Chapter 12
Dumating na ang welcome party ng company, nakapagpaalam naman ako ng maayos kay, Harold, s'ya na lang daw ang mag-aalaga kay baby Kate.
"Best ingat ka sa party, ako na ang bahala kay baby Kate. Enjoy mo lang ang party, kasama si papa Luke." Pang-aasar pa n'ya.
"Oo na, salamat ha." Sagot ko pa. "Asus, ay namumula na, alam kong kinikilig ka sa itsura mo na iyan, s'ya ingat ka baka mamaya magbago pa ang isip sa pag-aalaga kay baby Kate" asar pa n'ya.
Sumakay ako ng taxi at, pumunta hotel na pagdadausan ng party, maingay may sayawan madaming alak, pagkain at kung anu-ano pa.
Umupo ako sa table, kasama ng mga kasama ko sa department, nahihiya ako first time ko sa ganito. Pero enjoy lang, mababait naman ang kasama ko.
"Lex, shot ka oh." Sabi ni Ara kasama ko sa table. "Pass na lang, hindi kasi ako umiinon." Sagot ko na lang.
"Wag kang kj, tayo tayo lang dito, minsan lang pati." Tudyo pa ni May. Kung tutuusin sa table namin ni isa walang lalaki puro babae lang kami, kaya sinubukan kung inumin ang alak, first time kung uminom.
29 na ako pero ngayon lang ako nakatikim ng alak. Masaya silang kawentuhan. May ibang sumasayaw, pero hindi nawawala ang kwento ng bawat isa, ang mga pangarap nila kaya dun sila nagtrabaho sa kumpanya at pinalad na matanggap.
Habang lumalalim ang gabi, nakakaramdam ako ng pagkahilo. Ilang shot pa lang yon pero ang pakiramdam ko malalasing na ako. Siguro mga 4 hanggang 5 pa lang yon pero kakaiba ang nararamdaman ko, nagiinit ang pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag, gusto kong alisin lahat ng damit ko, pero hindi ko naman pwedeng hubadin dito, nagpaalam akong pupunta ng C.R. pero sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko. Nag-iinit na talaga ang pakiramdam ko.
"Sweetie, anong nangyari? Namumula ka ng sobra? Anong nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong sa akin Luke.
"Luke hindi ko alam, pinainum lang nila ako ng alak 4 o 5 beses lang akong uminom pero nakaramdam ako ng pagkahilo, sobrang init ng pakiramdam ko, gusto kong alisin ang damit ko."
Pagkatapos ng sasabihin ko. Bigla na lang n'ya akong binuhat at dinala sa kwarto n'ya sa hotel.
Ramdam ko ang kaba sa dibdib n'ya, habang buhat buhat ako dahil nakapatong ang ulo ko sa dibdib n'ya.
Pero lalo lang din akong kinakabahan bakit ganun ang nararamdaman ko. Pagpasok namin ng kwarto n'ya, hiniga n'ya ako sa kama, pero bago pa s'ya nakatayo, hinawakan ko na si Luke at hinalikan, nagulat s'ya sa ginawa ko, pero nagulat lang din ako sa ginawa ko sa kanya, hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Nagtataka man ako pero gusto kong ipaubaya ang sarili sa lalaking mahal ko. Sa bawat halik n'ya, sa bawat haplos n'ya lalo lang akong nalalasing, hindi ko alam kung tama, pero ang nararamdaman ko ngayong oras na ito, sinasabing walang mali sa ginagawa ko. Inalis n'ya ang suot kung damit, at nagpaubaya lang sa lahat ng gusto n'ya, masaya ako at walang pagsisisi, hanggang sa alisin na rin n'ya ang mga damit n'ya, ramdam kong nag-aalangan s'ya kahit naman ako, pero ako ang bumasag sa katahimikan at sinabi kong ituloy n'ya lang.
Natigilan s'ya. Bigla na lang akong umungol at alam kong ramdam n'ya ang nararamdaman kong sakit. "First time mo. Ako ang nauna sayo? Pero paano?" Tanong n'ya na may pagtataka.
Pero hindi na ako nakasagot at tuluyan ng ipinaubaya ang aking sarili. Hanggang sa wala na akong maalala.
Kinaumagahan, nagising akong masakit ang katawan, bigla akong namulat, hindi ko kilala ang kwartong kung nasaan ako. Napahaplos ako sa aking ulo at patuloy na inaalala ang mga nangyari.
Masakit ang katawan ko at walang saplot sa katawan. "Asan, ba ako? Ano bang kalokohan ang ginawa ko kagabi? Bakit wala akong maalala?"
Sabay sabunot ko sa buhok ko. Isang tikhim ang nagpaikdad sa akin. Napatitig ako sakanya.
"Luke, anong ginagawa ko dito, anong nangyari?" Bigla kong tanong habang naramdaman ko ang pagitan ng aking mga hita.
"Wala ka ba talagang natatandaan sweetie? Hindi ko alam kung matutuwa ka o magagalit ka, pero ang nangyari sa atin kagabi, hindi ko pinagsisisihan, handa akong panagutan ka, mahal na mahal kita Lex."
Sambit n'ya habang seryosong nakatingin sa mata ko. "Di alam mo ng..." nahihiya akong sabihin, pero s'ya ang nagtuloy.
" Oo, alam kong ako ang unang beses mo, pero sino si Kate?" May pagtatakang tanung n'ya.
"Pamangkin ko si baby Kate, nawala ang mama n'ya, habang ipinapanganak s'ya, si kuya naman nung araw ding yon, binawian ng buhay gawa ng isang aksidente. Kami na lang ni baby Kate ang magkasama sa buhay, iniwan na rin kami ng mga magulang ko, after graduation, habang pauwi sa probinsya, naaksidente ang sinasakyan namin."
Malungkot kong kwento sa kanya, habang umiiyak. Nilapitan n'ya ako at niyakap. Hindi s'ya makapaniwala sa lahat ng nangyari sa buhay ko.
"Lex, tahan na andito lang ako, hindi kita pababayaan, pangako." Masuyo n'ya akong kinakalma, ng mapansin kung magtaas s'ya ng kilay, na parang may gustong itanong. "Bakit?" Nasambit ko lang bigla.
" Di ba? Si Harold ang nag-aalaga kay baby Kate, ano mo Harold, kung ngayon sa kanya ka pa rin nakatira?" Tanung n'ya na may halong pagtataka.
"Si Harold, bestfriend ko talaga, s'ya ang kumupkop sa akin buhat ng mawala ang aking pamilya. Masaya akong nakilala ko si Harold."
Nakatingin sa akin si Luke, habang parang may gusto pang malaman pero hindi nagtatanung. Ako na rin ang sumagot kahit wala namang tanung.
"Hindi ko naging boyfriend si Harold, lalaki din ang gusto n'ya, may dahilan ako nung mga panahong yon kaya ko nasabi sayo, na boyfriend ko s'ya. Patawad."
Nayuko na lang ako sa sinabi ko, yon naman kasi talaga ang totoo, at siniil n'ya lang lalo ako ng halik.
"Pangako, ngayong akin ka na, hinding hindi kita pababayaan at hindi ka na mag-iisa. Mahal na mahal kita." Mahigpit akong niyakap ni Luke, at sa pagkakataon na yon, nawala na ang takot sa puso ko, tungkol sa tapat at tunay na pagmamahal.
BINABASA MO ANG
My First Love Is My Secretary
RomanceIt's been 6 years buhat nung huli ko syang makita. Ako nga pala si Lexa Gonzales 29 na ako ngayon. Graduation ng college, dapat masaya pero nalungkot ako. Crush ko sya since first day of school. Gwapo matangkad moreno at masasabing pang modelo artis...