LABEL

208 3 0
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

WHY LABEL IS IMPORTANT

Why label is important? Simple because it will give a person an ownership about something. Yes, you said I love you's to each other but wala kayong mapanghahawakan dahil walang kayo, kumbaga walang LABEL. Parang merong kayo pero wala, hindi ka pwedeng magselos, hindi ka pwedeng magdemand ng kahit ano dahil naglalandian lang kayo at WALANG KAYO.

I met someone on RPW and his name is Pierro. Pierro is famous at hindi ko alam kung bakit n'ya ako napansin. We chatted, hanggang sa naging magkaibigan kami, we shared secrets and problems.

"Pierro, nawawalan na ako ng gana mag aral."
"Hey Kritanta, bakit naman? Don't tell me nagboboyfriend ka!?"

"Hindi ah, napaka mo talaga Pierro!"

Araw araw magkausap kami, hindi ako natutulog ng walang goodnight sa kanya at hindi ako umaalis sa kama ko ng hindi nag gogood morning sa kanya.

"Pierrrroooo, I'm sleepy naaaa."

"Hmm, inaantok na ba prinsesa ko? O sige /Kiss your forehead/ tulog na okay?"

"Opo, ikaw rin ha? Matulog ka na."

That's our everyday routine. Sobrang saya dahil alam kong unti unti na akong nahuhulog sa  kanya hanggang sa bigla nalang s'yang nag Iloveyou sa'kin.

"Hi Kritanta ko good morning." Napangiti ako sa chat n'ya.

"Good morning din Pierro."

"Kumusta?" Nagtipa ako ng reply.

"Okay lang HAHA"

"Hahaylabyu."

"Haylabyutoo."

Doon nagsimula ang landian namin ni Pierro. Nag I loveyouhan kami sobrang sweet sa isa't isa pero walang kami.

"Hey baby, kumain ka na?" My heart beats faster when I read his message. Kinikilig akong nagreply.

"Oo baby, ikaw?" Para akong kiti kiti na pangiti ngiti pero pinipigalan lang dahil baka mahalata nila mama at masabihan pa akong baliw. Hirap magpigil ng kilig kapag nasa harap ka ng pamilya mo.

"Kumain na rin, buti yan baby ayaw na ayaw kong magutom ka. Iloveyou."

"I love you too baby."

Ang saya saya ko habang kausap ko siya. Parang mahal ko na ata siya eh. Siya lang kasi ang kausap ko magdamag. Nagseselos din s'ya kapag may lumalandi sa aking ibang lalaki.

"Tingnan mo nga yung nagcomment sa post mo Kritanta, nayayamot ako. Bakit sabi n'ya. Crushback daw!? Ano yan nag uusap kayo sa PM ha!?"

"Hoi gago, wala nga! Anong nag uusap eh kakakilala ko lang sa lalaking yan dahil sa comment n'ya!"

Araw araw para kaming magjowa dahil sa usapan namin. Akala nga ng lahat kami ni Pierro dahil sa mga pinapakita namin pero ang totoo. Wala talagang kami. Hanggang isang araw nagbago ang lahat. Pierro becomes cold and distant, halos hindi ko na s'ya kilala.

"Pierro hey anong nangyayari sayo?" I chatted him dahil nag aalala ako sa kanya.

"Wala."

"Anong wala? At sino yung babaeng laging nagco-comment sa mga post ha!?"

"Wala kang pakialam."

"Anong walang pakialam!? Tangina naman Pierro eh! At pwede ba dalian mo ang reply mo!" Halos mapudpud na ang mga kamay ko dahil sa gigil kakapindot ko sa keyboard.

"Putangina ina Kritanta bakit ka ba nagdedemand! Ano ba kita!?" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa nabasa ko. Ano ba n'ya ako? Napaisip ako. Oo ano nga ba n'ya ako? Wala nga palang kami, hindi rin kami magkaibigan, naglalandian lang kami. Ako lang ang gagang asa ng asa na mamahalin ako ng taong mahal ko.

Simula noon, halos hindi na kami nag uusap ni Pierro, halos hindi na nga siya nagrereply and when he replied, he's so cold and harsh yung parang walang pakialam sa nararamdaman ko?

"Hey Pierro ano bang nangyayari sayo? Kumain ka na ba? Kain ka na wag papagutom." Hindi ko na kaya ang ganito that's why I chatted him, gusto ko rin kasing sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

"Anong nangyayari? Ganito naman talaga ako Kritanta. Siguro hindi mo pa talaga ako kilala ng lubos at pwede ba wag kang nangingialam sa buhay ko!" Napaiyak ako dahil sa nabasa ko, ang sakit sakit ng mga pinagsasabi n'ya. Coming from the person I love? Ang sakit.

Hindi ko na talaga kilala si Pierro, ibang iba na s'ya. Gone the sweet and caring Pierro that I once know napalitan na s'ya ng taong kinamumuhian ko ang ugali. Hindi ako pwedeng magdemand ng kahit ano dahil ayaw kong supalpalin n'ya ulit ako sa mga masasakit n'yang mga salita. Hanggang sa nakita ko nalang.

Pierro Fissolo is with Shantelle Emperial. In a relationship

Nanginginig kong binasa ang mga comments.

Pierro Fissolo
Finally kami na rin ng babaeng matagal ko ng gusto
Pierro Fissolo
I love you Shantelle

Shantelle Emperial
I love you too Pierro

Kahit nanginig dahil sa sakit ng nabasa ko, I still chatted Pierro. Tangina ang sakit sakit, kaya pala siya biglang nawala. Kaya pala biglang nag iba dahil may iba na palang nagpapasaya sa kanya.

"Pierro, ano yung nababasa ko!? Bakit mo ako ginanito!? I deserve an explanation Pierro!" Minutes later bago s'ya nagreply.

"Unang una sa lahat Kritanta. Bakit ka ganyan kong umasta? Ano ba kita sa buhay ko? Pangalawa, anong karapatan mo para kwestyunin ako? Hindi kita kaibigan at lalong lalo na hindi kita jowa. Pangatlo, pwede bang tigilan mo na ako?" Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko pagkatapos kong mabasa ang mga reply n'ya. Bakit ang sakit sakit? Alam ko namang walang kami eh pero yung mga I love you's n'ya wala lang ba yun?

"Paano yung mga I love you's natin noon Pierro? Yung care and love na pinapakita mo noon! Wala nalang ba yun!? Wag naman ganito Pierro! Natutunan na kitang mahalin eh! Mahal na kita!" Umiiyak ako habang nirereply ang nga salitang yan. Ang sakit sakit kasi, hindi ko matanggap.

"Kalimutan mo na yun Kritanta, ginawa lang kitang PAMPALIPAS ORAS habang hindi pa ako sinasagot ni Shantelle at oo nililigawan ko siya habang nag I-I love you ako sayo. Sana ito na ang huli nating pag uusap. Sinagot na ako ni Shantelle kaya HINDI NA KITA KAILANGAN. At 'yang pagmamahal mo? Tanggalin mo na yan dahil kahit kailan man hindi ko masusuklian yan, sana naiintindihan mong PINAGLALARUAN LANG KITA AT HINDI AKO SERYOSO SAYO kaya nga hindi ko nilagyan ng label diba?" Yan lang ang sinabi n'ya and pagkatapos n'ya akong iblock. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag iyak ko. Mahal ko s'ya pero bakit hindi n'ya masuklian yun? Halos nagkulong lang ako sa kwarto ko buong araw.

Hindi ko matanggap na ang taong mahal na mahal ko ay pinaglalaruan lang ako. Hindi ko matanggap na umasa ako sa wala.

Noon siya ang kausap mo araw araw, sobrang sweet n'yo na halos para na kayong mag asawa pero biglang dumating ang araw na halos hindi na kayo magkakilala, sobrang cold n'yo na sa isa't isa yung parang hindi kayo nag exist at nag I loveyou han noon. Pero biglang nagbago ang lahat kasi may iba ng nagpapasaya sa kanya at wala kang magagawa kasi walang kayo, wala kayong label noong parang kayo pa.

Kaya kung tatanungin ako ng why label is important? Napaka importante kasi maipapagmalaki mong may pag aari ka. Kapag ang isang relasyon ay walang label katulad lang yan ng isang lupang walang titulo. Nilalaanan mo ng oras, pawis at effort pero in the end makukuha rin pala sayo dahil WALA KANG TITULO. To all the people out there, boys and girls. Lagyan n'yo ng label ang relasyon n'yo. Hindi mo maipapakita ang gusto mong ipakita dahil walang kayo, wala kang hawak na titulo. Umaasa kang mahal ka ng taong mahal mo, oo may mutual understanding kayo pero mas maganda parin ang relasyon na may label. Umaasa kang mahal ka ng taong mahal mo pero ang tanong sayo ba yan? Baka may ibang ka I love you han din 'yan. Hindi mo lang alam, marami pala kayo. Hirap kaya na umaarteng magjowa pero walang kayo. Kaya sa mga taong nagmamahal jan, label muna bago I love you han.

********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon