Zach pov
Halos manlaki ang mata ko nang pumasok siya sa loob.Tiningnan ko si Jareine pero as usual wala pa rin siyang ekspresyon tsk!Ano na naman kayang iniisip neto,napakahirap basahin talaga ng iniisip neto
Pumasok sa loob si Jareine kaya sinundan ko nalang siya.Hindi ko makita si Chan sa mga nagsasayaw kaya ibig sabihin hindi siya nagpunta dito para magpakasaya
Sinulyapan ko ang employee's door kasi bigla itong bumukas at nakita ko si Chan na nakasuot ng apron.Ibig sabihin waitress siya dito?
Lumapit siya sa isang bakla at kinausap.Iniabot ng bakla ang dalawang bucket ng alak na kinuha naman ni Chan tsaka siya dumeretso sa isang table sa dulo.Inilapag niya lang ito at saka tumango pagkatapos ay umalis na
Tumalikod siya sa customer at naglakad na.Paharap na siya sa amin ngayon pero buti nalang at madilim kaya hindi niya kami makikita. Tiningnan ko si Jareine at nakakunot na ang noo niya at masama ang tingin kay Chan
Lumapit muli siya sa bakla at iniabot ang mga order.Nagpaulit ulit ang mga gawain niya sa loob ng apat na oras at halata na sa hitsura niyang napapagod na siya kada lakad balik. Sumulyap ako sa wrist watch ko at 10 pm na.Sinulyapan ko muli si Jareine at ngayon ay nakasandal na siya sa upuan at naka cross arm,nakakunot pa rin ang noo pero wala na ang masama niyang mga tingin
Tiningnan ko nalang si Chan na hanggang ngayon ay walang tigil sa pagta trabaho.Halata na rin sa mukha niyang pagod na siya.Lumapit muli siya sa bakla at halos pasigaw niya ng sabihin ang table dahil habang lumalalim ang gabi,palakas ng palakas ang tugtog
"table 16!!"pasigaw na aniya pero hindi siya galit.Madadaanan kami ni Chan dahil kaharap lang namin ang table 16 base sa bilang ko ng table nila
Tiningnan ko ang mga nakaupo sa harap namin at lasing na lasing na sila.Basta nalang sila nanghahablot ng mga babae at hahalik-halikan
Apat silang lalaki at may kalakihan din ang katawan.Moreno at halatang nasa trenta na ang mga edad
Lumapit si Chan sa kanila at inilapag ang tatlong bucket ng alak at mga pulutan.Habang naghahain si Chan ay parang may kakaiba sa kaniya dahil madaling madali siya at pilit na ngiti na lang ang iginaganti niya.Bukod don ay bahagya siyang naiilang
Pinasadahan ko siya ng tingin at don ko lang napansin na naka lugay ang buhok niya at wala siyang suot na salamin.Naka fitted shirt ang uniform niya kaya halata ang hubog ng katawan niya.Naka skirt siya at-
Kaya pala siya naiilang dahil hinihipuan siya ng isan lalaki na customer nila.Nilingon ko si Jareine at halatang nagpipigil na siya ng galit. Mahigpit ang pagkuyom ng kamao niya at masamang masama ang tingin
"here's your order sir"sambit ni Chan ng naiilang
"Bat hindi ka muna magpahinga dito sa tabi namin miss?Maganda kapa naman at sexy"sabi nung mokong na humihipo kay Chan
"i-im sorry sir may gagawin pa po ako tawagin nyo nalang po ako pag may kailangan kayo"sabi ni Chan na patalikod na sana pero nagsalita na yung mokong at hinigit si Chan paupo sa tabi niya inilapit ang mukha sa leeg ni Chan
"katawan mo miss kailangan kong pampainit"sambit nung lalaki habang inaamoy ang leeg ni Chan
Hindi na ata nakapagpigil si Jareine dahil padabog siyang tumayo at hinila si Chan papalayo sa mga lalaking nambabastos kay Chan. Sumunod nalang ako kesa maiwan ako don tsk!
Gulat kaming tiningnan ni Chan at napapahiyang nagbaba ng tingin.
"kung naiinitan kayo ay umuwi nalang kayo at magtimpla ng kape" sabi ko dahil baka sumabog na sa galit tong Jareine na to
"aba'y gago ka ah?kita mo na ngang katawan niya ang gusto kong pampainit tapos sasabihan mo kong umuwi?!bar to ha?!bar!"galit na sigaw ng lalaki kaya naagaw namin ang atensyon ng iba
"alam nyo ba yung kasabihang laging tama ang bawat customer ha?!"sigaw nung isa pang lalaki habang tumatayo
"pero sumosobra na kayo" sambit ko kahit na gusto ko nang patayin tomg hinayupak na to
"anong sabi mo ha?!"sambit niya sabay sapak sana sa akin pero sinapak ko na siya.Tumayo na silang lahat at inumpisahang bugbugin ako pero kaya ko sila tsk!Etong gwapong mukhang to?Hindi to mababangasan promise
Pero biglang tumayo ang kalahati sa mga customer at kumampi sa mga mokong nato.Shet yung iba dito mafia din!Hindi ko kakayanin to kung wala akong baril pero bawal dito yon tsk!
Sinimulan akong sapakin nung isa pero nailagan ko iyon at hinawakan ang braso niya para sapakin. Sumunod naman ang dalawang lalaki at akmang susuntukin ako pero sinapak ko na sila pero may isa pa sa gilid ko at nasapak ako damn!
Napapikit ako sandali dahil don ko lang napagtanto na upuan ang pinanghampas niya shet bakal yon!
Pagmulat ko naman ay nakahiga na silang lahat at hawak ni Jareine sa leeg ang lalaking nambastos kay Chan
"once i see you again lay your fucking fingers to my girl,you'll gonna die"sabi niya sabay sapak ng pagkalakas lakas don sa lalaki
Lumapit sa akin si Chan inalalayan akong makatayo.Naka akbay ang isa kong braso sa kaniya pero ng mapatingin ako kay Jareine ay masama na ang tingin niya sa akin kaya inalis ko na ang braso ko kay Chan
"tara don gagamutin ko ang sugat mo"sabi niya habang papasok sa isang kwarto kaya sumunod ako sa kaniya pero katabi niya na si Jareine. Tch seloso
Inalalayan akong makaupo ni Chan sa sofa at kumuha ng first aid.Habng hinahanap niya ang iba pang gagamitin niya ay inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.
Karamihan ng mga employee ay nandito at nakaupo sa isa pang sofa.Tumingin ako sa gilid ko at nandon ang isang lalaki na nakaupo sa isang swivel chair na masama ang tingin kay Chan.
Pagkatapos niyang hanapin ang mga kakailanganin niya ay lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.Sinimulan niyang linisan ang sugat ko sa noo at lagyan ng kung ano ano.Pagkatapos ay nilagyan niya ng band aid ang gwapo kong mukha.Lumayo na siya sa akin at naupo sa tabi ko.
"about sa gulong sinimulan nyo ay malaki ang nabawas sa mga customer ko"nagsalita ang lalaking nakaupo sa swivel chair
"Miss Ferris"tawag niya kay Chan
"yes sir?"sagot niya.Ibig sabihin boss nila to?Grabe ang panget tsk!
"full day ka bukas bilang parusa sa ginawa mong gulo"utos nung boss nila
"she can't"biglang singit ni Jareine habang naka cross arm na nakayuko at nakasandal sa gilid ng pinto
"huh?bakit?"naguguluhang tanong ni Chan
"I'm the boss here and she'll do whatever i want"galit na sabi nung boss nilang kinulang sa gwapo tsk
"I am Jareine Dilksawn the owner of the land where exactly your bar stands"sabi ni Jareine habang nagtataas ng tingin sa boss nila
Nanlaki ang mata nung boss nila at napapahiyang nag iwas ng tingin
"she can't because she's my wife." sambit niya habang inaalis ang pagka cross arm at inilagay sa bulsa
BINABASA MO ANG
'til the sun met the moon
RomanceHave you ever tried to fall inlove with wrong person?Have you ever tried to give up?Well this story was made for you.A girl who fell inlove with a bad guy but suddenly she knows that she is much bad than him.They were about to give up their relation...