PEKENG NGITI

138 3 0
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

HINDI LAHAT NANG NGUMINGITI AY MASAYA

"Hi ma'am good morning!"

"Good morning Mia ang ganda mo ngayon!"

"Hello Ryle musta kana? Ayieh kayo ma ng crush mo?"

"Rhys ano? Gusto mo ng kiss ni Mabel? Umamin kana kasi!"

"Oy anyare bakit ka umiiyak? Nandito lang ako."

"HAHHAHAHAHA LT HAHAHAHAHHA NAKAKATAWA!"

Bati rito, bati roon. Ngiti rito, ngiti doon. 'Yan ang lagi kong gimagawa sa school. Ang saya saya ko. Sobrang saya. Araw araw wala akong ibang ginagawa kundi maging masaya at tumawa.

"Kyla? Bakit ka umiiyak? Are you okay? Andito lang ako." I said to my friend. I saw her crying in our classroom kaya nilapitan ko s'ya at kinausap.

"Nagbreak kami ng jowa ko! Ang sakit sakit! Gusto ko na mamatay!"

"Ano ba naman Kyla naririnig mo ba 'yang pinagsasabi mo!? Wag kang bobo! Lalaki lang 'yan!" Saad ko sa kan'ya. Naiinis ako sa pagiging OA n'ya.

"Anong bobo!? Nasasabi mo 'yan kasi wala kang problema! Lagi kang masaya! Wag mo akong katulad sa'yo Angel Arsenal!" Galit at umiiyak na saad n'ya sabay alis sa classroom.

Naiwan akong nakangiti. Ang mga tao ngayon, gusto nang mamatay dahil sa isang napakabobong dahilan. Hindi nila alam na maswerte sila dahil ganyan lang ang problema nila. Umalis nalang ako at kinuha ang bag ko para pumunta sa next subject.

Nakita kong inaalo ng barkada ko ang isa naming kaibigan. Umiiyak, mukhang may problema na naman. May gusto pa naman sana akong sabihin sa mga kabarkada ko. Lumapit ako sa kanila.

"Ahh guys?" Kuha ko sa atensyon nila. Lumingon sila sa'kin kasama ang umiiyak naming kabarkada.

"Bakit Angel?" Saad ni Rogylle.

"May sasabihin ako sa inyo pwede----" Napatigil ako sapagkat pinutol ni Rogylle ang sasabihin ko sana.

"Pwede ba Angel wag muna ngayon. Tama na ang mga jokes mong korni. May problema kaibigan natin oh? Porket lagi kang masaya nakakalimutan mo na ang mga tao sa paligid mo!" Ngumiti nalang ako sa sinabi n'ya. Sanay na ako.

Nagsidatingan ang iba naming kaklase. Inaalo nila ang umiiyak na kaibigan ko. Lumapit ako sa president namin.

"Pres, may joke ako." Lumingon s'ya sa'kin.

"Pwede ba Angel? May problema isa mong kabarkada! Hindi ka ba maawa? Lagi ka nalang nagjojoke. Ang saya saya mo. Kung wala kang matinong sasabihin pwede ba tumahimik ka nalang? Nakakaumay kana."

"Oo nga Angel napaka insensitive mo."

"Porket lagi kang masaya."

"Porket wala kang problema."

"Sana maranasan mo maging malungkot!"

"Nag away ang mga magulang n'ya Angel makiramdam ka naman!"

Nakangiti parin ako sa mga binabato nila sa'kin. Masaya parin ako. Ang saya saya ko parin. Ngunit tumutulo na ang mga luha ko.

"Alam n'yo kung bakit ako laging masaya? Alam n'yo kung bakit ako laging nakangiti? Kasi wala na ako sa impyernong bahay namin."

"Sinasabi n'yong wala akong problema? Sana ganun nalang kasi araw araw pinoproblema ko ang pamilya ko. Nakikita kong sinasaktan ni Daddy si Mommy. Araw araw silang nag aaway at maghihiwalay na raw sila."

"Si Ate, she's on the influence of drugs kaya ipaparehab s'ya, ang kuya ko. Naaksidente s'ya."

"At alam n'yo ang masakit?" Naghubad ako ng uniforme sa harap nila at pinakita ang mga pasa ko sa katawan.

"Ang mga pasa na 'to ay kagagawan ni mommy at daddy. Ako ang pinagdidiskitahan ni mommy kapag tapos na silang mag aaway ni daddy. Ako ang ginawang punching bag ni daddy kapag lasing s'ya." Napasinghap sila sa nakita.

"At alam n'yo ang pinakamasakit? Kinuha ng mga taong pinagkakatiwalaan ko ang pagkainosente ko. My kuya molested me and my dad raped me! Paulit ulit nilang ginagawa! My mom knows about this pero nanatili s'yang tikom ang bibig. And si Ate, kaya s'ya naging ganun dahil din sa kanila! Binaboy rin s'ya ng mga taong pinagkakatiwalaan namin!" Hindi sila makapaniwala sa narinig. They are in shock.

Sino ba naman ang hindi mashoshock kung ang taong sobrang saya ay may ganito palang pinagdadaanan?

"Sa bahay impyerno pati ba naman  dito impyerno parin? Wala na ba akong karapatang maging masaya? Wala na ba akong karapatang tumawa?" Napaupo ako sa sakit. This feeling is killing me. Sobra ang sakit na aking nadarama.

Ngumiti ako sa kanila.

"Ang mga barkada ko, gusting gusto kong sabihin sa inyo pero lagi n'yo akong hindi pinapansin. Kaibigan n'yo rin naman ako ah bakit ang unfair n'yo?" Lumingon ako sa mga barkada kong umiiyak na rin kagaya ko.

"Tama kayo, dapat hindi na ako magiging masaya. Tama na ang pagpapanggap. Pagod na ako. Pagod na akong tumatawa kahit ang totoo umiiyak ako sa sobrang sakit." Kinuha ko ang uniforme ko at muling isinuot. Tumakbo ako papunta sa rooftop, pumunta ako sa pinakadulo nito. Nakita kong nagsidatingan ang mga kaklase ko. Umiiyak at nagmamakaawa na umalis ako sa kinatatayuan ko.

Ngunit wala akong naririnig, tila naging bingi ako. Ang hangin lamang nagpapayapa sa akin. Tumingin ako sa ibaba at nararamdaman ko nalang na lumilipad na ako hanggang sa naramdaman ko ang pagtama ng katawan ko sa malamig na memento. Ito na ang katapusan ko. I know, I feel it. Finally makakalaya narin ako. Ngumiti ako, isang ngiting totoo.

Hindi lahat ng tao nakangiti ay masaya. May iba nagpapanggap lang para matabunan ang sakit na nararamdaman nila. Ang iba gustong ngumiti para sa mga mahal nila kahit katumbas nito ang sakit. May iba't iba tayong problema, malaki man o maliit. Pero ang ngiting nagpapanggap ay may tinatanong tunay na nararamdaman sa kaibabawan ng kanyang puso. Always remember na hindi lahat nang nakangiti ay masaya. Yung iba tinatago lang sa ngiti ang tunay na nararamdaman nila.

********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

Fb writing account: Red Darmstatdium

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon