Chapter 9

1.3K 46 1
                                    

Chapter 9

Lex

Maayos ang unang araw ko sa trabaho, normal para sa akin, si Luke Monteverde na boss ko, at ako na empleyado n'ya. Hindi ko na nararamdaman ang dating Luke, na minamahal ako noon.

Baka tama lang ang ginawa ko noon, kailangan kong tatagan ang nararamdaman ko, nakakahiya naman, na may makapansin sa nararamdaman ko, na hindi naman nawala, mula noon, lalo na hanggang ngayon na nakita ko ulit s'ya.

Luke

Pagkalabas ni Lex ng opisina, hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Sa unang pagkakataon after six year, ngayon ko lang ulit naramdaman ang masiglang pagtibok ng puso ko.

Ang plano ko hahanapin ko s'ya, pupunta ako sa probinsya nila, pero andito s'ya sa harap ko, kasama ko bilang sekretarya ko.

Yong pakiramdam ko, na sobrang lungkot, biglang nagliwanag at nagkaroon ng sigla ang puso ko ng masilayan si Lex muli.

Sana hindi pa huli ang lahat, sana may pag-asa pa. Kung andyan na ang pag-asa, hindi ko na pakakawalan pa. Gagawin ko na ang lahat sa pagkakataong ito para maging akin s'ya. Ang aking si Lexa Gonzales.

"Kumusta, ang first day? Ang tunay na first day. Nakilala mo na ang boss mo di ba?" Bati agad ni Harold pagkauwi ko sa bahay.

Hindi ako kaagad nakasagot, hindi ko alam kung sasabihin ko ba na si Luke ang boss ko o hindi na lang. Pero magtatanung at magtatanung talaga itong bestfriend ko na ito eh.

"Ano na? Matanda? Bata? Gwapo? Mukhang gangster? Ano na beh? Sa tingin ko matanda, na mukhang may pagnanasa sayo, kaya hindi ka makapagsalita."mahaba n'yang litanya.

Humarap ako sa kanya at napatitig sa kanya, pero blangko ang mukha ko habang sumasagot.

"Hindi s'ya matanda, hindi din mukhang gangster, hindi din matanda na may pagnanasa."

"Ay ano ngang itsura n'ya?" Tanung n'ya ulit.

"Si Luke Monteverde ang boss ko, sekretarya n'ya ako." Walang buhay kung sagot sa kanya, pero ang puso ko sobrang kaba, dahil masaya akong makita ulit si Luke makalipas ang anim na taon.

Bigla sumigaw at tumili si Harold, at nagniningning ang mga mata na nagsasalita, "totoo? Si Luke mo ang boss mo? Ang liit naman ng mundo. Parang matutuloy na ang naudlot n'yong pagmamahalan. Di ba? Ang saya-saya." Walang preno n'yang sabi at bigla ko na lang s'yang binatukan.

"Aray! Masakit yon ha!" Singhal pa n'ya.

" ikaw kasi, kung ano ano ang mga pinagsasasabi mo, malay ba natin kung may girlfriend na yon, o baka may asawa na. Kaya hindi ako umaasa, pati masaya na ako sa baby Kate ko. Si baby Kate lang ay sapat na para sa akin." Mahaba kong paliwanag sakanya.

"Pero, kung saka sakali lang ha, paano kung manligaw s'ya ulit sayo, tapos seryoso naman talaga sayo? Anong gagawin mo?"

Tanung n'ya sa akin, pero hindi ako kaagad nakasagot, paano nga ba? Pero magkaiba talag kami.

"Malayo ang pagitan namin. Boss ko s'ya, ako empleyado n'ya. " yon na lang ang naisagot ko sa mga tanung n'ya. Hindi na rin naman s'ya nagtanung kasi alam na n'ya ang ibig kung sabihin.

Lex

High school ako nun, ng may magtangkang manligaw sa akin. Mabait s'ya, gwapo at mayaman, pero ayaw ko ng maalala ang pangalan n'ya. Halos araw-araw sinusuyo n'ya ako.

Naramdaman ko naman ang senseridad sa pagkatao n'ya, doon ko naramdaman na mahal ko na s'ya, pero bata pa ako noon kaya natatakot akong mag boyfriend.

Pero pinag-isipan kong mabuti, bago ko s'ya sagutin at sa tagal ng paghihintay n'ya sinagot ko rin s'ya. Ilang araw mula ng sinagot ko s'ya, sobrang saya ng nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag yong mga, pag-aalaga n'ya sa akin tuwing magkasama kami, kaya lalong tumibay ang pagmamahal ko sa kanya.

Nagpaalam s'ya sa akin na hindi n'ya ako masasamahan para research sa project namin, ok lang naman at madali lang naman yon, basta may mapapagkunan ako ng idea, kaya naisip kung pumunta ng library, sa isang classroom na madadaanan ko, bago makarating sa library nakita ko s'ya kasama ng mga kaibigan n'ya.

Narinig ko ang mga tawanan, kaya nangiti ako. Habang papalapit ako may isang nagsalita at tinanung ang boyfriend ko, bigla akong nagtago sa tapat ng saradong pintuan upang hindi nila ako makita.

"Pare, kumusta naman ang panliligaw mo kay Lexa, napasagot mo na ba?" Natigilan ako, bakit parang may kakaiba sa tanung na yon. " pare, ganito kasi yan, oo girlfriend ko na si Lexa, kaya yon.kaya ang mga pusta n'yo, akin na. Nahirapan din ako sa babae na yon, sobrang pakipot, sasagutin din naman pala ako, akala ko talaga matatalo na ako, isang taon din akong nagpakahirap ha."

Sagot n'ya sabay tawa ng malakas at nagtawanan silang lahat, bigla kong binuksan ang pintuan, at natigilan silang lahat, "manloloko.!"

Yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko ng mga oras na yon. Isa lang ang tumatak sa isipan ko, ang mayayaman manloloko, paaasahin ka, dadalahin ka sa mabulaklak nilang dila, pag bumigay ka na, iiwan kang bigla.

Yan ang masakit na katotohan sa kabila ng masasayang nararamdaman, masasaktan ka din lang. Oo bata pa ako noon, pero nagmahal ako tulad ng sinasabi ng puso ko, pero nasaktan na ako, kaya mahirap magtiwalang muli ang puso ko.

My First Love Is My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon