Chapter 1

3.7K 56 2
                                    

Chapter 1

Maaga akong nagising at kailangan ko ng pumasok. Unang araw na naman ng pasukan huling taon sa college. Excited makikita ko na naman ang manliligaw kong crush ko.

Kaso mayaman. Bigla akong nalungkot. "Hay" bigla ko na lang buntong hininga ng biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si mama.

"Lex asan ka na?" Biglang tanong ni mama pagkasagot ko.
"Andito pa po sa bahay." Sagot ko.

"Ikaw na bata ka fourth year college ka na, pero ang kilos mo pang elementary. Bilisan mo na unang araw sa eskwela late ka." Bulyaw na naman sa akin ni mama.

"Opo, ma' paalis na. Bye na po. Love you ma'. " Bigla ko na lang binaba ang tawag ni mama at hindi na naman ako titigilan ni mama sa sermon n'ya sobrang aga. Nangiti na lang ako, "mahal na mahal talaga ako ni mama." Biglang sambit ko sabay ngiti.

Habang naglalakad nakita ko na naman ang first love ko. Si Luke Monteverde, bigla na lang akong natulala ng makita s'ya, sabay tawag n'ya.

" Lex!" Sambit n'ya. Nagulat pa ako sa pag tawag n'ya. 'Napansin kaya n'yang tulala ako?'
"Nakakahiya." Sabi ng isip ko. Nang bigla n'ya akong lapitan.

"Lex, sabay na tayo." Sambit n'ya.
"A..ah sige" bilang sagot ko na lang. Habang naglalakad bigla s'yang nagsalita.

"Hmm... Lex hindi naman sa minamadali kita. Isang taon na lang graduate na tayo. Gusto ko lang malaman kung may pag-asa ba ako sayo?" Hindi ako nakapagsalita.

Natigilan ako sa sinabi n'ya. Gustong-gusto kong sabihin na sige na nga tayo na.

Kaso nakakatakot naman na magmahal ng mayaman. Ang mayayaman kasi mapaglaro, baka mamaya hamakin lang ako ng pamilya n'ya, alam ko namang mahirap lang kami.

Nakapag-aral lang naman ako dito gawa ng scholarship. Bigla na lang akong napabuntong hininga.

"Lex." Bigla ulit tawag n'ya. "May problema ba?" Tanung n'ya.

" Ah... eh...wala naman" nagulat ako sa tanong niyang iyon.

"Tulala ka kasi, ang lalim ng iniisip mo. Hindi kita minamadali, sa sagot mo. Maghihintay ako." Sambit n'ya.

Nginitian ko na lang s'ya ng may humawak sa kamay ko.

"Lex, sabay na tayo sa pagpasok malalate na tayo." Nagulat ako sa paghawak n'ya.

"Oh Harold ikaw pala." Sambit ko.

"Hi Luke, ikaw pala. Sama ko na si Lex ha, medyo late na talaga kami. Mauna na kami sayo." Sabi ni Harold sabay hila sa kamay ko. Hind na nakapagsalita si Luke at umalis na kami.

Si Harold nga pala ang bestfriend ko. Sobrang gwapo at agaw pansin din sa school. The worst thing is lalaki din type n'ya.

Pero ako lang nakakaalam. Sa school isa s'ya sa pinagkakaguluhan at pinag-aagawan at tinitilian ng mga babae.

Pero pag kami lang dalawa, aba ay naiilabas ang tunay na s'ya. Kaya love ko itong bestfriend ko na ito eh. Hindi n'ya ako pinapabayaan ang kung makapag-alaga daig pang boyfriend ko, na gusto ko naman.

My First Love Is My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon