Chapter 14
Lex
Dito ko na rin muna pinatulog si Harold kaysa mag byahe, ulit. Maaga akong nagising, pinabantayan ko muna si baby Kate kay Harold para makapunta ng palengke at makapamili ng mga kakailanganin namin, maagap pa rin naman akong nakauwi ng bahay para makapagluto ng almusal.
Nang bigla akong nakaramdam ng hilo, na halos magdilim ang paningin ko. Bigla akong nahawakan ni Harold kaya hindi ako tuluyang natumba.
"Best, anong nangyari sayo? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Namumutla ka pa?" Sunod-sunod na tanung ni Harold na may halong pag-aalala.
Hindi ko din naman alam kung anong nangyayari sa akin, ng bigla na lang akong makaramdam na gusto kong masuka.
Tumakbo agad ako sa C.R., inisip ko na lang na baka may nakain akong hindi maganda kahapon.
"Best, ano na? Dalhin na kaya kita sa ospital, parang hindi din naman ako makakapayag na umalis ngayon at iiwan kitang si baby Kate lang ang kasama mo. Tapos putlang putla ka pa ngayon, at nagsu.......su.......ka?"
Pahina ng pahina ang boses n'ya habang sinasabi iyon. Hindi pa rin ako makapagsalita at parang pagod na pagod ako.
Si Harold na rin ang nagtuloy ng niluluto ko, at latang lata pa rin ang pakiramdam ko, ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag si Luke, bigla akong nagulat, gusto kung sagutin na ayaw ko, kaya nga ako bumalik ng probinsya eh. Hinayaan ko na lang sa isip-isip ko mananawa din yon sa katatawag.
Kinukulit pa rin ako ni Harold magpa check up, hindi daw s'ya uuwi hanggat hindi nalalaman kung ano ang nararamdaman ko kaya pumayag na rin ako.
Sa ospital, madaming pasyente kaya naghintay pa kami ng mga isang oras, sinabi ko ang lahat ng naramdaman ko kaninang umaga, tapos ay kinuhanan ng iba't ibang test.
Makalipas ang ilan pang minuto, bumalik ang doktor na napakaganda ng ngiti, nakahinga kami ng maluwag ni Harold sapagkat sa ngiti ng doktor, malamang wala naman akong malubhang sakit.
"Doktora, wala naman po siguro akong malubhang sakit di po ba?" Medyo may kaunti pa ring kaba at hindi ko pa rin naman talaga alam ang resulta. Ngumiti ulit s'ya ng matamis saka nagsalita, "Ms. Gonzales wala kang malubhang sakit, your pregnant. 4weeks na ang baby mo. Need mo ng palagiang check up para mas maalagaan ang katawan mo at si baby."
Mahabang sabi ni doktora. Nagkatinginan kami ni Harold, halatang gulat na gulat, kahit naman ako nagulat din, pero sa isip isip ko, isang beses lang nangyari yon, bakit ganito kaagad, paano ko sasabihin kay Luke, kung alam ko namang may girlfriend nga s'ya kaya nga ako umuwi, tapos ngayon ito naman.
Hindi ako tinanong ni Harold, s'ya na ang nakipag usap sa doktor para daw sa maiirecommend na OB-Gyne, para daw mabigyan ako ng mga vitamins. Hanggang sa makauwi kami ng bahay, lutang pa rin ang isip ko? Anong gagawin ko?
Hindi ko naman masisisi ang bata sa sinapupunan ko, ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito, hindi ko talaga alam kung bakit ganun ang naging epekto ng alak sa akin, kung bakit ko yon ginawa, pero hindi ko naman pinagsisihan ang pangyayari na iyon.
Iniisip ko na lang si baby Kate Liam at itong magiging anak ko. Nakatingin lang sa akin si Harold, pakiramdam ko gusto n'yang magtanung, pero sa titig n'ya mas gusto n'ya akong magkwento. Ako na rin ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.
"Si Luke, ang ama. Nung gabi ng party sa company noon nangyari." Yon lang ang sinabi ko, pero gets na n'ya ang buong pangyayari.
"So, anong balak mo?" Tanong n'ya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko din kasi alam. Wala akong plano sa ngayon.
Luke
Nung oras na hinila na ako ni Jenny papalayo kay Lex, naramdaman kong umiiyak s'ya hindi s'ya nagsalita pero ramdam ko, nakita ko ang paggalaw ng kanyang mga balikat, pero hindi ko naman magawang ipahiya si Jenny.
Girlfriend ko si Jenny, pero dati yon. Itinuon ko ang oras pagmamahal, at panahon ko kay Jenny para makalimot kay Lex habang nasa ibang bansa, pero ng naging usapan na ang kasal.
Dun lang ako natauhan na hindi ko pala talaga mahal si Jenny at si Lex pa rin. Pabalik na ako ng Pilipinas para sa bagong tayo kung kompanya pero di agad natuloy ang uwi ko.
Nalaman kong gustong bilhin ng pamilya ni Jenny sa stock ng mga shareholders ng kompanya ng daddy, kaya mas inuna ko munang isipin at ang pamilya ko bago umuwi.
Naayos ko din naman makalipas ng isang linggo, kaya umuwi na ako. Hindi ko alam na susundan pa n'ya ako dito. Alam n'yang girlfriend ko si Lex, pinapasundan pala n'ya ako mula ng umuwi ako dito. Kaya pala ganun na lang ang mga sinabi n'ya sa harap ni Lex.
Hindi ako nakapagsalita, para ipagtanggol si Lex sa kanya, kasi sabi ny'a buntis s'ya at ipapalaglag n'ya ang bata kung hindi ko iiwan si Lex. Naiipit ako sa sitwasyon.
Mahal ko si Lex pero ayaw kong may mawala ng dahil sa kagaguhan ko. Kasalanan ko din naman, lasing ako nong gabing sabi ni Jenny may nangyari sa amin. Pero wala akong maalala. Nakita ko na lang kinaumagahan na magkatabi kami, at walang saplot.
Pero wala talaga akong maalala na nangyari yon, na may nangyari ng panahon na yon. 3 months pregnant si Jenny pero hindi mahahalata sa katawan. Pero si Lex, anong gagawin ko para kay Lex gulong gulo ako.
Pinuntahan ko si Lex sa bahay ni Harold, pero kahit si Harold wala din, nasa isip ko umalis s'ya at umuwi sa probinsya, paano ko pa matutupad ang mga pangako ko sakanya, kung pati ako isang kasinungalingan na rin para kay Lex ko.
Sinungaling ako para sa kanya, pero hindi ko alam kung paano, dahil wala akong maalala na namagitan sa amin ni Jenny dun sa panahong sinasabi n'ya.
BINABASA MO ANG
My First Love Is My Secretary
RomanceIt's been 6 years buhat nung huli ko syang makita. Ako nga pala si Lexa Gonzales 29 na ako ngayon. Graduation ng college, dapat masaya pero nalungkot ako. Crush ko sya since first day of school. Gwapo matangkad moreno at masasabing pang modelo artis...