Chapter 13
Hinatid ako ni Luke sa bahay ni Harold, nakita ko s'ya sa tabi ng pintuan ng parlor n'ya. Ramdam kong ako ang hinihintay n'ya.
Unang bumaba ng kotse n'ya si Luke, at pinagbukas ako ng pintuan, inalalayan n'ya akong makababa.
"Good morning, love birds." Bati ni Harold. Hindi pa ako nakakapagsalita, ng magsalita ulit s'ya. "Anong ganap? Bakit ang 11:00pm naging 7:00am?"
Tanung n'ya habang pinanliliitan ako ng mata. Ibinaling n'ya kay Luke ang tingin. "Good morning Luke."
Bati n'ya dito ng may matigas na boses. "Good morning Harold, ok lang wag kang mag-alala alam ko na." Balik na bati n'ya sabay ngiti kay Harold.
"Ano ba yan? Hirap na hirap akong magsalita, tapos ngayon, ah ok ang daldal ng bestfriend ko di ba?" Sabit n'ya na may malambot na boses at pumipilantik pa ang kamay.
"Pasok na kayo, may luto na akong pang umagahan, kain ka muna Luke bago ka umalis, tawagin ko na rin si baby Kate, sabay sabay na tayong kumain. Ayaw ni Kate kumain ng wala ang mommy n'ya." Mahaba n'yang litanya bago umalis at pinuntahan si baby Kate ko.
Masaya si Harold para sa akin, masaya din naman ako sa nararamdaman ko, napaka supportive n'yang bestfriend.
Basta hindi ako masasaktan, suportado n'ya lahat ng desisyon ko. Wala naman akong naging problema sa pagpasok ko sa trabaho, sa loob ng opisina boss ko Luke, secretary n'ya ako.
Pagkatapos ng trabaho, may oras s'ya sa akin pati kay baby Kate, minsan nagagawa pa n'ya kaming ipasyal. Wala na akong mahihiling pa, na sana hindi na matapos ang mga masasayang nangyayari sa buhay ko, para sa akin ito ay perpekto.
Habang nakaupo ako sa working table ko, at naghihintay ng utos ni Luke, narinig ko na lang ang usap-usapan na darating ang girlfriend ni Luke.
Nabigla ako, kasi di ba ako ang girlfriend n'ya pero hindi naman n'ya ako pinapakilala. Bigla na lang may nakita akong, napakagandang babae papasok sa opisina ni Luke, maputi, ang maganda n'yang mukha, ang mata n'ya ang matangos n'yang ilong, ang mapupula at manipis n'yang labi na lalo pang pinaangat ng make up sa kanyang mukha, ang balingkitinitan n'yang katawa, sabi nga perfect para sa suot n'yang body con dress na asul, at silver na high hills.
Para s'yang modelo o pinakamagandang babae na nakita ko. Natulala na lang ako sa pagdaan n'ya hindi n'ya ako tinapunan man lang ng tingin, pumasok na lang s'ya bigla sa opisina ni Luke. Hindi ko kilala.
"Sino s'ya? S'ya ba yong narinig ko usap-usapan na girlfriend n'ya" Tanung ko na lang sa aking sarili. Nanlamig ang puso ko, kung titingnan anong laban ko, napakaganda n'ya.
"Sana mali ako ng narinig. Sana." Bulong ko sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang pakay n'ya. Bigla na lang akong kinabahan, ng hindi ko alam ang dahilan.
Siguro gawa ng narinig ko. Wala naman akong naririnig sa pinag-uusapan nila sa loob gusto kong malaman, pero paano. Habang naghihintay ng paglabas nila, itinuon ko na lang ang oras ko sa pag-aayos ng mga file nagagamitin sa mga susunod na mga araw.
Inayos ko na lang din ang mga schedule, n'ya. Iniisip kong baka kaibigan lang n'ya o kakilala. Hindi ako mabilis magduda, may tiwala ako kay Luke.
Ilang saglit pa, naunang lumabas yong babae, napatingin lang ako sakanya, kasunod n'ya si Luke, pero walang reaksyon ang mukha, na parang naguguluhan, ng biglang hilahin s'ya nung babae at hinalikan sa labi. My heart froze, pati yata oras ko tumigil din.
Nabitawan kung bigla ang mga files na hawak ko at nakagawa ng ingay. Napatingin silang dalawa sa akin. Nilapitan nila ako, pero si Luke hindi nagsasalita,
"ikaw ba sekretarya ni Luke? Please cancel, all his schedule for today. His mine today." Mariin na sabi nung babae. Biglang nagsalita si Luke,
"Tumigil ka na Jenny!" Galit na sabi ni Luke. "Ano ba Luke! pinapahiya mo naman ako sa sekretarya mo, or baka naman, isa din s'ya sa mga babae na naikama mo?"
Galit pero may lambing na sabi nung Jenny sa pagkakarinig ko sa pangalang binanggit ni Luke.
"So, by the way, I'm Jenny, Luke's girlfriend, pero dapat kasal na kami eh, iniwan lang n'ya ako at umuwi dito."
Mahaba n'yang litanya. Pinipigilan kong umiyak sa harapan nila, pero pakiramdam ko kunting kunti na lang babagsak na ang mga luha ko.
"Stop it Jenny. Tumigil ka na!" Galit pero pigil na pagsasalita ni Luke. Nilapitan ako ni Luke, "swe..." bilang putol ko sa sasabihin n"ya.
"Sir, i cancel ko na lang po schedule n'yo today, i reschedule ko na lang po." Sagot ko na lang habang nakatungo para hindi n'ya makita ang ang mga namumuong luha sa mga mata ko.
"Good" sagot ni Jenny at tuluyan na n'yang hinatak si Luke papalayo.
Ilang minuto matapos kong alisin, ang mga luha ko, at mapakalma ang sarili ko, dali-dali na akong umalis na building na yon. Dumiretso ako sa bahay ni Harold.
"Ang aga mo ah, anong oras pa lang wala kang trabaho? Asan si Luke kasama mo? May date kayo?" Sunod-sunod na tanung ni Harold. Huminga ako ng malalim. Bago tuluyang magsalita,
"Best, ang tanga-tanga ko, bakit ba ako palaging naniniwala, may girlfriend naman pala s'ya, tapos pinaglalaruan lang pala n'ya ako, at pinaasa." Sinasabi ko kay Harold habang umiiyak. Niyakap n'ya ako.
"Wait, hindi ko masyadong maintindihan. Si Luke may girlfriend? Ikaw yon di ba?"
"Akala, ko din kasi ako lang, tapos nalaman ko kanina na may girlfriend s'yang iba, bago umuwi dito sa Pilipinas."
"Lex, ah ah naman eh, tahan na. Wag ka ng umiyak, andito lang naman ako pati si baby Kate. Hindi ko kayo pababayaan" pagpapatahan sa akin ni Harold.
Nung araw ding yon, bumalik na lang ako sa probinsya, kasama si baby Kate. Hinatid kami ni Harold. Dun na ulit kami tumuloy sa bahay namin, wala naman kaming matutuyan na iba.
Gabi na ng makarating sa bahay, nakakalungkot ang pagpasok pa lang sa bahay, walang sigla pero malinis naman, at pag may libre akong oras umuuwi ako dito noon para maglinis. Mabilis nakatulog si baby Kate, gawa na rin siguro sa pagod.
BINABASA MO ANG
My First Love Is My Secretary
RomanceIt's been 6 years buhat nung huli ko syang makita. Ako nga pala si Lexa Gonzales 29 na ako ngayon. Graduation ng college, dapat masaya pero nalungkot ako. Crush ko sya since first day of school. Gwapo matangkad moreno at masasabing pang modelo artis...