Chapter 8

1.3K 46 2
                                    

Chapter 8

Luke

6 years na rin buhat nung umalis ako ng Pilipinas, at sumama sa mga magulang ko, sa ibang bansa. Wala na rin naman akong nagawa at matagal na nilang plano yon.

Pagka graduate ng college sasama ako sa ibang bansa, para pag-aralan ang pagpapatakbo ng kanilang kumpanya, ako rin naman daw ang mamamahala nun pagdating ng araw.

Ang masakit lang, umalis akong napakabigat ng nararamdaman ko. Hindi ko man lang nakuha ang puso, ng babaeng minamahal ko. Kalalaki kong tao, kinikilig ako pagnakikita s'ya, pag naririnig ko ang boses n'ya, pagnakikita ko s'yang tumatawa, ang cute kaya n'ya, pati mata kasama pagtawa.

Para sa akin sobrang ganda n'ya, napakasimple. Hindi marunong sa kung anu-anong nilalagay sa mukha, natural na ganda, pero sobrang lakas ng dating. Nakakalungkot lang, nararamdaman ko naman pag nakakausap ko s'ya noon may nararamdaman s'ya sa akin.

Pero bakit hindi n'ya ako sinagot? Nalaman ko na lang nung nagkausap kami nung graduation may boyfriend na s'ya, si Harold Perez.

Hindi ko naman masasabing hindi sila bagay, pero mas bagay kami ni Lexa Gonzales. Ewan ko ba kung anong nagustuhan ng baby ko sa Harold na yon.

Kung may chance pa ako ulit para sa kanya, gagawin ko ang lahat para makasama s'ya, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Ang daming babae sa ibang bansa, pero ang puso ko naiwan sa Pilipinas, walang pinanghahawakan, walang kasiguraduhan.

Kumusta na kaya, s'ya? Kailangan ko ng gumawa ng hakbang para mahanap s'ya. Uunahin ko lang ang mga kailangan ng kumpanya.

Hahanapin kita Lexa, at patutunayan kong, tapat ang puso ko sayo, simula pa lang ng makita ka. Nakakalungkot lang ang mga naririnig kong balita nun, na ayaw n'yang magmahal ng may kaya sa buhay, eh wala naman akong kaya sa buhay, magulang ko, mayaman pero hindi ako. Pero hahanapin kita, pangako.

Patutunayan kong, pagnagmahal ang isang Monteverde, tapat at totoo. Sana hindi pa ako huli, sana may pag-asa pa para patunayan ko sayo ang nararamdaman ko, kahit iba ang unang minahal mo.

Lex

Nagmamadali ako, unang araw sa trabaho, matapos kung ayusin at asikasuhin si baby Kate, iiwan ko muna s'ya kay Harold, s'ya na daw ang bahala, total napakabait ni baby Kate at hindi mahirap alagaan.

"Baby, alis na si mommy ha, para din naman sa atin itong pagtatrabaho ko, dito ka muna kay papa Harold ha, wag kang makulit, magbabait ka baby ko." Sabay yakap at halik ko sakanya.

"Opo, mommy." Nakangiti n'yang sagot habang nakayakap pa sa akin. "Oh sya, alis na at baka malate ka pa, ay unang araw lang sa trabaho, parang nung college lang, first day, pero pareho tayong late." Sambit ni Harold, habang tumatawa.

"Sige na, bye na. Ikaw na bahala kay baby Kate ha." Paalam ko pa. "Sige na. Bye Mrs. Monteverde. Ingat." Tudyo pa nya. Tiningnan ko si Harold ng masama.

"Pinagsasasabi mo!" Sigaw ko pa kay Harold.

"Wala naman, di ba may M." Sabay tawa ng malakas. Natawa na lang ako sa bestfriend ko na yon bago tuluyang umalis, papasok sa trabaho.

Pag dating ko sa kompanya, madali naman akong nakapasok, binigyan na nila ako ng temporary i.d. pagdating ko ng information, pinapunta na lang nila ako ng 25th floor at dun daw ang opisina ng boss nila, may mag aassist na rin daw sa akin doon.

May magtuturo ng mga dapat kung gawin. Kung baga may training pero ilang araw lang at hiniram lang yong matuturo sa kompanya sa ibang bansa, kaya kailangan kong pagbutihan ang trabaho ko.

Isang linggo na ang nakakalipas ok naman ang trabaho, wala pa rin ang boss nila na boss ko na rin syempre, na delay daw kasi ng one week ang uwi at nagkaroon ng problema sa ibang bansa.

Tapos na rin ang training ko. Libot ko na ang buong kompanya. Alam ko na ang pasikot sikot, kaya ko na sa madaling salita.

Malalipas ang isang linggo dumating na ang CEO ng kumpanya, medyo kinakabahan unang sabak ko sa tunay na trabaho at hindi na training, hindi ko pa s'ya nakikita, gaano kayang katanda ang boss nila sa isip-isip ko. Sana naman hindi masungit, sana matagalan ko ang pagtatrabaho.

Bigla akong napabuntong hininga. Ano ba itong mga iniisip ko, trabaho ang ipinunta ko, para sa baby Kate ko, hindi para kabahan at mag-isip ng kung anu-ano.

Nasa loob na ng opisina si CEO, tinawag ako ng babae para magpakilala, kumatok s'ya ng tatlong beses, bago binuksan ang pinto.

"Sir, andito na po ang bago n'yong sekretarya." Sambit nya, bago ako pinapasok at tuluyan na akong iniwan kaharap ang boss nila. Hindi s'ya nag-aangat ng ulo at seryosong nakatitig sa harap ng laptop n'ya.

Ang kamay n'ya ay nakaharang sa harap ng mukha n'ya. Sa itsura ng kamay n'ya hindi ito matanda, halos kasing edad lang n'ya. "Sobrang batang CEO, naman nito." Sambit ko sa isipan ko.

Tumikhim ako para mabasag ang katahimikan, hindi ko alam kung paano magpapakilala, kung paano ko malalaman kung sino ang boss ko. "Maupo ka." Unang pasabi n'ya, kinabahan akong lumapit at naupo, pero may naalala ko sa boses na yon, pero hindi pa rin s'ya nag-aangat ng mukha.

"Sir." Pambasag ko sa katahimikan.

"Lexa Gonzales po, ang Secretary n'yo." Kinakabahang pagpapakilala ko. Nakatungo ako, at ramdam ko ang pag-angat ng ulo n'ya.

Ramdam ko ang pagkagulat n'ya. Pero hindi pa rin ako nagsasalita, baka unang meeting pa lang namin tangalin na ako sa sobrang kaba ko.

Nakita kong tumayo s'ya at naglahad s'ya ng kamay kahit medyo nakatungo pa ako.

"Luke Monteverde." Pakilala n'ya. Bigla akong napatunghay at tinitigan s'ya. Natulala ako ng ilang saglit at hindi ko makuhang magsalita, nakalahad pa rin ang kamay n'ya, ng bigla s'yang magsalita.

"Ms. Gonzales, nakakangalay kayang makipagkamay." At bigla s'yang ngumiti.

"Sorry, Sir." Bigla ko na lang hinawakan ang kamay n'ya,  at nakipagkamay.

"Nice meeting you Ms. Gonzales, pwede ka ng makalabas, alam mo na naman ang pwesto mo. Tatawagin na lang kita pag may kailangan ako.

Paki ayos na rin ng mga schedule ko, at welcome sa team." Seryoso, pero maayos n'yang pagkakasabi at ngumiti. Lumabas na ako ng opisinang yon.

Halos hindi ko maihakbang ang mga paa, ko. Bakit sa dinami dami ng magiging boss ko si Luke talaga. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, masaya akong makita s'ya, pero hindi ko akalaing boss ko pa.

My First Love Is My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon