14

24.3K 439 10
                                    

Chapter 14

"Oo kingina mo! Bat di parin nagbabago ang ugali mo." Ngiwing sabi ko sa kanya at lumayo kunti.

Ang laki ng pinagbago ni pepag. Ang maitim na batang babae noon ngayon ay maputi na ito at tumangkad, sexy. Alam Kong maraming lalaki ang nagkakarandapa ngayon dito. Ang Hindi lang nagbago sa kanya ay ang kanyang ugali at ang malulusog na dibdib, kung may pinagbago man iyon ay mas lalong lumusog ito.

Nakakahiya naman sakin!

Siguro panay ang masahe jan?! Binitbit nya ang iba ko pang gamit dahil bawal naman akong magbuhat ng sobrang bigat dahil nga may baby na ako. Sumakay kaming tricycle papunta sa baryo namin, medyo okay na ang daanan dahil sementado na ito. Pagkatapos ay bumaba kami sa may daongan ng mga bangka, medyo malayo Pa ang ating bahay dito malayo dito sa bayan. Ilang oras Pa kaming nag-byahe sa dagat at nakarating rin kami.

Nakapikit akong sinalubong ang masarap na hangin dito sa Palawan. Simpleng bahay lang ang meron kami rito.

"Nako, gurl alam mo bang maraming nagiging interesante dito sa bahay nyo. Marami ang gustong bumili nito." Sabi ni pepay habang pinapasok ang mga bagahe ko.

Baliw talaga ang bruhang to! Di man lang takpan ang kanyang dibdib pagyumuyuko. Syempre naman busog na busog na ang Mata ng bangkirong tumutulong sa pagbubuhat ng mga gamit ko. Kulang nalang ay dukutin na nya iyong dibdib ni pepay.

Lumapit ako sa pwesto nilang dalawa. "Nako manong! Bakla po iyan at di po totoo ang dibdib kaya wag nyong tignan." Saad ko at tinakpan ang dibdib ni pepay damit ang aking kamay.

Napapahiyang yumuko at nagkamot ng batok iyong bangkiro at nagpaalam ng umalis. At ang pepay naman ay sinamaan ako ng tingin. "Bweset ka naman eh! Magkakaroon na sana ako ng bebe. Anong bakla ulol,to too ito." Anang nya at pinakita sakin ang kanyang dibdib.

Bweset to!

Hiyang-hiya naman ako no! Baka iniingit lang ako! Di ko na sya pinansin at pumasok nalang sa loob ng kwarto upang mag-ayos para narin maka-pagpahinga. Sobrang pagod na ako sa byahe at pag-aayos ng gamit. Nagtungo akong kusina para tignan Kong gumagana Pa ba ang ating ref na ilang taon ng di nagagamit. Pero sabi ni pepay ay minsan nya na itong nagamit ng mapuno ang ref nila. Binuksan ko iyon at nakita ko ang mga pinamili ko kanina bago kami nagpunta dito.

Marami rin palang nagbago sa bahay dito. Kung ang dating inuupuan naming kahoy ay naging sofa na. At malinis rin ang kabuuan ng bahay dahil palaging nililinisan ni pepay.

Lumapit ako sa bintana upang tanawin ang palubog ng araw. Dumidilim na kahit Pa alas singko palang ng hapon. Ganito ba talaga pag-malapit na ang disperas ng pasko.. Nagluto ako ng aking kakainin, kanin, at adobong sitaw para naman healthy kami parehas ni baby.

Napahawak ako sa aking tyan at hinaos iyon. Ang saya pala pag nagkaroon ka ng isang anghel na aalagan..

Kina-umagahan ay nagising ako sa inigay na nangagaling sa labas. Bumangon ako mula sa pagkakahiga upang tignan Kong sino ang mga taong iyon. Pagkalabas ko ng aking kwarto at nakita ko si pepay na kasama ang kanyang kapatid na lalaki at pinapagalitan iyon.

"Ang aga-aga pin. Nanghihingi ka naman ng pera?! " sabi ni pepay habang nakaharap iyon sa kalan.

Umuling akong lumapit sa kanila. "Eh, ate naman kailangan ko nga pambayad sa skwela." Patuloy parin itong si pin sa pangungulit kay pepay.

Humarap si pepay sa kapatid at tinutok ang sandok dito. "Pambayad sa eskwela o pang dota?" Nako pano nagdodota yan eh malayo ang bayan dito sa amin.

Huwag mong sabihin na dadayo Pa yan sa bayan para lang kapag kompyuter! "Nako pepay wag mong bigyan. Baka pambabae nya lang iyan." Pakikisawsaw ko sa kanila.

Nagulat silang tumingin sakin. "O gising kana pala." Sambit ni pepay. "Paano ako di magigisung eh ang lakas ng boses nyong magkapatid?! Magkaharap lang naman kau pero parang nasa kabilang isla ang kausap nyo!" I said.

I pull the chair and sit there. Wala ni isa kanila ang nagsalita. Halip ay hinila ni pepay ang tenga ng kapatid palabas ng aking bahay. Uminom ako ng gatas na nakahain sa mesa alam ko namang para sakin iyon dahil. Ako lang naman ang bumuli ng gatas sa bayan kahapon.

Pumasok si pepay sa loob ng bahay tila pagod ang itsura. "Nagpuyat kaba kagabi? Bakit parang busog na busog ang eyebags mo?!" Ani ko.

Ngumisi ito at parang may naalalang ginawa kagabi. "Teh, di lang eyebags ko ang punong-puno pati si pinky ay punong-puno." Niyakap nya Pa ang sandok at isinayaw iyon. Parang kinikilig Pa ang bruha.

Nakipag s*x naman ito.

Binato ko sya ng kutsara para tumigil na sa pag-daday dream. Sinamaan nya ako ng tingin ng matamaan ang kanyang malusog na dibdib. Tusukin ko kayan ng karayom para pumutok.

Napagpasyahan Kong lumabas ng bahay para naman maarawan ako.. Paglabas ko ay sumalubong agad sa Akin ang napakasarap ng simoy ng hangin. Nagtungo ako sa duyan sa ilalim ng dalawang puno ng niyog at humiga doon. Matatanaw mula rito ang masasayang tao na naglalangoy sa dagat, marami talaga ang mga turistang dumasayo rito. Hindi naman makakaila ang gandang meron dito sa Palawan bukod sa magagandang dagat o falls ay marami rin ang masasarap na pagkain ang pwedeng tikman dito.

Idinuduyan ako ng hangin di naman gaano kalakas ay ayos na. Magpapasko pero di ko man lang makakasama sila mama, papa at kuya. Ito ung unang pasko na di ko sila kasama, ayos lang naman pero iba pa rin kung kasama ang pamilya sa pasko.

Eh sya?! Masaya na Kaya sila?..

Di ko maiwasan na isipin si argel. Sana maging masaya sya sa taong mahal at pinili nya. Sana pag-nagkaroon sila ng baby ay mahalin nya, kahit di man lang maramdaman ng anak ko ang pagmamahal ng kanyang ama.

What if one day he/she ask me.. That we never been with his/her father. Ngayon palang ay nasasaktan na ako para sa anak ko.

Hinaplos ko ang aking tyan. Wag kang mag-alala mamahalin ka ni mommy higit Pa sa pagmamahal na binibigay ng magulang sa kanyang anak.

Pumikit ako para damhin ang magandang panahon ngayon araw. Di ko alam kung ilang oras ako doon basta na gising nalang ako sa ingay ni pepay at ng kasusap nya di kalayuan sa pwesto ko. Kaya naman ay bumangon na ako at pumasok na sa loob ng bahay dahil palubog na ang araw.



MY POSSESSIVE BILLIONAIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon