Chapter 2
Luke
"Ano kayang dapat kung gawin, para mapasagot ko si Lex." Sabay ng pagbuntong hininga.
"Hindi naman siguro ako mukhang manloloko, pati sa totoo, seryoso naman talaga ako sakanya.
Matagal ko na rin s'yang sinusuyo kaso palaging nakaaligid itong si Harold. Sa alam ko bestfriend lang sila, pero kung makadikit, parang... basta ewan.
Ayaw kung isipin kasi mahal ko talaga si Lex. Unang beses ko pa lang s'yang nakita tumibok na ang puso ko, hindi ko maipaliwanag pero kakaiba, na para bang humihinto ang mundo ko pag nakikita s'ya.
Kalalaki kong tao pero kinikilig ako pag nakikita s'ya. Pero hindi ko masyadong ipinahahalata pag nakikita s'ya nahihiya pa rin ako. Hindi ako titigil, hanggat hindi s'ya nagiging akin. Akin lang s'ya. Akin lang si Lexa Gonzales. Mahal ko s'ya."Yan na lang ang panghahawakan ko. Pangako ko sa sarili ko. Nangingiti lang talaga akong mag-isa pag naiisip ko ang babaeng mahal ko.
"Lex." Tawag sa akin ni Luke.
"Oh bakit?" Bilang tugon ko.
"Ano kasi." Sabay kamot n'ya sa ulo. "Ano ba yon?" Kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata."Lex." Seryosong sabi n'ya. Napatitig na lang ako sakanya.
"Hindi naman sa minamadali kita, kaya lang graduation na bukas, gusto kong malaman ko ang sagot mo sa panliligaw ko sa'yo. Gusto kong malaman kong mahal mo din ba ako? At totoo ako sa nararamdaman ko sayo, walang halong biro, walang halong bola. Mahal kita Lexa Gonzales" natulala ako sa sinabi n'ya, hawak nya ang kamay ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Hindi ako nakasagot, walang lumabas sa bibig ko ni isang salita. Tumahimik ang paligid at parang tumigil ang aking mundo. Masaya ako sa narinig ko, mahal ko s'ya, yon ang sinasabi ng puso ko. Pero ang utak ko tumatanggi. Natatakot pa rin akong magmahal. Lalo na at alam ko ang katayuan namin sa buhay. Malayo, malayong-malayo.
" Lex" basag ni Luke sa katahimikan.
" Hihintayin ko ang sagot mo, mahal na mahal kita." Ngumiti lang s'ya at iniwan na ako. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mga mata, mga mata ng tunay na nagmamahal, pero may kirot pa rin sa puso ko.
"Paano kong pinaglalaruan lang n'ya ako, paano kong hindi s'ya totoo at sasaktan lang din n'ya ako. Lahat na lang may kaba may takot, handa na ba akong magmahal ulit. Handa na ba akong sumugal?"
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa langit. "Kaya ko na ba?"
BINABASA MO ANG
My First Love Is My Secretary
Storie d'amoreIt's been 6 years buhat nung huli ko syang makita. Ako nga pala si Lexa Gonzales 29 na ako ngayon. Graduation ng college, dapat masaya pero nalungkot ako. Crush ko sya since first day of school. Gwapo matangkad moreno at masasabing pang modelo artis...