I KILLED HIM

152 6 1
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

I KILLED HIM

Masasabi nating walang pinipiling walang pinipiling anyo ang pag-ibig basta pag titibok ang puso mo at mababaliw ka sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, pag ibig na yan.

He's not an ideal man, hindi s'ya badboy na katulad ni Jeydon, hindi s'ya sikat na katulad ni Deib Lohr, hindi s'ya magalang katulad ni Juanito, hindi s'ya gwapo katulad ng Possessive series at higit sa lahat hindi s'ya tinitiliaan ng mga babae pero mahal ko s'ya.

Palagi s'yang nakatitig sa akin sa aming bintana. Nadadala ako sa mga titig n'ya pero sa tuwing lalapit s'ya sa'kin ay napapalayo ako sa kanya dahil sa kilig.

I know that he likes me that's why ako na ang lumapit sa kanya, alam kong torpe s'ya kaya I confessed my feelings and guess what? Nakatitig lang s'ya sakin.

"I already confessed my feelings to you, I love you!" Nakatitig pa rin s'ya as if that's his cue.

Since that day naging magkasintahan kami, hindi s'ya gwapo pero nakuha n'ya ako sa mga titig n'ya. Until one day. Nakita ko nalang na nakapikit na ang kanyang mga mata at wala na s'yang buhay sa sahig namin. Naapakan ko s'ya.

"Bumangon ka jan! Idilat mo ang mga mata mo! Titigan mo ulit ako katulad ng pagtitig mo sa'kin noon! Bumangon ka!" Ngunit hindi na s'ya bumangon. Nakapikit na ang kanyang mga mata, wala na ang mga mga titig n'yang nakakatunaw. Napaiyak ako.

"I'm sorry I killed you, hindi ko sinasadyang maapakan kita. Minsan lang ako magmahal pero bakit naging ipis ka pa?"

I killed my boyfriend sadyang mapaglaro ang tadhana, hinayaan n'ya akong magmahal pero sa isang ipis naman.

********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

Fb writing account: Red Darmstatdium

Epekto ng quarantine HAHAHLT.

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon