Nagtuloy ang laro at hindi man lang niya ako pinatayo.Puro dalawa at tatlo ang hulog niya at hindi niya hinahayaang isa lang ang mahulog

1-1 na ang score.Inayos niyang muli ang mga bola bilang senyas na ako na ang titira.Pinagpatuloy lang namin ang laro at hindi hinahayaang makatayo ang bawat isa.6-6 na ang score at turn ko na.Sa totoo lang kaya ko tong ipanalo pero mas gusto kong mapanaluhan si Chan kaya sinadya kong isablay ang tira ko.

Tumayo si Chan at nilagyan ng chalk ang tako niya.Pumostura at sinipat ang bawat bola.7-6 na ang score at siya ang panalo

"payag ka non bro?natalo ka ng babae?tsk!kulang ka sa practice Jareine"sumbat sa akin ni Zach pero hindi ko na siya pinansin.

Niligpit na ni Chan ang mga ginamit namin at saka siya humarap sakin. Pero kumabog ang dibdib ko ng pagharap niya ay nakangiti siya

"salamat sa pagsablay"sabi niya sabay kindat damn!Hindi ko kayang tagalan ang mga asar niya pero kahit ganon pa man,gusto ko siyang makasama palagi

Hindi ko na siya pinansin at umupo nalang sa swivel chair ko. Pinagmasdan ko siya at tahimik lang siyang nakatungo at malalim ang iniisip.May kinuha sa drawer si Zach at sinimulang pirmahan ang mga papel sa gilid ng table niya.

Napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong kwarto na maging pagsulat ni Zach ay maririnig. Natinag lang ako nang mag ring ang cellphone ni Chan.

Sinagot niya iyon pero hindi ko marinig ang sinasabi sa kabilang linya.

"sige papunta nako"aniya sabay baba ng telepono at gulat na napatingin sa akin.Hindi nita siguro inaasahan na nakatingin ako sa kaniya

"ahh aalis na muna ako babalik na lang ako sa bahay before 12 midnight"sabi niya na bahagyang nakangiti.Pero before midnight?Ang sabi roon ay hanggang 6 pm lang siya sa bilyaran?

"okay"sambit ko pero may pinaplano nako.

Nakangiti na siya ng maluwag sa sinabi ko.

"hmm sige una nako ha?byeee" sambit niya bago tumalikod

Pagkasara ng pinto ay nag ayos ako ng suot kong coat at naglagay ng baril sa secret pocket ko.

Nagtayo ako ng sarili kong mafia group para maghiganti sa pumatay sa mga magulang ko

After 10 minutes ay lumabas nako. Hindi na nagtanong pa si Zach dahil alam na niyang kapag ganito ang galawan ko ay may aasikasuhin lang ako.

Hindi ako nag elevator kasi ang bungad non ay ang main door na ng kumpanya.Dumaan nalang ako sa fire exit para sundan siya.

Nakita ko siyang problemadong nakatayo sa may hagdan papasok ng kompanya.Lumapit ako bahagya para marinig ang kanina pa niyang binubulong bulong

"bakit ko ba kasi iniwan yung motor ko?aishh"sambit niya. Pagkatapos ng limang minutong pagsisi niya sa sarili ay pumara siya ng taxi.

Sumakay ako sa kotse ko at sinundan siya.Nagtaka ako nang makita kong nakasunod sa akin ang kotse ni Zach. Dinial ko ang number ni Zach habang sinusundan ang sasakyan na ginamit ni Chan

"Alam kong susundan mo si Chan bro kaya sumunod ako hahaha inlove ka ba bro?hahaha tsk torpe ka din eh no hahaha-"

Hindi ko na siya pinatapos at binabaan nalang siya.Sinundan ko si Chan at bumaba siya sa isang bilyaran.Dito siya nagtatrabaho.

Nagpark ako 10 meters away sa kinaroroonan niya.Sumunod naman si Zach at tatawa tawang umakbay sakin.

"selos much bro?hahaha"tanong niya kaya diri kong tinanggal ang mga braso niya.Sumunod ako sa loob at hinanap si Chan.Nandon siya sa isang table at nakikipaglaro.Kada panalo niya ay binibigyan siya ng pera

Halimaw nga talaga siyang magbilyar dahil minsan,sa isang tira niya ay kadalasang 6 ang hulog.Dumaan ang dalawang oras ay kinuha niya na lahat ng napalanunan niya at nagpunas ng pawis.Tumingin sa wrist watch at nagpaalam na aalis na siya

Kaya naman nang lumabas siya ay sinundan namin siya.Pumara pa siya ng isang taxi at sumakay.Pumasok na rin kami ni Zach sa kanya kanyang kotse at sinundan si Chan

Huminto ang sasakyan sa isang bar kaya bumaba ako ng sasakyan ko para pagmasdan ang kabuuan ng bar

"bar?hindi naman siguro papasok dyan si Chan diba?"tanong ni Zach habang papalapit sa akin pero pumasok sa loob si Chan

Wag kang gagawa ng hindi ko gusto babae.

'til the sun met the moonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon