Chapter 5

1.4K 45 2
                                    

Chapter 5

Nagising ako mula sa pagkakatulog, maliwanag ang paligid, punong-puno ng mga ilaw. "Asan ako?"

Gulat akong sambit. Saka ko lang naalala sina mama at papa. Bigla akong napabangon, nahihilo pa rin ako. "Mama, Papa asan kayo? Anong nangyari? Asan kayo?" Sambit ko habang gumagaralgal ang boses ko.

"Lex," sabi ng lalaking nasa tabi ko. "Kuya? Anong nangyari? Asan sina mama at papa? Di ba magkakasama kami? Asan sila?" Tanong ko kay kuya habang naiiyak na ako.

"Lex, wala na sina mama at papa. Naaksidente ang sinasakyan n'yo, habang pauwi kayo. Hindi nakaiwas sa paparating na truck ang bus na sinasakyan n'yo." Paliwanag ni kuya habang yakap-yakap ako at umiiyak.

"Kuya, patawad kasalanan ko ang lahat, hindi ko man lang nailigtas sina mama at papa. Kuya, patawarin mo ako, sana ako na lang. Sana ako na lang." Tugon ko kay kuya habang umiiyak at humihingi ng tawad.Niyakap ako lalo ni kuya.

"Bunso wala kang kasalanan, hindi kita sinisisi sa nangyari, walang may kagustuhan sa nangyari, malungkot na wala na sina mama at papa. Pero ipinagpapasalamat kong andito ka kasama ko, kasama ni ate Kate mo."

Dun ko lang napansin si ate Kate na kanina pa rin pa lang umiiyak, batay sa itsura ng namumugto n'yang mga mata. Dun ko lang naramdaman ang pagkalma.

Apat na araw makalipas ang insidenteng iyon. Inihatid na namin sa huling hantungan sina mama at papa. Habang hindi ko mapigilan ang mga luha sa aking mga mata.

"Mama, Papa patawad. Hindi ko man lang kayo nabigyan ng magandang buhay, tulad ng mga plano natin, kasama si kuya at si ate Kate. Andya n'yo naman hindi n'yo man lang hinintay ikasal sina kuya, at makita ang mga magiging apo n'yo sa kanila."

Sinasabi ko sa hangin habang yakap-yakap ako ng bestfriend kong si Harold. Habang c kuya Liam ay yakap-yakap ni ate Kate at pinapakalma.

Ilang araw din ang inilagi ni Harold sa bahay. Nakalimutan ko saglit ang sakit na dulot ng pagkawala ng mga magulang namin. Bumalik na rin sa normal ang lahat.

Ang hindi lang ay ang pangungulila ko sa aking mga magulang, masakit ang nangyari pero kailangan kong maging matatag alam ko namang, hindi gusto nina mama at papa na magmukmok ako ng ganito.

Kailangan kong tibayan ang loob. Salamat na rin at andito itong bestfriend ko, at si ate Kate naman ay nagdesisyon ng dito na tumira kasama namin.

Lex

Ulila na si ate Kate wala naman s'yang malapit na kamag-anak. Nagtatrabaho lang s'ya malapit dito sa amin. Kaya nung nakita s'ya ni kuya Liam, hindi na tinantanan.

At yon napasagot din naman ang magandang ate ko. Malungkot man sa nangyari, nagkaroon ulit ng buhay ang bahay namin, buhat nang sabihin ni ate Kate na dito na s'ya titira.

Pinakiusapan namin s'ya ni kuya, dahil mahal n'ya ako, lalo na si kuya Liam, napapayag na namin s'ya. Umalis na rin si Harold at umuwi ng Maynila. Kinukuha s'ya ng tita n'ya na nasa ibang bansa para dun magtrabaho.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang taon na rin ang nakakaraan buhat ang nangyaring insidente. Hindi muna ako pinagtrabaho ni kuya, buhat ng makagraduate ako. Nalaman kasi naming nagdadalantao pala nun si ate Kate, kaya inalagaan ko muna si ate Kate.

Pero dahil mahina ang kapit ng bata, nagkaroon ng miscarriage si ate. Sobrang lungkot n'ya pati na rin si kuya. Pero makalipas laman ang isa pang taon. Nagdesisyon na silang magpakasal. Walang mapagsidlan ng tuwa si ate Kate at si kuya Liam. Matapos ang kasal.

Isang magandang balita ang natanggap namin ni kuya mula kay ate Kate. "Liam, Lex" sambit ni ate Kate na ngiting ngiti. Nagkatinginan kami ni kuya ng ipakita n'ya sa amin ang isang maliit na box. Regalo daw n'ya kay kuya ngayong kasal nila.

Dali daling binuksan ni kuya ang kahon, at biglang natulala, kasabay ng ngiting umabot pa hanggang tenga. "Kate, totoo ba ito?" May halong kaba at tuwa sa boses ni kuya.

Malaking ngiti ang isinagot ni ate Kate, at bigla na s'yang niyakap ni kuya Liam. Nakita ko ang laman ng kahon, isang pregnancy test na may dalawang pulang guhit. Nagdadalang tao si ate Kate. Bigla akong umiyak, at nagtinginan silang dalawa.

"Lex, bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya? Halos sabay pa nilang sambit. Umiling ako at sabay ko silang niyakap.

"Kuya, hindi na muna ako maghahanap ng trabaho, hindi naman ako gaanong pabigat, aalagaan ko ulit si ate, ayaw kong madagdagan pa ang lungkot n'yo noon. Ang pagkawala nina mama at papa, at ang sanggol na dapat kasa-kasama na natin ngayon. So please kuya, aalagaan ko din si ate Kate tulad ng pag- aalaga mo sakanya." Sambit ko sa kanilang dalawa habang umiiyak.

Biglang nagtawanan silang dalawa habang umiiyak. Napaisip ako, at nasabi ko na lang sa kanila, "may mali ba akong nasabi at nagawa?"

"Bunso," sagot ni kuya.

"wala kang nagawang mali at wala kang nagawang masama. Masaya kami kasi ganyan pala ang iniisip mo ng bigla kang umiyak, hindi namin akalain na sobrang laki ng epekto sayo ng mga nangyari. Masaya ako sa narinig ko na gusto mo kaming alagaan ng pamangkin mo, pero.." dagdag pang sagot ni ate Kate.

"Pero, ano ate?" Biglang tanung ko.

"Pero paano ang pangarap mo, ang tagal mo na ring nagkukulong dito sa bahay, paano mo matutupad ang pangarap mo kung ang unang pangarap mo makahanap ng trabaho?"

Nag-aalalang tugon ni ate Kate. "Ate, kuya, masaya akong makasama kayo, makakapaghintay ang trabaho. Sa ngayon ang gusto ko eh alagaan ko muna kayo at ng magiging anak n'yo ni kuya tulad ng hindi mo pag iwan sa amin nung mga panahon na kailangan namin ni kuya ng karamay."

Sagot ko na lang sa kanila. Niyakap nila ako at napuno ang bahay ng masasayang pangyayari ng araw na iyon.

My First Love Is My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon