CRUSH

3.6K 16 0
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CRUSH

"Okay class, there are three types of blahblahblah" Ang boring mga pre, wala talaga akong pakialam sa pinagsasabi ni ma'am bahala sya diyan.

Kinuha ko ang selpon ko sa bag at nagselpon nalang di naman ako makikita dahil nasa pinakadulo ako. Kumuha din ako ng pagkain.  Scroll scroll sa fb, hanggang may kumalabit sakin di ko sya pinansin at napatuloy lang sa pag seselpon.

May kumalabit ulit. Pota! Kanina pa to ah! Nilingon ko sya at papaluin sana pero napatigil ako dahil si crush pala uwaahhh. Ang gwapo gwapo ni crush.

"H-hi bakit?" Mahina kong saad sa kanya habang inipit ang buhok sa tenga.

"Bawal yan, gusto mo isumbong  kita?" Saad nya.

Imbes na kabahan ay mas kinikilig tuloy ako sa sinabi nya. Ang gwapo gwapo kasi ni crush, kahit na nagkasalubong ang mga kilay nya mas lalo pa din siyang gumwapo sa paningin ko.

"Shan mwo ko ishushumbong crush? Se meme mo para pakashal na tayo?" Saad ko sa kanya habang sinusundot ang kamay nya.

Ang landi ko pero last na to graduating na kami sa high school dapat ika crushback din ako ni crush. Nakita kong lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Fred. Bigla syang tumayo.

"Yes Fred?" Saad ni ma'am habang nakatingin sa nakatayong si Fred. Patay isusumbong pa ata ako!

"May isusumbong ako." Saad nya habang lumingon sakin. Pota isusumbong na ako. Ang sarap mong balikan crush!

"Kanina pa sya cellphone ng cellphone di nya man lang napansin na kanina ko pa sya tinitingnan." Kumalabog ang dibdib ko at bigla akong namula nong hinawakan nya ang kamay ko at pinatayo ako. Omaygod.

"Ma, isusumbong ko po sayo na siya po ang babaeng matagal ko nang gusto. Sya po ang gusto kong makasama habang buhay." Nakalimutan kong mama pala ni Fred ang teacher namin sa subject na ito. Di ko ma explain ang nararamdaman ko ngayon.

Bye ma! Magpapakasal na ako!

Tumingin sya sakin at hinawakan ang kamay ko, nagtilian ang mga kaklase namin.

"Go fred!"

"Sanaol!"

"Magbebreak din kayo ulol"

"Odiwao sa inyo!"

Ang OA ng mga classmate namin amp!

"Pwede ba kitang ligawan?" Nakangiti nyang tanong sakin. Puta puta puta puta. Kinikilig ako sobra sobra na ang kilig na nararamdaman ko. Puta liligawan ako ni crush!? Pwede na akong mamatay.

Sasagot na sana ako ng biglang may narinig kaming tunog ng utot. Puta nakautot ako. Napahawak sa ilong nya si Fred habang pulang pula naman ako. Sobrang lakas ng utot ko puta. Nakakahiya.

Dahil sa kilig ko, napautot ako ng malakas o dahil ata to sa kinain ko kanina.

"I-ikaw ba yun?" Tanong nya.

Kinuha ko agad ang bag ko at tumakbo palabas sa classroom. Puta nakakahiya bakit pa ako nautot sa oras na yun!? Lesson learned, wag magselpon kapag may klase!

*********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

COMPILATION OF ONE SHOTS STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon