Chapter 18

1.6K 52 7
                                    

Chapter 18 (Last Part)

Luke

Hindi ako mapakali, ang dalawang oras, ay parang isang buong araw na. Palakad lakad ako ng pabalik balik, hindi ko malaman kung saan ako babaling, saan ako tatayo o uupo?

"Luke" tawag ni Harold, napalingon lang ako pero hindi ko s'ya pinansin, napabuntong hininga na lang s'ya.

Hindi ako mapakali, manganganak na si Lex ko, pero hindi ako mapalagay, ang dami kong naiisip ang dami kung what if's.

Hindi ko alam ang dapat kung gawin, nilapitan na ako ni Jenny at hinila ako sa tabi nila ni Harold.

"Luke, relax, hindi makakatulong yang paggiging balisa mo, sa panganganak ni Lex." Napabuntong hininga na lang ako. Iniisip ko so si Lex, hanggat walang lumalabas ng kwartong yon, hindi ako mapapanatag.

Ilang oras pa ang lumipas, pero parang wala pa ring lumalabas, kinakabahan, natatakot, hindi ko maipaliwanag. Ilang saglit pa lumabas na rin ang doktor. Mabilis akong tumayo, at lumapit.

"Doc, kumusta ang asawa ko." May pag-aalalang tanung ko. "Mr.?....." "Monteverde doc."

"Mr. Monteverde, maayos po ang asawa n'yo, at ang baby boy n'yo, mamaya po, pwede na s'yang ilipat sa kwarto n'ya." At tuluyan ng umalis ang doktor.

Lex

Hindi ako makapaniwala na ang lalaking mahal ko ngayon, ay nasa harapan ng altar ang hinihintay ako habang papalapit sakanya.

Naalala ko ng una ko s'yang nakita, nakatayo s'ya sa malayo, pero hindi ko alam kung sino tinitingnan n'ya.

Nakatitig ako papalapit sa kanya nun, pero hindi ko pinapahalata, ang pagtitig ko, nakakahiya.

Pero iba ang pakiramdam ko ng makita ko s'ya. Pero ngayon alam kong sa akin na s'ya nakatingin, alam kong pareho na kami ng nararamdaman, na mahal na mahal namin ang isa't isa.

Luke

Sobrang saya ng nararamdaman ko, hindi ko akalaing ang unang babae na nagpatibok ng puso, ay ang babaeng hinihintay ko ngayon, papalapit sa altar, ang babaeng minahal ko noon at mamahalin habang buhay, nakita ko s'ya sa school, naglalakad papalapit sa akin, hindi ko masigurado pero parang sa akin s'ya nakatingin, habang papalapit s'ya ng papalapit, lumalakas ang tibok ng puso.

Nararamdaman ko ang kaba. Ang ganda n'ya na parang bumabagal ang lahat sa paligid ko na parang kami lang dalawa. Naalala ko na naman ang unang beses na nakita ko s'ya, na parang ngayong oras na ito.

Pero ngayon, sigurado na akong, sa akin s'ya nakatingin, ako ang nginingitian n'ya, at ramdam ko sa mga ngiti na yon ang pagmamahal na matagal ko ng gustong gustong marinig at maramdaman mula sa aking mahal na si Lexa Gonzales na ngayon magiging Mrs. Lexa Monteverde ko na.

Lex

Nakatayo ako sa may veranda, nakatingin sa malawak na hardin, nagmumuni-muni at iniisip ang mga nangyari.

Masayang makasama si baby Kate Liam, baby Leik Luis, at ang asawa ko si Luke. Hindi ako makapaniwala, sa tagal ng panahon, magiging ganito akong kasaya.

Sa pagmumuni-muni ko hindi ko naramdaman ang paglapit ni Luke, niyakap na n'ya ako mula sa likudan ko, at pinulupot ang mga braso, sa may tyan ko, habang hinahalikan ang batok ko.

"Anong iniisip mo?" Tanung sa akin Luke.

"Hmmmm, wala naman, masaya lang ako ngayon, masaya akong makasama ka, si baby Kate, at ang baby Leik Luis natin." "Mahal na mahal kita Lex."

"Mahal na mahal din kita Luke."

*****

3rd Person

Ang tunay na nagmamahal, at ang tunay na pagmamahal, hindi sumusuko. Laban lang hanggang sa dulo, dahil ang tunay na pagmamahal, walang katapusan.

Thank you,

yurikurama24

My First Love Is My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon