IBA SUMUKO ANG MARUPOK

366 4 0
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

IBA SUMUKO ANG MARUPOK

Sobrang mahal n'ya ako kaya okay lang na gawin ko 'to.

Yan ang nakatatak sa isip ko. My girlfriend loves me so much to the extent na paulit ulit n'ya akong pinapatawad sa mga kasalanan ko. Lagi ko paring ginagawa kasi alam kong papatawarin n'ya parin ako.

"Thy? Sino 'yung nag comment sa post mo? Ang landi ah and yung GBF mo bakit kung makaasta parang siya ang girlfriend?" Napakunot noo ako sa nabasa, here we go again. Aysi is bugging me about sa comment kanina.

"Come on Aysi nagseselos ka dahil dun sa babaeng yun? Like WTF Aysi comment lang yun okay? Pinatulan ko lang kasi bored ako at you're not online during that time!" I chatted back, this girl is getting into my nerves.

"So ganun? Pag hindi ako online papatol ka ng ibang babae Thy? And sino ang hindi masasaktan sa comment mo? Parang wala kang girlfriend ah! You posted, "Kahit isang ligaw na chat man lang jan" at nagcomment ang babae na "Gusto mo ichat kita? Tapos ughh ughh agad?" And then you replied, "Usap lang tayo tapos pasok sa kwarto at ugh ugh agad." Tangina sinong matinong girlfriend ang hindi masasaktan dun Thy!? Girlfriend mo ako!" She always nags me and I freaking hate it! Nakakabanas ang ugali n'yang 'yan.

"Ano ba Aysi, stop it. Nakakapagod na 'yang pagseselos mo. Nakakasawa ka." Wala na akong pakialam sa naramdaman n'ya. Nakakabanas ugali n'ya.

"Thy naman and your girlbestfriend bakit parang mas maraming oras kapa kaysa kanya. Ako ang una mong naging kaibigan Thy. Ako ang mas nauna! Pwede mo naman akong maging jowa at bestfriend ah." Yeah yeah yeah. Nakakasawa na talaga ang ganito. Lagi nalang kaming nag aaway.

Away rito away r'yan. Nawala na ang dating kilig sa relasyon namin kaya para akong naging cold sa kanya. Alam kong pinipilit n'yang ibalik sa dati 'yung nagsisimula palang. Pero ako? Nawalan na ako ng gana knowing na ganyan pala ang ugali n'ya.

"Aysi kung hindi mo kaya edi magbreak na tayo, mas importante si Hred kaysa sa'yo and lastly, girlfriend lang kita." Saad ko at nag out.

Alam kong sa pagbalik ko more than 9 messages ang matatanggap ko galing sa kanya. Alam kong hindi n'ya ako kayang tiisin. And I was right dahil pag online ko palang more than 9 messages ang natanggap ko. Sabi ko naman diba? Okay lang na gawin ko 'yun dahil alam kong hindi n'ya ako matitiis. Mahal na mahal n'ya ako.

"Sorry na bati na tayo, Iloveyou."

Yan ang nabasa ko sa kanya. And that day nagkabati uli kami. Marupok 'yan sakin eh kahit ako ang may kasalanan s'ya ang hihingi ng tawad. Until nakagawa na naman ako ng kasalanan sa kanya and yeah I keep doing it because I know she will still forgive me.

"Thy bakit mo ba ako binabalewala? Hoi online ka naman pero bakit hindi ka nagrereply? Kausap mo na naman ba GBF mo? Mahal naman eh, sige hihintayin kita hanggang 1AM okay? Baka kasi busy kalang hehe Iloveyou pooo." Ni ignore messages ko s'ya. Mamaya ko nalang bubuksan, I was busy talking with Hred, may GBF kasi ka vibes ko s'ya unlike kay Aysi.

Until nakalimutan kong may i open ang messages ni Aysi, 10 AM ko na ito nabuksan.

"Sige hanggang 3AM ako mahintay sayo kasi online ka pa naman eh. Kaya ko to, baka kasi busy ka talaga." Yan ang last chat n'ya bago ata s'ya makatulog.

3AM s'ya natulog kakahintay sa'kin. Susuyuin ko nalang s'ya mamaya, mabilis naman bumigay sa'kin 'yan eh.

"Aysi sorry a? Busy ako kanina kaya hindi ako nakapagreply. Kausap ko si Hred, may problema s'ya eh."

"A-ah g-ganun ba?"

Hindi na ako nagreply at kinausap nalang si Hred. She's really funny.

"Thy pwede bang iwasan mo na ang GBF mo? Kasi Thy nagseselos ako sa kanya, nasa kanya lahat ng atensyon mo. Pati narin sa mga ibang babaeng nakapaligid sa'yo. Nagseselos ako sa kanila. Mahal na mahal kita eh." Napatawa ako sa nabasa, ang kapal ng mukha ng babaeng ito kung makapag uto sa'kin ah. She's just my girlfriend. 

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon