I LOVE YOU BEST FRIEND

157 2 0
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

I LOVE YOU BEST FRIEND

Wala kang karapatang MAGSELOS.
Wala kang karapatang MASAKTAN.
At wala kang karapatang maipakita ang 'yong PAGMAMAHAL mo sa kanya dahil mag-BESTFRIEND LANG kayo.

Ang UNFAIR diba di mo magagawa lahat yan dahil WALANG KAYO at yan ang TOTOO dahil MAG-KAIBIGAN LANG ang  meron kayo.

Di mo magawa dahil sa ISANG DAHILAN na HINDI KAYO PERO pwede bang gawin mo ang lahat ng yan dahil rin sa isang dahilan na NAGMAMAHAL ka lang?

"Bestfriend! Ang ganda mo ngayon ah!"

Ayan sya binibigyan na naman ako ng pag-asa na pwede syang magkagusto sya sa'kin.

Gustong-gusto kong isigaw sa mukha nya na PARA SAYO TO!!

Pero sino nga ba ako?
Isang HAMAK na BESTFRIEND nya  lang na NAGMAMAHAL ng TAPAT sa kanya. Bakit ba kasi sya pa ang tinitibok nitong letcheng pusong to?

Ang daming nangyari sa amin.
Nagkagirlfriend sya at naiwan ako sa Ere kasama nitong letcheng pagmamahal na nararamdaman ko.

Gusto kong sabihin sa kanya ang mga katagang mahal kita pero napangunahan ako ng takot at baka  iwan nya dahil di nya ito masuklian.

"Bestfriend! Susunduin ko si Joy sasama ka? "Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko gustong sumama pero dahil mahal ko sya napa-oo nalang ako. Masokista na yata ako, eh alam ko namang masasaktan lang ako pero ayun umoo parin.

Kinuha nya na si Joy sa kanilang bahay habang ako nasa kotse nya  nag-hihintay at nasasaktan habang magkasama silang dalawa.

Ang sweet-sweet nilang naglakad, nakaakbay sya kay Joy habang si Joy naman ay nakahawak sa bewang nya.

"Bestfriend! pwede bang don ka sa likod?"

"Ahh oo sege"

Ang sakit,parang dinurog ang puso ko sa sobrang sakit,bakit pa kasi ako sumama? T.A.N.G.A kasi, alam ko namang sya ang priority nya.

Kung malunod kaya kaming dalawa sino kaya ang pipiliin nya? Malamang si Joy! Mahal nya ehh!Alangan namang ako na bestfriend nya lang.

"Mahal nandito na tayo, Ipikit mo muna yang mga mata mo"Oo nga pala sinundo nya si Joy dahil may sorpresa sya sa kanya.

Ang sarap mo  namang magmahal bestfriend, kung di lang ako nagkagusto sa kanya malamang nasabi ko na yang mga linyang yan.
Ang ganda ng gawa nya, effort na effort talaga.

May malaking puso na gawa sa rosas ang gitna ng gym tapos ang ibang mga schoolmates namin ay may hawak na tig-isa isang rosas.
Isa-isa nilang ibinigay kay Joy ang mga hawak nilang rosas na may kasama pang sulat na bestfriend ko mismo ang gumawa.

Ang saya-saya niya kitang-kita ang kanyang pagmamahal kay Joy

Mahal na mahal nya talaga si Joy at di ko mapapantayan yun. Siguro ito na ang tamang oras para palayain ko ang aking sarili sa pagmamahal ko sa kanya.

Simula ng araw ding 'yon iniwasan kona sya pagnagkasalubong kami ako agad ang umiwas, lahat ng text at calls nya ay di ko pinapansin.

Mukhang nahahalata na nya dahil sya na mismo ang lumapit para kausapin ako.

"Faith! Ano bang problema! Bakit mo ako iniiwasan? Lahat ng text at mga calls ko ay di mo pinansin!? Sabihin mo naman kong anong problema, dahil mababaliw na ako kakaisip kong may nagawa ba akong mali para bigyan mo ng ganyang treatment!" Ang lungkot ng mga mata nya. Parang gumaan ang loob ko dahil nalaman kong may pakialam pa pala sya sa'kin, akala ko di nya lang papansinin ang ginawa kong pag-iwas sa kanya.

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon