Chapter 3

1.5K 48 3
                                    

Chapter 3

Lex

Lumuwas sina mama at papa galing probinsya para sa aking pagtatapos. Sobrang saya ko at natupad ko ang pangarap nila sa akin, ang makapagtapos ng pag-aaral.

Hindi na sumama si  kuya. May kapatid nga pala akong lalaki, ang kuya kong pitong taon ang tanda sakanya. Si kuya Liam, napakabait n'ya sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal n'ya, ako daw kasi ang little princess n'ya eh. Mayroong girlfriend si kuya Liam, si ate Kate.

Tulad ni kuya mahal din ako ni ate Kate. Hindi ko mapapagkaila na bagay na bagay sila. Sabi sa akin ni kuya dapat daw makapagtapos ako ng pag-aaral, at tatlong taon daw pagka graduate ko, pakakasalan na n'ya si ate Kate.

Na lalo ko namang ikinatuwa, gustong gusto ko na kayang magkaroon ng pamangkin sa kanila. Ayaw pa lang ni kuya ngayon, gusto daw n'yang maging maayos, ang katayuan namin sa buhay. Dahil galing kami sa hirap at si kuya ang nagpapaaral sa akin.

Gusto n'yang makapag-ipon daw muna bago n'ya pakasalan si ate Kate, at ako magkaroon din ng magandang trabaho para naman makatulong kina mama at papa, na sa tingin ko, wala namang problema don. At ang inaalala lang naman talaga ni kuya ay ang kalagayan namin sa buhay.

Graduation day, masayang masaya ang lahat, kahit naman ako sobrang saya, hindi nga ako nakatulog kagabi sa sobrang excited ko, pero nalulungkot din ako. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ang sinabi sa akin ni Luke. Susugal ba ako? Pero natatakot talaga ako, paano kung masaktan na naman ako.

"Lex, tito, tita." Sigaw na bati ni Harold. Sabay abot sa kamay ni mama at papa at nagmano. "Oh Harold kumusta ka na? Ka gwapong bata, siguro ay may kasintahan ka na ngayon ano?" Patudyong bati ni mama.

Agad namang namula itong bestfriend ko at bigla naubo. "Wala po tita, study first po tayo, tulad po ni Lex, pag-aaral po at paghahanap ng maganda trabaho ang priority namin nitong bestfriend ko."

Sabay akbay sa akin at pinagpawisan ng malapot. Nangiti naman ako bigla sa sinabi ni mama nagulat tuloy itong bestfriend ko. Kung alam lang nila, pareho kami ng type. Pero sa ngayon ako pa lang talaga ang nakakaalam ayaw pang lumadlad hanggat wala daw s'yang napapatunayan sa sarili n'ya.

Natapos na ang seremonya ng graduation. Masayang masaya ang lahat, lalo na kami ni Harold. Ito na ang simula para maabot namin ang aming mga pangarap. Sa di kalayuan nakita ko si Luke, napatitig s'ya sa akin.

"Harold sandali lang may kakausapin lang ako." Hindi ko na sya hinintay sumagot, at umalis na. Iniwan ko na lang muna s'ya kasama nina mama at papa.

Paglapit ko pa lang kay Luke, nakangiti na s'ya sa akin. "Lex, pwede ko na bang malaman ang sagot mo?" Nakangiting bati ni Luke. Nagdadalawang isip ako sa isasagot ko.

"Am" panimula ko. "Lex, magtiwala ka sa akin, hindi kita pababayaan, hindi kita sasaktan. Tapat ako sa nararamdaman ko sayo." Sambit n'ya. Hindi ako kaagad nakasagot, at bumuntong hininga.

Gusto kung omoo kaso natatakot. Natatakot baka hindi sya totoo. Pero hindi ko lang sya gusto, mahal ko sya.

Sa pag buka ng bibig ko bigla kung nakita ang best friend ko. Papalapit sya sa amin at nakangiti. Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang katagang,

" sorry Luke, may boyfriend na ako si Harold." Bigla syang yumuko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Masakit, sobrang sakit pero babawiin ko ba? Bigla akong inakbayan ni Harold

" beh, bakit bigla kang nawala hinahanap ka na nina tita at tito."

Tumalikod sya at hindi na nagsalita. Gusto ko syang habulin at sabihin ang tunay kung nararamdaman, pero nanghihina ako, bigla nlng tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Bumulong na lang ako sa hangin, "sana mahanap mo yong babaeng hindi duwag sumugal sa pagmamahal. Sana kung magkikita tayong muli masaya ka na, at hindi ko na makita yong mga matang parang dumurog sa puso mo."
Yun ang huli naming pagkikita.......

My First Love Is My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon