6

27.5K 471 10
                                    

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 6

Sa isang mamahaling restaurant kami pumunta. Kahit sa pag-upo ay naka-alalay sya sa Akin nagtataka ako dahil sa sobrang bait nya ngayon. Malakas talaga ang dating nya dahil karamihan ng mga babaeng narito ngayon ay sa kanya nakatingin kahit na kasama ang mga jowa nila. Di na ako magtataka ang gwapo naman kasi talaga ni sir, sino ang Hindi mapapatingin dyan.

Kita ko ang pang-hihinayang sa mata ng mga babae dahil sa ginawang pag-alalay saakin ni sir. Pss, ako lang to ang mala dyosang si Ynna Jie Rosales Montemayor..

"What is your oder ma'am and sir?" Tanong ng waiter na kakalapit lang sa pwesto namin..

Tinignan ko ang menu napalunok ako dahil ganon ka-fancy ang mga price non.. Gustohin ko mang sabihin na tubig nalang ay nagtuturo na si sir ng mga putahe.. "Give us this one and this,." Turo ni sir sa steak at cordon Bleu.

"So first time sa ganitong lugar?" Yan na naman po sya sa pagtatagalog.

"Ah, yes sir mas afford ko po kasi ung karendirya lang atleast don kahit mura ay mabubusog kana." Ilang na sabi ko dahil nakatitig ito sakin.

Hanggang sa dumating ang order nyang pagkain ay doon na nya inabala ang sarili. Inilapag nya sa aking harapan ang hiniwa-hiwa nyang steak .. Ngumiti ako at nagpasalamat syempre kainan na!

Nanlaki ang Mata ko ng matikman ko ito. Wow! Ang sarap grabe sunod sunod na ang ginawa Kong pagsubo. Narinig ko syang tumawa dahil sa ginawa ko nahihiyang tumingin ako sa kanya.. "You like it?" Tanong nya kaya naman walang pan-alinlangang tumango ako..

"Opo, first time makatikim heheh..!" Yumuko ako dahil sa hiya..

Matunog itong ngumisi at iniling ang kanyang ulo. "Okay then, I always treat you here. Para araw-araw kang makatikim ng ganyan.." Sumubo na sya ng pagkain.

Natigilan ako sa kanyang sinabi at anong palagi nya akong dadalhin dito?ay treat lang pala. Pati ang cordon bleu ay nilantakan ko. Para akong nabubulunan kaya naman tinunga ko agad ung wine na kalalagay lang, nalikot ang mukha ko ng matikman ko ito.. Pucha ampait. Humingi ako ng tubig kaya naman tawa ng tawa si sir..

"Your cute, first time?" Wika nya.

Tumango ako. " Ampakla at ampangit ng lasa.." Mariin Kong tinignan ang wine.

"So you don't like it?" Pagtatanong nya habang sumisimsim ng wine. Agad naman akong tumango.

Ayos lang sana kung redhorse o beer ang tutunggain ko.. Ito mamahalin nga pero diko gusto ang lasa. Ilang oras Pa kami don bago naisipang umuwi dahil medyo late na rin..

"I'll Take you home." Pang-aalok nya sakin. Dahil wala naman akong masakyan pauwi pumayag na ako., duh mag-iinarte Pa ba ako.. Grasya na ang nasa harap ko aayaw Pa ba.

Nasa byahe na kami patungo sa bahay. "Pano ka pumapasok ng maaga sa companya, ganito kalayo ang tirahan nyo?." Tanong nya.

Tinapunan ko sya ng tingin pero binawi rin agad ng makitang nakatingin ito sakin. "Nagigising ng maaga para di maabutan ng traffic at di malate." Saad ko.

"Bat mo na-isipang mag-apply sa kompanya?" He said. While his eyes is on the road.

Dahil nakita ko si mama na umiiyak sa kusina habang nagluluto dahil walang maibigay na pera para sa babayari ko.. Don ko na isip na magtrabaho. "Gusto ko lang po makatulong sa magulang ko."

Tumango ito. "So are you happy to your status?"

"Oo naman sir! Kahit na mahirap lang kami ay okay na iyon, dahil may nakakain kami sa pang-araw araw.." Wika ko. "Kahit magsasaka lang ang pinagkukunan nila mama at papa ng ikakabubuhay namin,  masaya na kami don."

"May kuya ka?" Tanong nya.

"Opo si kuya Yves Jier Montemayor." Masayang sambit ko. "Ang pinaka-gwapong doktor na kilala ko." Proud na sabi ko.

Napangiti si sir dahil don. "Your so proud to your brother. Huh!"

Aba syempre naman no! Ikaw ba naman mabiyayaan ng mabait na kuya at mapag-mahal dika ba magiging oroud don?. Napaka-protective nila ni papa pagdating sa Akin kaya andaming naiingit na kamag-aral ko non dahil may kuya akong kagaya nya.

"Dito na ako sir." Turo ko ng maaninag ang puno ng manga dahil may daanan dyan patungong bahay.. Tinigil nya ang sasakyan sa tapat nito. "Diba delikado ang kanyang daanan pag-gabi?." Pagtatanong nya. Nakatingin ito sa naglalakihang damo at madilim na daanan.

"Di naman sir! Saka sanay na akong umuwi mag-isa pag gabi." Naka-ngiting sabi ko.

Nakita ko ang pagsalubong ng kanyang makapal na kilay at pagdilim ng mukha nya.. May na sabi ba akong mali? "Why? May iba ka Pa bang pinupuntahan pagkalabas mo ng kompanya?!" May diin sa kanyang boses na para syang galit. That dark aura is so scary as fvck.

"Dipo kasi nalalate akong umuuwi galing sa school non. Kaya sanay na akong gabihin." Agarang sagot ko dahil sa galit na ekpresyon nya.

Agad na lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa narinig mula sa Akin. "Mula ngayon hatid sundo na kita." Saad nya.

Magsasalita palang sana ako ng bumama ito sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.. "No more buts."

Nagpa-alam na ako na papasok na sa bahay, pero bago iyon ay pinag-masdan ko muna syang nagtungo sa kanyang kotse at umalis.. Wala ng Tao dito sa sala at patay na ang mga ilaw sa kusina at kwarto nila,. Kahit tunog ng TV sa kwarto nila mama at papa ay wala na akong narinig. Siguro nagpapahinga na ang mga iyon, si kuya ay nasa hospital dahil duty nya ngayon.. Binagsak ko ang aking sarili sa malambot na kama at pinang-gigilan ang teddy bear.

"Boo, alam mo bang susunduin daw ako ng krass bukas.. Omg dream come true.." Kulang nalang ay mag heart-heart ang aking mata sa sobrang saya na nararamdaman.. Dapat maganda ako bukas para naman di nakakahiya sa kanya. Kinikilig ako..

Alas dose na ng madaling araw ako nakatulog. Dahil sa nararamdamang excitement para bukas iniisip kung ano ang dapat na isuot. Hay mas lalo na talaga akong nahuhulog sa kanya, sana naman ay saluhin nya ako sa huli. Para atang malabo ang naisip kung iyon. Imagine nalang kung kelan nya ako magugustuhan,.


Kahit sa pagtulog ay si sir parin ang laman ng panaginip ko.

MY POSSESSIVE BILLIONAIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon