MAMA

362 6 0
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

MA PATAWAD

KINDER
"Anak? first day mo ngayon sa school, pumasok ka na wag kang matakot nandito lang si mama."

"Opo ma."

FIRST MENSTRUATION
"Ma? Bakit po nagdudugo ang ano ko ma? Natatakot po ako ma."

"Anak dalaga ka na. Ganito kung paano gamitin ang napkin nak. Wag kang matakot nak nandito lang si mama"

GRADUATION DAY
"Ma salamat at dahil sayo nakarating ako sa kinatatayuan ko ngayon. I love you ma."

"Wag kang mag alala anak, kahit ano pang narating mo proud na proud parin si mama sayo. Mahal na mahal kita anak, wag kang matatakot sa kahit anong hamon sa buhay mo. Nandito lang si mama."

Bawat oras ng buhay ko nakabantay si mama sa'kin sabi n'ya noon halos ayaw n'ya akong padapuan ng kahit anong insekto. Okay lang din daw kung magutom siya basta wag lang daw ako. Mahal na mahal ko si mama.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa bahay namin kasama ang boyfriend ko. Ipapakilala ko s'ya kay mama.

"Ma si John boyfriend ko." Pakilala ko kay mama.

"Hello po tita."

"Hello din John, kumain na ba kayo? Halika pasok muna kayo."

Masaya naman kaming lahat kahit may boyfriend akong pinakilala kay mama. Hanggang sa isang araw nakita ko nalang na may hawak na kutsilyo si mama at hawak nito ang pugot na ulo ni John.

"M-ma a-ano to!? Pinatay mo ang boyfriend ko!? " Tumingin si mama sa'kin at dali daling binitiwan ang kutsilyong hawak n'ya. Napaatras ako sa takot.

"A-anak, hindi, wag kang matakot mahal na mahal ka ni mama. Hinding hindi kita sasaktan."

"Ma pinatay mo ang boyfriend ko!" Nanginginig akong nag dial sa phone ko, tumawag ako ng pulis.

Noong nakaposas na si mama ay galit na galit ko s'yang pinagduduro.

"Anak let me explain."

"Explain!? Ma! Pinatay mo ang boyfriend ko! Mamatay tao ka! Kaya mo siguro pinatay ang boyfriend ko dahil gusto mong matulad ako sayo na tumanda na walang asawa! Kaya siguro tayo iniwan ni papa dahil nalaman n'yang mamamtay tao ka! Napakasama mo! Sana hindi nalang kita naging nanay!" Kitang kita ko ang lungkot at luha sa mga mata ni mama habang sinasabi ko ang mga salitang yan. Napakasama n'ya talaga, hindi ko man lang nakitang nagsisisi s'ya.

Nakulong si mama, mabigat  na parusa ang nakuha n'ya dahil sa ginawa n'yang kasalanan. Hindi ko manlang ni minsan pinuntahan s'ya sa kulungan. Hanggang sa may natanggap akong tawag. Patay na raw si mama. Namatay ito sa kulungan dahil natamaan daw ito ng sakit at hindi na kinaya ng katawan nito.

Nabitawan ko ang cellphone ko at dali daling pumunta sa morgue na pinagdalhan ng katawan n'ya.

"Miss ikaw ba ang anak ng babaeng ito? Alam mo bang bukambibig ka n'ya araw araw? Kung gaano s'ya ka proud na ikaw ang anak n'ya. Ito pala ang liham na sinulat n'ya sayo. Pinakikiusapan n'ya kami na ibigay sayo pag nakita ka raw namin." Nawalan ako ng gana dahil sa nabalitaan ko. Hindi ko man lang nakausap si mama bago s'ya namatay. Bunuksan ko ang liham na pinaabot sa'kin.

Dear Pham,

Hi anak ko, naalala ko pa noong dinadala pa kita sa sinapupunan ko. Ang saya saya ko noon pero walang makakatumbas sa saya ko noong pinanganak kita. Ikaw ang pinakamagandang bata na nakita ko sa buong buhay ko. Naalala mo pa noong pumasok ka sa kinder anak? Takot na takot ka nun pero alam mo namang lagi lang akong nandito para sayo. I got your back nga diba? At noong nagdalaga ka na, naalala mo? First menstruation mo takot na takot ka pa nun HAHA hanggang sa naging successful ka, proud na proud si mana sayo nak. Naalala mo ba yung boyfriend mo nak? Pinakilala mo siya sa akin  noon, una palang hindi na maganda ang kutob ko sa kanya anak kaya pinaimbestigahan ko nak, at nalaman kong serial rapist yun nak, modus n'yang gawing girlfriend ang mga babae tapos gahasain. Nalaman Kong Kong sinunod ka n'ya nak kaya pinatay ko. Walang makakasakit sayo anak ko. Nandito lang ako anak, I got your back. Mahal na mahal kita."

Napaluhod ako dahil sa nabasa ko. Ang mama ko, ang mama ko na walang ibang ginawa kundi mahalin ako. Ang mama ko na kahit kailan ay hindi ako pinabayaan. Ang mama kong laging nandito sa tabi ko sa kahit anong pagsubok. Ang mama kung hindi ako iniwan. Ngayon wala na, hindi ko man lang siya nakausap. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na napatawad ko s'ya at mahal na mahal ko s'ya. Ma kung nasan ka man ngayon I love you at patawad.

To everyone, let your mother know how much you love her before it's too late.

********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon