HINDI NA MASAYA

169 3 0
                                    

INIWAN KO S'YA DAHIL HINDI NA MASAYA

Late replies

Cold replies

Seen

Our relationship ended like this, hindi na masaya. Away bati kami. Parang wala nalang, kung mag uusap kami parang hindi kami magkakilala. Nagbago na ang lahat, lagi kaming nag aaway dahil sa kanyang mga pagseselos, kasi natatakot daw siyang palitan ko ng mas better sa kanya. Long distance relationship sucks, kapag nag aaway kami hindi ko man lang siya mapuntahan. Ako nalang ang laging sumusuyo, it's not working anymore.

"Hi."

She chatted at hindi ko nalang muna ito pinansin, mas mabuti pang kausap ko muna ang barkada. Mas masaya, nakakalimutan ko ang problema.

"I know you're online, pwede bang ako muna kahit ngayon lang?" She chatted again. This time ni seen ko lang ang chat n'ya. I have no time for her drama.

Ganito nalang set-up namin lagi.

"Hi."

"Hello."

"Kumain ka na?"

"Yes, ikaw?"

"Yeah."

"Great."

Para naming hindi kilala ang isa't isa, humahaba nalang ang usapan namin sa tuwing mag aaway kami dahil sa pagseselos n'ya sa mga nakakausap kong babae at sa isang gbf ko na pinagselosan n'ya noon.

"Ano ba naman 'yan Randiv? Kanina pa kayo nag cacall ng gbf mo habang ako pinaghihintay mo!" Base on how the way she type those words makikita mong galit na nga siya.

"Befana it's just a call! A damn call! Stop acting like I am cheating on you!" Saad ko naman with the same intensity as her.

"Palagi nalang tayong ganito Randiv, ilang beses ko bang sabihin sayo na nagseselos ako sa mga babaeng laging nakakausap mo!? I bet they're prettier than me right!? Mas sexy sa'kin at mas matalino!" She chatted again.

I just wanna block her. Paulit ulit nalang kami.

"Shut it out Befana!"

"Takot ako okay!? Natatakot akong baka ipagpalit mo ako kaysa kanila! Baka may makita ka sa kanilang kakulangan ko at iwan mo ako. Mahal kita Randiv, mahal na mahal."

Hindi na ako nagreply sa sinabi n'ya. Ni seen ko lang siya, lagi nalang ganito. Humahaba lang ang usapan namin kapag nag aaway kami at nakakapagod na. Hindi naman pwedeng ganito kami habang buhay. I did what I wanted to do in the very start. I cheated. I keep on ignoring her chats. I keep on ignoring her entire existence.

Bumibilis ang reply ko sa iba habang humihina na ang reply ko sa kanya.

"Okay babe, matulog ka na wag na magpupuyat ha? Iloveyou! Mahal na mahal kita baby ko muah muah!" I smiled at what Feng said. She's really the sweetest unlike Befana na, nevermind.

"Aww I love you too baby! Pagkatapos mong bumangon ligo ka kaagad at kumain ha?" I replied, nag heart react lang siya sa message ko at naging active 1 minute ago na.

Saka ko na lamang naaalala si Befana.

Befana Denalt
9+messages
"Love, gustong gusto kong ayusin ang TAYO pero alam kong hindi na maaayos."

"Gumagawa ka na ng bagong kabanata kasama ng iba habang ako nandito iniwan mo sa ere."

"Nakita ko sa account mo love, alam mo bang kapag nag uusap kayo ang sakit sakit? Kasi hindi ko akalaing magagawa mo sakin 'yon. You promised me love."

"Pwede mo namang sabihin sa'kin na ayaw mo na at hindi mo na ako mahal, maiintindihan ko naman pero bakit kailangan mo pang magloko?"

"Sa bawat Iloveyou mo sa kanya, parang pinapatay mo ako ng paulit ulit."

"Naalala ko ang mga pangako mo noon and I guess promises are really made to be broken."

"Ito na nga ang kinatatakutan ko, ang dahilan ng lagi kong pagseselos sa mga babaeng kakilala mo kasi alam kong darating ang araw na iwanan mo ako para sa kanila."

"Patawarin mo ako kung hindi na masaya ang relasyon natin, naghintay lang kasi ako na ibaba mo ang pride mo tulad ng ginagawa mo noon."

"I guess this is good bye. Iloveyou."

"Mahal na mahal kita Randiv at mula ngayon malaya ka na." Last message n'ya, dali dali akong nagreply.

"I am sorry Befana sana mapatawad mo ako. Minahal kita pero hanggang dito nalang tayo." I replied, sineen n'ya lang ako at nag out.

I don't know kung bakit may tumulong luha sa mga mata ko. Hindi ko ito dapat nararamdaman diba kasi wala na. Hindi na kami masaya eh kaya dapat tapusin na.

"Hi baby goodmorning."
"Kumusta ka na?"
"Please reply."
"Iloveyou baby."

Hindi ko alam kung bakit nawawalan na rin ako ng gana kay Feng, I'm longing for Befana but she deleted her account. It's been 5 months since natapos ang 1 year and 3 months na relationship namin ni Befana and still, she's right here.

Tama nga sila nasa huli ang pagsisisi. Kung saan wala na saka mo pa marealize na mahal mo pala.

Hanggang may nalaman ako sa kaibigan namin, Befana has an another account. It's Jhoanna, I search it through fb and found an account full of her pictures and a boy. Sumakit ang puso ko.

"Befana? Is that you?" I tried chatting her, I am hoping na kahit iseen n'ya lang ako.

"Hey." Why she's so cold?

"Befana hey, let's talk love. I miss you so much." Kahit kinakabahan nagawa ko parin itong masend sa kanya.

"Ah you're the ex? Randiv Tonkin?" Napakunot noo ako, am I in a wrong acc?

"Ha?"

"I'm Icarus, Befana's boy friend. Nag away kami kaya nasa account n'ya ako. She's jealous dahil sa babaeng nakausap ko kanina." Nasaktan ako dahil ako sana ang nandiyan, ako dapat

"My girl is so cute whenever she's jealous, nakikita kong mahal n'ya ako. Unlucky for you, iniwan mo siya dahil doon at dahil na rin iniisip mong hindi na masaya ang relasyon ninyo." Parang sinapak n'ya ako ng katotohanan.

"Bro alam mo ba kapag nag aaway kami ako agad nagbaba ng pride kasi ayaw kong mawala sakin 'yan, mas mahal ko siya kaysa pride ko. Kapag nagseselos siya pinapaintindi ko sa kanya na mahal ko siya at never ko siyang papalitan, nakakatuwa nga na nagseselos siya kasi meaning nun mahal n'ya ako."

"Thank you for cheating on her bro, thank you for dumping her, pinakita n'ya yung totoo n'yang pagkatao yet you found it troublesome that's why you dumped her. Bro hindi naman meaning nun na kapag hindi na masaya tatapusin na, pwede pa namang ayusin ngunit mas pinili mong tapusin kaya nagsisisi ka ngayon. Goodluck bro, hindi ka na makakakita ng babaeng katulad ng girlfriend ko because she's unique."

You can't reply to this conversation

Habang sinasabi n'ya ang mga katagang 'yon tumutulo ang luha ko. May pinili kong tapusin kaysa ayusin kaya nasasaktan ako ngayon. Hindi ko nagustuhan ang pagseselos n'ya kaya pinalitan ko s'ya, I cheated because I thought she's not the one. Iniwan ko siya dahil hindi na masaya, pwede pa sanang maayos pero tinapos ko. Nasa huli nga ang pagsisisi.

*******************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon