𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 1
I'm going to my job. Dahil kailangan Kong tumulong sa aking magulang, kahit mahirap ang buhay ay naitataguyod naman kami ng maayos nila mama at papa. Syempre dahil ako ang bunso ay ayaw nila akong nagtratrabaho dahil nag-aaral Pa ako, nasa ika-apat na taon na ako sa kolehiyo. Kahit di sabihin sa Akin ay alam kung nahihirapan na silang maghanao ng pera para ibigay sa Akin, Pambayad sa mga gastusin ko sa eskwelahan.
"Ma! Alis na po ako!" Sigaw na paalam ko kay mama.
Wala sila kuya at papa dahil nasa bukid na naman ang dalawang iyon ayaw paawat eh. Dahil yun lang daw ang trabaho na alam ni papa dahil parehas di sila naka-pagtapos ni mama ng pag-aaral.. Si kuya naka-pagtapos na bilang isang doktor, minsan ay tumutulong sya sa aming bukid tulad ngayon naka day off sya. At di na ako mag tataka Kong marami ang magkagusto sa kanya. Matalino,mabait,masipag,magaling mag-luto lahat na ata ng katangian na gusto ng mga babae ay nasa kanya na.
Lumabas na ako sa bahay at naglakad na papuntang highway, dahil bukid nga dito sa amin kailangan mo pang mag-lakad ng ilang minuto para makarating sa highway. Sa delafuente company ako nag-apply bilang secretary ng CEO nila, andaming nagsasabi na marami ng dumaan na maging secretary nito. Ang karamihan ay kusang umaalis na dahil daw sa pangit na ugali nito halimaw daw kung magalit. Ngayon palang ay parang tinataasan na ako ng balahibo sa sobrang kaba.
Bless me Lord.
Sana di naman sobrang nakakatakot yung amo ko.
Andami ko pang dada dito. Pumara na ako ng tricycle dahil iyon lang naman po ang afford ko, diko afford ung taxi eh masyadong mahal di na nga gwapo ang ibang driver may pagka-manyak Pa. Hmp.
"Miss ganda saan po tayo?." Tanong ni kuyang driver.
"Kuya alam nyo po ba ung sa delafuente's company po? Doon nyonpo ako ihatud." Saad ko.
Tumango naman ito ito at alam na ata kung saan ang tinutukoy Kong kompanya.. Wala pang ilang oras ay nasa harapan na ako ng isang matayog na building. Binigay ko na kayo kuya ang bayan ko. " salamat kuya." Naka-ngiting sabi ko sa kanya.
Diko inaakalang ganito pala kalaki o katayog ang papasukan Kong kompanya.. Wow, sobrang ganda at laki naman nito. Di kaya nangangawit ang mga taong nagtratrabaho rito. Naglakad na ako papuntang entrance para pumasok.
"Sino po sila?" Tanong sa Akin ng guard.
"Ay ser. Ako po ung bagong secretary ng amo nyo.." Naka-ngiting sabi ko.
"Ganon po ba ma'am. Paki perma nalang po ito.!" Sabi nya at inabot sakin ang logbook.. "Para po sa mga empleyado dito yan ma'am para alam ko at di mapa-galitan ni ser." Anito at nagkamot ng kalbong ulo.
Nang matapos ay nagpaalam na ako para pumasok sa loob.."Sige po manong pasok na po ako.."
Pagkapasok ko palang ay pinagtitinginan na ako ng mga kapwa ko empleyado.. Bakit ngayon lang ba sila naka-kita ng dyosang galing sa bukid?, nakakailang ang mga titig nila sa Akin kaya naman mas binilisan ko na ang paglalakad papunta sa babaeng nasa counter ba iyon?! Iwan ko basta don sa babae.
"Look dude ang ganda naman nya."
"Beh nakakaingit! Ganda ng kutis."
"Sino yan? Bagong babae ni sir?!"
"Mukha bang babae ni sir yan? Eh kagalang-galng tignan."
"Oh shet pre ang ganda nya parang Angel na bumaba sa langit.."
Yan ang mga naririnig ko habang naglalakad ako."Miss saan po dito ung office ng secretary?." Tanong ko kay ate gurl.
"Kayo po ba ung bagong secretary ni sir argel?" Tumango ako sa kanyang tanong. "Lika na po hatid ko na po kayo at kanina Pa naghihintay si sir delafuente sa inyo.." Sabi nya at ginaya na ako papuntang elevator..
Pumasok na kami sa loob at nakita Kong pinindot nya ang 10th floor at alam Kong iyon ang floor kung saan ang office ko at office ni sir. "Matagal na po ba kayo rito?" Tanong ko rito.
Tumingin naman ito sa Akin bago sumagot."Oo iha. Nandito na ako bago Pa pumalit si sir argel sa kanyang ama bilang ceo ng kompanya., medyo matanda narin si Anton kaya naman pinaubaya na nya kay sir argel ito.. Dahil si sir argel lang naman ang may interes sa mga negosyo di tulad ni ma'am andie na pinili ang pagmomodelo.." Pagkukwento nya.
"Marami po ba silang magkakapatid?." Pagtatanong ko ulit.
"Dalawa lang silang magkapatid, si sir argel ang panganay at si ma'am andie naman ang bunso.. Di magkalayo ang edad nyo ni ma'am andie, ilang taon kana na iha?."
"23 na po ako at malapit ng magtapos sa kursong business ad." Saad ko dito.
Di na natuloy ang pag-uusap namin dahil nandito na kami sa aming destinasyon HAHAHA... Naunang lumabas si ma'am Angie at sumunod naman ako sa kanya.. Tinitignan ko ang bawat painting na nakasabit sa dingdi g ng hallway na dinadaanan namin.
"Si sir argel ang may pinta sa mga iyan., bukod sa kompanya nila ay iyan ang mga pinagkakaabalahan ni sir kung wala syang masyadong Gawain dito sa opisina.."
Tumango-tango nalang ako dahil naaaliw ako sa mga pintang nakikita ko.. Tumigil na si ma'am Angie sa harap ng malaking Pinto at kumatok ito roon. "Come in." Isang baritong boses ang narinig ko galing sa loob.
Oh wow ang sexy naman ng boses ni sir.
Pagkabukas palang ng pintuan ay nakita namin ang isang babaeng nag-aayos ng kanyang damit na nagusot para bang may gerang nangyari. Napatingin naman sa pwesto namin saglit si sir argel bago tinuon muli ang tingin sa kanyang tuxedo. May kababalaghan sigurong nangyari dito.
Nang di na ako makatiis ay nagtanong na ako kay ma'am Angie." Jowa ba yan ni sir ma'am?" Umiling ito at sinabing. "Isa sa mga babaeng nagpupunta dito, pagkalipas ng isang linggo ibang babae na naman ang nandito." Bulong na sabi nya.
Aba matindi si ser tss. Di kaya nagkaka-aids yan? Kung sino-sinong butas ang pinapasukan ewws.
Para akong nasusuka sa iniisip ko tungkol sa aking amo.
Napalingon ako ng magsalita ito." Who is she Angie?" Baritong tanong nyankay ma'am Angie.
"Sir bagong sekretarya nyo po.." Parang nanginginig si ma'am Angie habang nagsasalita. Bakit parang takot na takot sila rito.
Tumitig ito sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa., nagtaasan naman ang aking balahibo sa uri ng tingin nya sa Akin para bang kakainin nya ako ng buhay.
Masarap kaya syang kumain?!.
Kinurot ko ng palihim ang aking sarili dahil sa naisip.. Gaga ka ba ynna?!
"Okay you my leave, and you." Duro nya sa Akin. "Stay here and can you please massage my head." Sambit nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/255991481-288-k592854.jpg)