chapter 14

8 2 0
                                    

Chan pov

Kinuha lahat ng kanin ni Jareine at walang tinira.Damn gutom pa ko!Grabe naman tong mga to kung kumain parang may dragon sa tiyan eh sila nga tong mayaman na kayang bumili ng pagkain tsh!

"Woii bat nyo inubos?"tanong ko sa kanila ng nakanguso dahil hindi man lang nila ako tiniran ng kanin 

"Ah hehe sorry Chan masarap kasi eh tsaka gutom kami diba bro?"tanong niya kay Jareine na tapos ng kumain

"Your cooking tastes bad."sabi niya habang tumatayo na.Pangit daw lasa pero naubos tsh!

Hinayaan ko nalang sila at kinuha ang mga pinagkainan namin para hugasan.Syempre tumutuloy lang ako dito kaya responsibilidad kong gawin ang gawaing bahay tss.Pinagpatong patong ko ang mga pinggan namin at ihiniwalay ang mga baso at kubyertos

"Ang sarap mo pala magluto Chan!"sambit ni Zach habang hinihimas ang tiyan sa busog at nakaupo pa rin sa dining chair.Kingina pasalamatan mo yung hotdog at meatball tss

"Ako pa"sagot ko sabay kindat at nagtawanan kami.Habang pinupulot ko ang mga kubyertos ay hinikab ako.Damn inaantok nako!

"Inaantok ka na Chan?"tanong niya

"Hmm napagod ako eh"sagot ko at nagligpit na lang uli."Hugasan ko muna to"sabi ko habang patungong kusina

Inumpisahan ko nang sabunan ang mga kagamitan habang humihikab.Inaantok na talaga ko shet!Habang nagsasabon ako ay naramdaman kong may pumasok dito sa kusina.Lumingon ako sa likod at nakita ko si Jareine na kumukuha ng baso.Iinom ata ng tubig ang dragon tsh

"Sleepy?"tanong niya habang naglalagay ng tubig sa baso niya

"Oo,natural naman yon.Napagod ako sa trabaho ko tapos inubusan niyo pa ko ng pagkain tss"sagot ko

"Matulog ka na,ako na jan."sabi niya kaya awtomatiko akong napalingon sa kaniya.For the nth time of my life narinig ko din siyang nagtagalog!

"Weh?"tanong ko

"Yeah"sabi niya sabay ubos ng tubig sa baso niya

"Wehtlog."pabalang na sagot ko

"Stop fooling around tsh"sagot niya at inagaw ang pwesto ko sa harap ng sink dahil itinulak niya ako ng mahina

"San?"tanong ko

"Everywhere."sagot niya habang kinukuskos ang mga baso

"Sandok."sagot ko ng nagpipigil ng tawa tsh HAHAHAH

"tss"singhal niya kaya hindi nako sumagot.Tinitigan ko siya habang naghuhugas ng mga pinggan.Kahit saan naman sigurong anggulo ang gwapo niya tsh

"Diba sabi mo wala akong pasok bukas?"tanong ko

"Yeah"

"Hindi rin ako pwedeng lumabas?"tanong ko uli

"Yeah"

"Eh anong gagawin ko dito?"tanong ko dahil wala naman akong ibang magagawa dito tss

"I will not leave to work tomorrow"sabi niya habang nagwiwisik ng basang kamay."I will stay here to guard you."dugtong niya sabay kuha ng tissue at ipunas sa braso niya

"Hindi naman ako hayop tsh"sagot ko

"but you are my baby"pabulong na aniya pero narinig ko onte.Kaso onte lang kingina

"Ha?"tanong ko dahil diko maintindihan medyo tss

"Nothing"sambit niya sabay kuha uli ng tissue

"Bakit wala dito si Zach kahapon?"tanong ko dahil magkapatid sila diba?dapat iisa lang bahay nila

"he does not live here"

"Huh?"tanong ko kahit naintindihan ko na.Pake nyo ba masarap siya kausap eh 

"he has his own house"

"Ahh"sagot ko habang tatango tangong iniwas ang tingin

"I thought you were sleepy?"tanong niya

"Oo nga"

"Tsh go to sleep"sambit niya sabay pat ng ulo ko.Tss ganon ba ako kaliit para ganyanin mo ko?!Ayy 5'3 nga pala height ko,wala namang maliit ang may height na 5'3 diba?aish

"Oo na,Oo na"sabi ko sabay alis ng kamay niya sa ulo ko "goodnighttttttt!!"mahabang ani ko habang papalabas ng kusina

Nagtungo agad ako sa kwarto ko at naligo sandali.Pagkatapos ay nagpatuyo ng buhok at natulog na.Madali lang akong nakatulog dahil siguro sa pagod tss

Naalimpungatan ako dahil sa nag vibrate na cellphone ko sa ilalim ng unan ko.3:00 am time to review!Tsh pinatay ko ang alarm at pinilit matulog pero hindi nako inaantok.Bwisit na alarm!!

Bumaba nalang ako para kumuha ng tubig dahil nanunuyo na ang lalamunan ko.Pero bago pa man ako makalapit sa kusina ay may narinig akong dalawang boses.Si Jareine yung isa don ah!

Lumapit ako ng bahagya para marinig at makita ko ang pinag uusapan nila.Nakita ko si Jareine na nakatalikod sa akin sa may pinto at may hawak na telepono

"Argh i still love you like hell even your a bad guy"sabi nung babae sa kabilang linya pero bad guy?Tss masama  naman talaga si Jareine eh ang sungit sungit tsaka napaka-"i love you"naputol ako sa pag iisip ng marinig kong mag i love you yung babae sa kabilang linya

"I-i love you too"sagot ni Jareine ng pahina ng pahina pero sapat na para mamasa ang mata ko.A-anong nangyare?

Natagpuan ko na lang ang sarili kong tahimik na lumuluha habang nakikinig.Kingina anong pakiramdam to?Pero ng itanong ko sa sarili ko iyon ay lalong umagos ang luha sa mga mata ko

Bakit ba ako umiiyak?Bakit ba pakiramdam ko para akong kulang?Eh nakipag i love you lang naman siya sa ibang tao diba?Malay mo pamilya niya yon pero anlayo eh.Narinig ko yung boses nung babae at malayo iyon sa boses ni Zach at Jareine

N-nag seselos ba ko?Pero teka ang pagseselos nararamdaman lang pag nagmamahal.Hindi ko naman siya gusto diba?Ang sabi ko inlove lang eh,gusto ko lang.Pero putangina hindi ganon ka love kaya hindi ako magseselos!Mark my fucking word

"But i am married"dugtong ni Jareine.Parang may kung anong nabuhay sa loob ko dahil pinagtanggol niya ko

"Tsh who cares?Zach said you just marry her so you can comeback to me"c-comeback?"you still love me right?"

"Yes"deretsong sagot niya kaya lalo pa non pinasama ang loob ko"but only a little"m-may mahal pa siyang iba?

"I am Kensei Saichi the only girl you love and the only girl accepts you even on your dark side" K-kensei? "Because i love you" dammit!dammit!dammit!

Alam kong ie-end call na ni Jareine ang call dahil ibinababa niya na ang braso niya kaya nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko.Dito ako umiyak ng tahimik.Yung walang tao ang magpapatahan sayo.Y-yung papasok na lang sa isip mo yung mga masasamang bagay

K-kensei Saichi?Siya ba yung Saichi na tinutukoy ni Zach nung nakaraang dinala ako ni Jareine sa kompanya nila?Siya ba talaga yung taong pinakamamahal ni Jareine?

Kinuha ko ang laptop ko sa maleta at in-open.Sinearch ko si Kensei dahil gusto kong malaman kung sino ba siya

Kensei is a famous beautiful woman all over Luzon. She is beautiful, sexy, rich and scheduled to marry Mr. Jareine Dilksawn last year. But a misunderstanding seems to have occurred because Kensei did not continue their marriage. They both love each other especially Jareine because she loves Kensei so much.

Her family is owned a business.They have 77 hotels here in Philippines and 237 in other countries.They are so popular because of helping others to have a job.

So talagang kilala siya dahil maging sa wikipedia nandoon siya?tss.Pero kung mahal talaga ni Jareine si Kensei,bakit ipinatigil ang kasal nila?At bakit nasasaktan ako kapag nalalaman kong may mahal siyang iba?

Natigil lang ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang pinto.Dali dali kong pinunasan ang luha ko at itiniklop ang laptop ko.Anong ginagawa mo dito?Kingina madaling araw pa lang tsaka may kasalanan ka pa sakin tsh.Sambit ko sa utak habang tinitigang makapasok ng kwarto ko si Jareine

'til the sun met the moonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon