Chapter 17

1.4K 45 2
                                    

Chapter 17

Dalawang buwan pa ang lumipas, hindi pa rin bumabalik si Luke, sabi ni Jenny, si Luke ang nag-aayos, ng problema ng company ng pamilya nila, bilang kapalit ng pagbalik  ko kay Luke.

Mabait si Jenny, nakita ko ang sinseredad sa kanya sa pag hingi ng tawad, kaya mabilis ko din naman s'yang napatawad, tulad ko din, nagmahal lang din s'ya, kaya nagawa n'ya ang bagay na yon.

Nang makalabas si Jenny ng ospital, kasama ang baby n'ya. Pinuntahan n'ya  ako sa parlor ni Harold, sinabi n'yang sumama na lang daw ako sakanya, at may mag-aalaga naman daw sa akin, at hindi n'ya ako iiwan hanggat hindi bumabalik si Luke.

Hindi ko pa nakakausap si Luke, buhat ng magkita ulit kami ni Jenny. Ayaw ko mang sumama, pero si Harold na rin ang nagpayo sa akin, basta makakabuti kay baby Kate at sa magiging anak ko.

Pumasok kami sa isang subdivision, malalaki ang bahay at mukhang pang mayaman, sabagay magtaka pa ba ako, mayaman naman si Jenny.

Tumigil kami sa harap ng isang malaking gate na kulay brown. Pagbukas ng gate nakita ko ang napakalawak na hardin, maraming bulaklak, at ilang matataas na puno.

Napakalaki din ng bahay, dark brown at light brown ang kulay, bagay na bagay sa berdeng paligid. Na halos puro salamin ang bawat dingding ng bahay. Bumaba kami ng sasakyan ni Jenny.

"Bahay mo ito." Manghang tanung ko. Ngumiti lang s'ya sa akin at "malalaman mo din, feel at home, Lex, wag kang mahihiya." Sabay sabi n'ya.

Nagkibit balikat na lang ako, akay ko si baby Kate, pagpasok namin ng bahay, sinalubong agad kmi ng isang di pa naman katandaang babae.

"Manang, pakihatid naman po muna ni Lex, sa magiging kwarto n'ya, para po mamaya pag baba, pakihayin na rin ng pagkain, para makakain na rin sila."

"Sige po ma'am." Sagot na lang nung matanda. Sumunod na lang ako, kay manang. Pagdating sa kwarto, namangha ako sa laki, parang halos sinlaki na ng buong bahay namin sa probinsya,

"Kwarto? Pero parang isang buong bahay na?" Nasabi ng isipan ko. "Manang?" Nag iisip ako kung ano itatawag ko sakanya. "Manang Nelly na lang po ma'am." Sagot n'ya. "Manang Nelly alisin n'yo naman po ang ma'am. Lexa Gonzales po. Lex na na lang po Manang Nelly." Nahihiyang paliwanag ko.

"Hindi po, pwede maam Lex, ang utos ay utos." Napabuntong hininga na lang ako.

"Ay Manang Nelly, bahay po ba ito ni Jenny? Pati sobrang laki naman po nitong kwarto, ay dalawa na lang naman po kami, ni baby Kate dito, nakakahiya naman po kay Jenny."

Nahihiyang pagpapakumbaba ko, kasi totoo namang napakalaki ng kwarto, buong bahay na namin ito sa probinsya.

"Maam Lex, kwarto n'yo lang po ito. Si baby Kate meron pong sariling kwarto, katapat pong pinto nitong kwarto, n'yo."

Nahihiyang sabi ni manang, naguguluhan na talaga ako. Ang laki ng kwarto ang laki ng kama, kahit yata ako si baby Kate si manang at si Jenny luwag na luwag pa sa kamang ito.

Napakunot na lang ako ng noo, at sumama na kay manang sa baba, para daw makakain na, at kanina pang naghihintay si Jenny.

"Amm, Jenny" panimula ko habang kumakain, "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain? Papaluto ako ng iba? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo sa akin? Magpapaluto ako?" Medyo nahihiya ako sa tanung n'ya ang sarap nga ng pagkain, medyo nahihiya nga ako sa dami nito.

"Ammm kasi, hindi ba nakakahiya, ang laki laki ng kwarto na pinagdalhan ni manang sa akin, buong bahay na namin sa probinsya ang laki nun, tapos itong pagkain, parang malakihan ng party, tapos tayo lang tatlo ang kumakain?"

Nasamid pa s'ya sa sinabi ko, napabigla tuloy s'ya sa pag inum ng tubig, pero ang itsura n'ya, ganun ba masamid ang mayaman, ang ganda pa rin?

"Ginagawa ko lang ang pangako ko." Sabay ngiti. Napaisip na lang ako, siguro yong sinabi n'ya na pangako n'ya kay Luke?

"Ibig sabihin?" Gulat kong tanung, at napatakip na lang ako ng bibig. Tumango na lang s'ya bilang sagot at ipinagpatuloy ko na namin ang pagkain.

Alas sais pa lang ng umaga, pero nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok na kwarto.

Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si baby Kate. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si manang na parang balisa, "Manang may nangyari po ba?"

Mahinahon ko pa ring tanung, kahit kita ko sa mukha ni manang ang pag-aalala. "Tawag po kayo ni maam Jenny."

"Magbibihis lang ako manang, hintayin n'yo lang po ako. Mabilis lang po ako." Agad akong pumasok ng banyo, naghilamos lang ako at nag toothbrush, tapos nagpalit ng damit.

Iniwan ko muna si baby Kate at tulog na tulog pa naman. Habang pababa ng hagdan, nakakarinig ako ng boses ng lalaki na nagwawala na parang ang daming nababasag na gamit, napangiwi ako.

Habang si Jenny ay hinihintay ako sa baba, sa harap ng isang pinto, na medyo nangingiti, hindi alintana ang boses nung lalaki, na galit na galit. Pag baba namin ni manang, hinatak agad ako ni Jenny at kinindatan pa ako, habang hawak ang doorknob ng pintuan, na umaalingaw ngaw ang malakas na boses.

"Papasok tayo dyan?" Nag-aalangan kong tanung. Pero bigla na n'yang binuksan ang pinto. Sabay higit sa akin, nakapasok naman kami kaagad, nakita ko ang lalaking nakatalikod, ng bigla s'yang nagsalita, galit pa rin.

"Di! ba! Jenn...." galit na galit na salita n'ya habang, papaharap sa amin ni Jenny na hindi na n'ya natuloy ang sasabihin n'ya. Si Jenny na ang unang pumutol sa katahimikan.

"See... kung nakinig ka sa akin, na pagdating mo, pumunta ka na sa kwarto mo, para magpahinga, di sana hindi ka na nagalit ng ganyan, sinira mo pa mga gamit mo dito sa library mo. Di sana hindi ko naabala ang tulog ni Lex, masama pa naman sa buntis ang nabibigla. Hay naku."

May panunuya pa n'yang sabi kay Luke, habang nangingiti. Bigla akong nilapitan ni Luke, habang naiiyak, at niyakap. Bumitaw si Luke, at humarap kay Jenny.

"Bakit, hindi mo sinabing" hindi na natuloy ang sasabihin ni Luke kay Jenny ng itaas ni Jenny ang kamay n'ya. "Di ba, nangako ako, kapalit ng pagtulong mo sa pamilya ko, na malinis ang pangalan ni daddy at maayos ang problema ng kompanya, ibabalik ko sayo si Lex." Sabay kindat.

"Salamat Jenny."

"Sige Lex. Luke. Alis na ako, uwi muna ako sa bahay, dalaw na lang ako, isama ko si baby. Bye" hindi na ako nakapagpaalam kay Jenny at lumabas na s'ya, kaagad.

"Lex, sorry!" Nakatungo s'ya sa harap ko na hawak ang dalawang balikat ko. Hinawakan ko si Luke sa mukha n'ya.

" Wag kang mag sorry, wala kang kasalanan, ipinaliwanag ng lahat sa akin, Jenny. Hindi ako galit sayo, at wala akong galit sa kahit na kanino. Masaya akong makita ka ngayon, masaya akong makasama ka namin, ng baby natin."
Malambing kong sabi sa kanya.

"Kailan mo nalaman na buntis ka? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" May pag-aalala sa tanung n'ya.

"Hindi ko din naman akalain na may mabubuo ng gabi na yon. Lalo na at alam kung lasing ako nun, pero hindi ko talaga alam na buntis ako, nung nakauwi lang ako ng probinsya, dun ko nalaman na buntis ako."

"Bakit hindi mo pinaalam sa akin?" May pagtatampo sa tono ng boses n'ya.

"Ayaw ko ng malaman mo, napakaganda ni Jenny, ano lang naman ba ako kumpara sa sakanya, secretary mo lang naman ako nun."

Nakayuko kong sabi sa kanya. "Pero girlfriend kita nun, at mahal na mahal kita. Bakit hindi ka bumalik, para sabihin sa akin. Para naalagaan kita."

"Pero andito na ako, pwede mo pa naman kaming alagaan, di ba?" Hindi na n'ya ako sinagot at siniil na n'ya ako ng halik.

My First Love Is My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon