BEKI KUYA

399 6 0
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

HAVING A BEKI KUYA

"Hoi kuya anong tinitingnan mo jan? Siguro sinisilip mo gwapo nating kapitbahay no?" Tinaasan ako ng kilay ni Kuya.

"Iww can you please quit calling me kuya little sis? I'm your ate, okay? ATE at hindi KUYA. Gash." Napairap nalang ako dahil sa kaartehan ni kuya ay ate pala.

Lumabas ako sa bahay para maglibot libot. Nakita ko ang crush ko na nagbabasketball, umupo ako sa ilang bleachers doon. Aacccckkkk ang gwapo gwapo talaga ng crush ko. Dahil sa kakatitig ko sa kanya hindi ko alam na may bola palang padating sa mukha ko kaya natamaan ako.

"Aray!" Ano ba naman yan!

"Hoi akin na nga yan, pahara hara kasi!" Sigaw sa'kin ng crush ko. Aba gago to ah! Siya na nga nakatama siya pa galit!? Uncrush na s'ya sa'kin!

"Aba ang sama ng ugali mo ikaw na nga nakasakit ikaw pa galit!" Sigaw ko pabalik.

"Ang tanga tanga mo kasi! Akin na nga yan! Dalian mo wag kang makupad!" Major turn off na s'ya sa'kin! Nakita kong pinagtatawanan ako ng mga babae sa kabilang bleachers, nga fans siguro ng damuhong to.

"Ayan ang tanga tanga kasi"
"Papansin lang 'yan kay Drake."

Hindi ko nalang pinansin at pinulot ang bola.

"Ano ba! Dalian mo nga! Wag kang makupad!" Natalon ako sa sigaw n'ya. Sisigaw na sana ako pabalik ng may gumawa na nito para sa'kin.

"Hoi ikaw! Wag na wag mong sisigawan ang kapatid ko ha! Hindi mo pinapakain to! Wala kang karapatan! Pag narinig kong sinisigawan ko pa to, bugbog ang abot mo sa 'kin!" Ngayon ko lang nakitang galit ang kuya ko. Parang naging lalaki s'ya sandali. Nagkasalubong ang makakapal n'yang kilay at naka clenched ang mga kamao n'ya. Ang gwapo gwapo tingnan ng kuya ko.

"At kayo! Ang chaka chaka n'yo! Parang mga dumi lang kayo sa paa namin ng kapatid kong maganda kaya wag n'yong pinagtatawanan ang maganda kong kapatid dahil mas katawa tawa pa ang mga mukha n'yo!" Bumalik na s'ya sa dati. Nagiging bakla na naman.

Napangiti ako, lumapit si kuya sa'kin at ginulo ang buhok ko.

"Thank you pala kuya ha?"

"Wala 'yon little sis, paano pa't naging bakla ako kung hindi ko man lang maipagtatanggol ang kapatid ko? I can be your brother and your sister little sis." Ngayon ko lang napagtanto na ang swerte swerte ko kay kuya.

I hug him.

Hindi naman masama magkaroon ng baklang kapatid dahil iba sila magmahal. They can be your sister or your brother.

*******************
Hit it dudes
MissteriousGuile

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon