Chapter 12
Tinignan ko ang aking cellphone para sipatin Kong anong oras na. It's 6:30 pm already at napabaling sa pagkaing nasa likod ko mga meryenda at pagkain na binigay nila ma'am angie at jiro, gabi na at dipa ako kumakain walang laman ang aking tyan. Pero wala akong maramdamang gutom ss tagal Kong nagtratrabaho. Iniligpit ko nalang ang mga pagkain para itapon dahil baka nasira na dahil di ko man Lang ginalaw pero ung mga tinapay at juice ay inihiwalay ko para ibigay sa mga batang nadadaanan ko sa labas ng building pag-umuuwi na ako.
Wala akong ganang lumabas sa opisina at nagumpisa ng maglakad papasok sa elevetor. Ngunit bago Pa man ko makapasok ay nakita ko ang dalawang taong naghahalikan sa loob non. Parang may punyal na tumama sakin dahil sa pagbiglaang pagkirot ng ang dibdib. Tahimik Lang akong pumasok sa loob, para silang nakakita ng multo dahil sa presensiya ko. Nang sumarado ang Pinto ng elevetor ay kapwa sila nag-ayos ng damit.
Nakatingin Lang ako sa harap at kita ko roon kung paano bumaling sakin si sit argel bago bumaba ang tingin sa hawak ko. "Ano Yang dala mo?" Tanong ni ma'am Gianna.
Ngumiti akong humarap dito. "Mga pagkain po na diko nagalaw dahil sa rami ng ginagawa ma'am." Di pinahalata ang pait sa aking pananalita.
"So you don't have eaten yet?!" Patuloy na pagtatanong nito sakin. Umiling at ngumiti Lang ako rito.
"Hey babe don't mind her." Yumuko ako para di nila makita ang mga luhang nagbabadya ng lumabas dahil sa sinabi ni sir.
Oo nga naman. Bakit nyo Pa ako pagtutuunan ng pansi?! Isang hamak Lang naman akong kinama ng fiance mo miss! Tumunog na ang bell dahilan para lumabas na ang mga ito. Pinunasan ko Pa ang aking luha bago lumabas.
Nginitian ko ang guard sa exit door. "Namumutla ka ata iha?" Ani nito para lumingon sa gawi namin sila sir.
Umiling ako. "Baka gutom Lang po manong,." At tuluyan ng lumabas.
May na kita akong mga bata na nangangalkal ng basura. Kaya naman nilapitan mo ang mga ito para ibigay ang mga pagkaing dala ko. Naghintay Pa ako ng masasakyang bus para makauwi sa amin.
Ganon ang mga naging routine ko sa mga araw na lumipas. Panay tambak na Gawain ang mga nadadatnan ko sa aking lamesa, panay rin ang pagliban ko sa pagkain. Kung kakain man ay mga tatlong subo Lang ay tapos na at babalik ulit sa trabaho. Ano ba ang pinasok ko rito diba trabaho.
Tumayo ako at kinuha ang mga papeles na dadalhin sa conference room. Dahil may meeting at secretary ako dapat Lang na naroon ako. Habang naglalakad papuntang conference room ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Pumikit ako saglit at napahawak sa pader para di matumba.
Shit!
Nang humupa ang hilong nararamdaman ko ay inayos ko ang aking sarili at pumasok na roon. Ramdam ko ang tingin nila sa Kin lalo na si sir argel. Di ko nalang pinansin ang mga tingin nila at dumeretso na sa tabi ni ma'am angie.
"Namumutla ka ayos kalang?" Pagka-upo ko palang ay yun agad ang sinabi nya. Tumango nalang ako bilang sagot.
Nag-umpisa na ang meeting ilang empleyado ang nag- discuss ng kanilang report. Nang sinabi ni sir na ibigay ang mga papel na hawak ko ay bigla nalang ako nahilo. Humawak ako sa sandalan ng umupuan para kumuha ng lakas. Pinagpatuloy ko Pa rin ang pagbibigay ng mga papel sa kanila.
May iilang nakatingin sakin na may pag-aalala sa mukha. Nakita Kong tumayo na si jiro para tulungan akong magbigay sa kanila ng mga iyon. Magsasalita sa ako na buksan nila iyon ng mawalan ako ng Malay.
Nagising ako sa di pamilyar na kwarto at kulay puti. Ginala ko ang aking paningin nalaglag ito sa akong kaliwang kamay na naka-swero. Napatingin ako sa pumasok sa kwarto, nakita ko si sir na walang reaksyon at madilim ang kanyang mata na nakatingin sa Kin.